Chapter 22: Jelousy

8 1 0
                                    

Alyssa Ashley Cardona's POV:

"Ako din aalis na ako mamaya. Hindi mo ba ako yayakapin?", tanong nung Bam kay Jam. Naglalakad na kami ngayon pauwi.

"Heh!", Jam.

"Manahimik ka kasi Bam. Alam mo na ngang ano e nakikiano ka pa.", Ryza. Siniko naman siya ni Jam.

"Ts. Ayaw mo edi hwag." Lumapit sakin yung Bam. "Ash diba? Kahit ikaw nalang akap sakin, pwede? - Aww! Aray!!!"

"Kapal ng mukha kapal kapal. Mahiya ka naman!", palo nung Ryza. Natawa nalang ako. Hinila niya yung Bam at naunang maglakad. Nilapitan naman ako ni Jam para sabayan sa paglakad.

"Okay ka lang?"

"Oo naman. Makulit yung Bam ha."

"Oo hahaha. Ganun talaga yun. Sarap nga sapakin madalas e."

"Kailan pa kayo friends?"

"Matagal na. Since birth daw e. Hahaha. Diko maalala exact date basta nung mga bata pa kami magkakakilala na daw kami kaya nung medyo nagkaisip na kami, sobrang close naming tatlo." Tumango-tango naman ako.

"Ashley! Ang ganda mo." Napalingon kami sa likuran.

"Ang cute mo talaga.", daan nila sa amin.

"Kinikilig ka na naman bro.", usapan nila.

Biglang natahimik si Jam. Bakit kaya? "Okay ka lang?" Tumango lang siya. "Sure?"

"Jam! Una na kami a?", Ryza.

"Aalis na ako, di ba kayo mamamaalam?", Bam.

"Bye.", Jam.

"Bad ka Jammy! You're so bad! Humanda ka aagawin ko si Ashley sayo soon! - A-ouch!", Bam. Piningot siya nung Ryza at isinama sa pag-alis.

Shaila Joy Marcos's POV:

Nakakamiss si ate. Ilang araw na nakalipas pero hindi parin kami sanay na wala siya dito. Di na nga kami nagigising ng maaga e. Di narin kami nakakakain ng maayos kasi tinatamad kami magluto. Si ate lang naman masipag magluto samin.

Itong dalawang babaeng kasama ko naman, di na mapigilan ang kanilang nadarama. Joke. I mean, they're getting closer and closer. Para na akong na a-out of place dito.

"Look mo toh oh Jam!", tukoy ni Ash sa phone niya. "They're so cute. Sabi ko sayo totoo sila e!"

"Oo na po."

Gusto kong tanungin kung ano ba yung usapan nila pero nakakahiya naman. Na-stress na ata ako dito. I need some fresh air. Hahaha.

"Di niyo ako pinapansin. Lalayas na ako ", biro ko.

"Halla! San ka pupunta?"

"Iiwan ko narin kayo."

"Parang baliw toh. Lika dito.", hila sakin ni Jam.

Jamaica Pat Tolentino's POV:

Paghila ko kay Shai medyo naibangga siya sakin. "Aray a! Nananadya ka ata e. Hwag ako Jam. May boyfriend na ako."

"Para kang timang. Dito ka oh.", pinaupo ko siya sa tabi ni Ash para makita niya yung pinapanood namin.

"Totoo ba yan bhie?", Shai. Di siya sinasagot ni Ash. "Huy Jam totoo toh?"

"Panoorin mo kasi a!", sigaw ko kay Shai.

"Edi wow edi wow."

"Tanong ka pa a. Hahaha. Di mo nalang icheck on your own."

"Yeyeye.", Shai. Ipinahawak ni Ash yung phone niya kay Shai at lumabas. Nanood lang kami ni Shai. Ang tagal ni Ash, gusto ko ng lumabas kaso nakakahiya naman kay Shai kung iiwan ko siya dito mag-isa. "Asan na si Ash?" Buti nagtanong ka Shai.

"Teka tingnan ko."

Umalis na ako at iniwang mag-isang manood ng Jenlisa si Shai. "Bakit dika pa pumasok sa loob?", tanong ko kay Ash nang makita ko siyang mag-isa sa kusina.

"Wala lang."

"Tara na sa loob."

"Mamaya na."

"Sige, dito muna ako samahan kita." Uupo na sana ako kaso pinigilan niya ako.

"Hindi na. Samahan mo na si Shai dun."

Diko alam kung nagseselos ba siya o ano. "May problema ka?"

"Wala naman."

Umupo ako sa tabi niya, "Namimiss mo na siguro si ate noh?" Nagsmirk siya kaya diko alam kung tama yung tanong ko o hindi. "Okay ka lang ba talaga?"

"Oo nga."

"Tara na garud sa loob."

"Hoy! Anong ginagawa niyo dito? Di niyo talaga ako lab noh? Sumbong ko kayo kay ate e. Inaaway niyo ako.", drama ni Shai.

Biglang tumayo si Ash at naunang nagpunta ng kwarto. "Halla. Badtrip ba yun?", tanong sakin ni Shai.

"Ewan ko nga e."

"Halla ka! Baka naman may problema siya. Puntahan mo na. Uuwi pala ako ngayon diko namalayan yung araw. Debut ng kaibigan ko nung High School tayo."

Nakaalis na si Shai pero di parin kumikibo si Ash. Di nga din niya pinansin si Shai nung nagpaalam siya e. Nilapitan ko siya at naupo sa tabi niya, nakaupo siya sa bed ni Shai.

"Anong ginagawa mo?", tanong ko sabay silip sa phone niya. Nanonood ulit siya ng Jenlisa. "Tara na kumain. Anong gusto mong kainin? Uy. Bakit di ka namamansin? May problema ka?", mahinang tanong ko.

"Wala naman. Tara na uwi."

"Ay sige." Ang cold niya. Nag-ayos na siya ng gamit niya. "E diba may klase ka pa bukas?", tanong ko. Hwag kang umuwi Ash.

"Kahit na."

Alyssa Ashley Cardona's POV:

Tumayo na ako para umakyat sa bed ko at kunin yung ibang mga gamit ko dun pero... "Sorry kung ano man yun.", yakap niya sa akin mula sa likuran.

"Opo.", sabi ko lang at aakyat na sana kaso hinigpitan niya yakap niya.

"Sobrang sorry."

Umiiyak ba siya?

To be continued...

UntoldWhere stories live. Discover now