Chapter 3: Ate Danica's Struggle

21 2 0
                                    

Danica Jade Dela Cruz's POV:

Bakit ganun? Palagi nalang ba akong magiging ganito? Always nalang ba akong hihingi ng tulong? Ni wala akong naitutulong sa kanila. "Ate, bakit? Ayos ka lang ba?", nilapitan ako ni Ashley. Eto na naman, lagi nalang ako ang dinadamayan. "Magsabi ka ate."

"Okay lang ako. Haha.", pilit akong ngumiti.

"Alam kong hindi. Sige na.", kay Ashley lang ako palaging nagkukuwento. Napayuko ako, pinipilit kong huwag umiyak.

"Alam mo naman na Ashley, sina ate at kuya kasi gusto na nila talaga akong kunin."

Ang ate at kuya ko ay nagtatrabaho sa Singapore at may sarili na kaming bahay doon na naipatayo nila. Ngayon, gusto nila akong kunin at doon na pag-aralin. Hindi naman sana ako tatanggi pero hindi ko naman kasi kaya. I mean, may sakit ako. Oo meron. May sakit ako na hindi kayang makihalubilo sa napakaraming tao lalo na kapag hindi ko kilala ang mga nasa paligid ko. Sina Ashley, Jam at Shai lang talaga ang nakatagal sa akin. Nagkuwento lang ako ng nagkuwento hanggang sa napatahan nalang din ako dahil sa sobrang sakit na ng ulo ko.

"Haynaku ate. Kaya mo naman kung sakali e. Tiwala lang kay Lord.", pagpapagaan ni Ashley sakin.

"Hindi ko kaya."

"Pero kaya Niya. Laban mo, laban Niya rin."

Ngumiti nalang ako. May point naman siya, pero ayokong iwan ang mga kaibigan ko! Ayoko.

"Hello! Kain na tayo!!!-", Shai.

"Bakit anong nangyare?" Nilapitan nila kami. Kagagaling nila sa labas, bumili kasi sila ng lugaw. Di namin trip kumain ngayon ng gabihan ngayon.

Jamaica Pat Tolentino's POV:

Agad naming nilapitan si ate. "Ayos lang ako guys! Hahaha. Kain na tayo, huwag niyo na akong intindihin. Di pa kayo nasanay." Pilit yung ngiti niya.

Napatingin ako kay Ash, nagpupunas din siya ng luha niya. Kahit kailan talaga, napakaemosyonal niya pagdating kay ate. Huwag ka ng umiyak Ash.

"Kain na tayo!", sigaw ni Shai. Kanina pa toh gutom e.

After namin kumain, nagshower na sina Shai at Ate Danica. So, naiwan naman kaming dalawa. Ilang minuto na ang nakakalipas hindi parin siya bumababa sa bed ni ate. Ano kayang ginagawa niya? Gusto ko siyang tanungin kung okay lang ba siya kaso hindi ko magawa.

Hindi ko namalayan na naplay ko pala yung video na ginawa ko para sa kaniya. [Mahal na mahal talaga kita Ash-] Buti napatay ko kaagad! Oh my God! Narinig kaya niya? Kaloko ng cellphone ko! Nangangalkal lang naman ako ng pictures niya tapos biglang nagplay 'tong video ko. Nakakahiya.

Alyssa Ashley Cardona's POV:

Oops. Tama kaya yung narinig ko? Nakooo. Sa tingin ko may gusto parin siya sakin hanggang ngayon. Mas lalo tuloy akong nahiyang bumaba. Ewan ko ba, bakit ba ako nahihiya? Siguro naiilang lang ako. Alam ko kasing- I mean, feeling ko meron parin e. May gusto parin ata siya sa akin.

Biglang nagring phone niya kaya lumabas muna siya. Sinamantala ko na ang paglipat sa bed ko. Halos kalilipat ko lang nang bumalik siya saka siya napatingin sakin. Nako! Nakakaloka. Hahaha.

"A-ahm, A-ash kwan daw. Ah- may orientation daw tayo b-bukas."

"Ah, sige thank you."

Wahhhh! Ang awkward ata! Why o why? Bakit ganito? Huhuhu. "Hoy! Kayong dalawa, hindi ba kayo magshashower naman? Kabaho dito sa loob!", bungad ni Shai. Bastos na bata toh!

"Ikakamatay ba namin ang kaunting germs ha Shai?", tanong ni Jam.

"Heh! Itong baboy na toh! Magshower ka nga, kaya ka maitim e!", pang-aasar ni Shai. Napapangiti nalang ako.

"Bakit ang ingay dito? Anong nangyayare?", Ate Danica.

"Si Shai ate, nang-aasar."

"Bakit ka nang-aasar Shai?"

"Totoo naman yun ate. Baboy yan oh. Hahahaha."

"Heh! Saranggola ka naman!

Saramggola? Bakit naman? Ha? "Anong saranggola ka diyan?!" Hindi lang pala ako ang nakagets. "Baliw! Hindi naman ako ganun, e ikaw ay-"

"Hephep! Tama na! Para kayong mga bata. Aynaapu. Hindi niyo gayahin si baby Ash ko, ang tahimik."

"Ang ingay niyo!", rinig naming sigawan sa kabilang kwarto. Haynaku. Hanggang kailan kaya kami sasawayin ng mga kaboardmates namin? Hm.

To be continued...

_______________________________________________
Author's Note: Thank you sa first reader ko whoever you are. Please tune in and share this story to friends😍 May I know who you are para naman ma-mention din kita sa next chapter😊 Thanks. Godbess😇 Keep safe.

UntoldWhere stories live. Discover now