Chapter 5: Falling For Someone

23 2 0
                                    

Jamaica Pat Tolentino's POV:

Ilang weeks na ang nakalipas, sinusubukan kong hindi siya tingnan at kausapin. Pero wala e. Gusto ko parin siya.

"Uy Jam! Okay ka lang ba?" , tanong sa akin ni ate Danica. "Tulala ka na naman? Aysus."

Tulala na naman pala ako? Hahaha. Pumasok akong hindi sinasabi kay ate ang nararamdaman ko. Nakakahiya naman kung sasali pa ako sa problema niya.

"Jamaica!", napalingon ako sa kaibigan kong patakbo papunta sa akin. "Antagal mo naman!"

"Wow. Ang aga ko nga e."

"Charot lang. Hahaha."

"Hi Jam.", bati sa akin ni Crystal saka umalis. Napadaan lang siya.

Siniko naman ako bigla ni Ryza. "May something ba kayo nun?" Nagulat ako sa tanong niya.

"Wala a!"

Tiningnan niya ako nang naninigurado. "Wala talaga. Hindi ko nga close yun e. I mean, nakakasama ko lang minsan. Nagpapasama kasi kapag."

"Sige. Defend pa. Halata ka na uy."

"Wala talaga."

"Hm?"

"Ayaw mo maniwala edi hwag!", magwo-walk-out na sana ako kaso bigla niya akong hinila paharap sa kaniya. "Bakit ba?!"

"Oo na wala na nga. Pero kwan kasi e, parang meron talaga."

"Isss-"

"Shhh. Ganito kasi... Kanina ka pa niya hinahanap sa akin. Siguro...siguro-"

"Siguro ano? Ano?"

"Gusto ka niya." Ows? Hindi naman siguro. Gusto ako? Ni Crystal? Imposible. "Huy! Joke lang. Hahahaha. Hayaan mo na nga. Siguro natanong ka lang dahil hindi tayo magkasama. Tara na sa room daliiii...."

After a week...

Danica Jade Dela Cruz's POV:

"Oh. Papasok ka na?"

"Oh yes ate!", masiglang sagot niya.

"Sige. Ingat ka ha?"

"Opo."

Nakakapagtaka si Jam a? Lagi na siyang pumapasok ng maaga. Aba, sinisipag ata mag-aral. Hehe. Mabuti narin yun kaysa naman puro nalang yung pagkakagusto niya kay Ash ang iniisip niya.

"Ate. Asan si Jam?", tanong ni Shai.

"Pumasok na a. Mukhang nagmamadali nga e."

"Ney? Hahaha. Nagkakahimala sa kaniya ngayong week a? Hindi na siya nalilate." Biro ni Shai.

Shaila Joy Marcos's POV:

Nakakapagod naman maglakad. Huhu. Ang sakit na ng mga paa ko, kaiyak naman. Asan na ba kasi si Fred? Ang tagal-tagal naman niya, nakalabas nanto ako ng school, wala pa siya. Ts. "Aroooo. Kayo a. Hindi kayo nagsasabi sakin, kayo na ba? Aroooo." Rinig kong usapan sa harapan ko. Napansin ko, parang si Jam yung isa dun a?

"Huy Jam!"

Nagulat siya, pati ang mga kasama niya. As usual, pinakilala naman niya ako. Buti naman, akala ko hindi e. "Mamaya pa ako uuwi a? Mauna na kayo kumain kapag." Paalam niya sakin. Tatanungin ko pa sana siya kaso may bumusina, nandito na sundo ko.

"Sige. Ingat ha? Bye." Paalam ko.

Jamaica Pat Tolentino's POV:

"Dun na ako sa likod. Nakakahiya sa inyo. Hahaha." Tawa ni Ryza at nagpunta sa likod naming upuan.

"Okay lang?" Tanong ko kay Crystal. Parang confirmation kung pwede or I mean kung okay lang ba sa kaniya na ako ang katabi niya.

"Okay na okay ano ka ba." Sabi niya sabay sandal sa balikat ko. Kinakabahan ako. Ano toh? Nafofall na ata ako kay Crystal. "Okay ka lang?" Angat niya sa akin, ang lapit niya. Tumango naman ako. Ngumiti lang siya.

Gumala kami sa isang park. Para kaming couple, kasi naman si Raquel, nagsolo ba naman. Umamin ako sa bus sa kaniya pagkauwi namin. Grabe. Ang clingy niya kasi. Tumititig siya sa akin tapos nagpapacute. May pahawak-hawak pa siya sa braso at kamay ko. Sumasandal pa siya. Oh diba? Sinong hindi mafofall sa ganun? Nagyaya sila mag-inom bukas. Hindi sana ako papayag kaso nagpumilit siya e. Kaya ayun, go na ako.

Danica Jade Dela Cruz's POV:

"Haynaku! Asan na kaya si Jam? Nagpapagabi naman na yung batang yun. Anong oras na oh."

"Oo nga ate! Tawagan mo na a?"

"Ako ate merong pantawag.", offer ni Ash. Pati si Ash nag-aalala na, haynakuuuu.

"Jam!"

"Saan ka galing ha? Kanina ka pa namin inaantay." Pag-aalala ko.

"Nagpaalam naman ako ate."

"Oo nga pero hindi mo sinabi na magagabihan ka ng sobra.", defend ni Shai.

"Next time Jam a? Magtext or tumawag ka. Haynaku!"

"Opo ate."

"Kain na tayo." Aya ni Ash. Oo nga kanina pa siya nagugutom.

"Kumain na ako. Kain na kayo."

"Kain ka pa. Halika na." Aya ko.

"Sinabi ko kay Shai ate na mauna na kayo."

"Gusto ka nga naming antayin. Bakit ba?" Shai.

"Busog na ako." Sabi niya saka nahiga at natulog.

To be continued...

UntoldWhere stories live. Discover now