Chapter 23: In A Relationship

11 1 0
                                    

Jamaica Pat Tolentino's POV:

Nanonood kami ng movie ngayon. Hindi rin kami natuloy umuwi ni Ash ngayong Biyernes. Umiyak pa ako kanina para lang malaman kung bakit siya biglang nag-iba ang mood pero hindi naman niya sinabi.

Nagluluto na ako ngayon, nanonood ulit siya ng Jenlisa. "San tayo kakain?", tanong ko.

"Ah?", tanong niya din. Di niya inaalis tingin niya sa phone niya. Nako. Buti nalang talaga mahal ko siya.

"Sa loob na tayo?"

"Ay oo sige."

Nagbuhat na ako ng mga naluto, nakita naman niya ako. "Ako na diyan."

"Hindi na. Mainit toh. Kuha ka nalang ng mga plato at kutsara."

"Sige."

Alyssa Ashley Cardona's POV:

Medyo okay naman na ako. Hindi na ako nababadtrip. Hahaha. Tinoyo ata ako kanina. Kakain na kami ni Jam. Nagugutom na ako. "Gusto mo mag gatas?" Tumango naman ako kaya nagtimpla na siya. Tinitingnan ko lang siya. "Bakit?"

"Wala. Hahaha.", pilit kong tawa. "Nood tayo ng movie.", yaya ko. Umoo naman siya kaya yun nanood naman kami habang kumakain. Ang sarap sa pakiramdam na kasabay ko siyang kumain at manood.

Katatapos naming manood ng movie. Nakaligpit narin kami ng kainan at nakapatay na yung ilaw para mas enjoy manood ganun. Ang pinanood namin ay 'My Perfect You' nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbac. Tumayo na ako para sana uminom ng tubig when suddenly, she grabbed my hand. Automatic akong napahiga sa tabi niya then she hugged me. Sobrang higpit, yung para bang lalayas na ako sa buhay niya ganun. "Bakit?", I asked.

Isiniksik niya ang mukha niya sa dibdib ko habang nakayakap. "Pwede na ba?", tanong niya.

Napaisip ako agad na baka ginagaya niya yung sinabi ni Gerald kay Pia sa movie. "Pwedeng anoooo?", painosenteng tanong ko.

"Pwede na nga?"

"La. Ano nga?", nakangiting tanong ko. Kinakabahan na ako. Sasagutin ko kaya siya? Mali e. Diba? Maling-mali kami. Anong gagawin ko e may gusto na ako sa kaniya?

"Pwede na bang anooo...", nahihiyang tanong niya. Iniangat ko ang ulo niya at tiningnan siya sa mata.

"Ano? Ano nga yun?"

"...maging tayo na ganun po. Pwede na bang ano yun-", bigla ko nalang siyang hinalikan. "Tayo na?", surprised na tanong niya. Ginaya ko din kasi yung ginawa ni Pia kay Gerald e. Tumango ako nang bigla niya akong hinalikan. Para siyang gutom na gutom sa sobrang paghalik niya sakin. "Iloveyou.", she said in between our kisses.

To be continued...

UntoldWhere stories live. Discover now