Chapter 27: Transferee

7 1 0
                                    

Jamaica Pat Tolentino's POV:

Ang tagal naman ni Ashley? "Ang sakit-sakit bhie." Uminom ulit si Shai. Naku itong batang toh. "Hindi ko na ata kaya pa bhie. Ang tagal ko ng nagtitiis."

"Shhh. Lalake lang yan bhie. Hwag mo ng isipin." Diko na alam sinasabi ko. Nag-aalala na ako kay Ash. Okay lang kaya siya? Ilang minuto na siyang wala. Hindi ko naman kasi maiwan itong si Shai. Lasing pa mandin.

"Bhie! Hindi ko siya kayang kalimutan. Kailangan naming mag-ayos! Tama! Kailangan bhie, dapat maisalba pa itong relasyon namin. Mahal na mahal ko siya bhie."

"Oo, oo.", tumango-tango nalang ako. Ash, nasan ka na?

Alyssa Ashley Cardona's POV:

"K-kai?"

"Kilala mo pa pala ako."

"A-ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bitawan mo ako."

Nakakatakot ang mukha niya. "So, nakipaghiwalay ka sa akin dahil sa kaibigan mo?"

"Hindi naman naging tayo Kai."

"And so? Ganun-ganun nalang yon?" Dumiin ang sandal niya sa akin sa pader. "Ang dami nating pinasamahan. Inantay kita ng halos dalawang taon tapos iniwan mo lang ako sa ere?"

"K-kai. Sorry, I didn't mean to-"

"B*llsh*t! It tooks me so many weeks to fix myself! I nearly killed myself because of you!"

"K-kai nasasaktan ako-"

"I don't care! I cherished you so much kahit na hindi pa tayo noon. Pero you just-", isinuntok niya ang kamao niya sa pader. "Ts. Nevermind. That was just before." Nag-iba ang mukha niya. Hindi ko siya makilala. He was so different. "Let me just tell you this, I am not yet done with you. Prepare to meet your consequence." Then he left.

I was in shock. Inayos ko muna ang sarili ko bago bumalik kina Jam. "Okay ka lang? Bakit ang tagal mo?", alala ni Jam.

"Oo naman. Ang dami lang kasing pila sa CR kanina.", ngiti ko.

Kinaumagahan...

Jamaica Pat Tolentino's POV:

"Nabalitaan niyo na? May bago daw tayong kaklase.", tsismis ng mga kaklase ko.

"Hi Jam.", tabi sa akin ni Crystal. Ngumiti lang ako.

"Hoy Crystal, dun ka. Diyan ako.", taboy ni Ryza. Napangiti naman ako. Buti nalang talaga may kaibigan akong ganito. At least nalalayo ako sa mga pinagseselosan ni Ash.

"Okay class. Goodmorning. As announced before, may bago kayong kaklase galing sa Manila. He is joining the class starting today. Please come in."

"Aww. Ang pogi niya Jam!", Ryza.

"Hello." It's... "I'm Kai Jordan."

"Pati pangalan ang pogi.", Ryza.

"Please have a seat." Si Kai? Kaklase ko si Kai? "So Mr. Kai, you'll be participating the taekwondo tomorrow. It is a very serious match. Hopefully you'd cope up with that since you're very late. They've already finished their practice match."

"Yes sir.", sagot niya. Then he looked and smiled at me. Hindi ako natutuwa sa ngiti niya. Nakakakilabot na para bang nanghahamon. I don't feel good.

To be continued...

UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon