Chapter 24: Secret Girlfriend

8 1 0
                                    

Alyssa Ashley Cardona's POV:

"Sure ka?"

"Oo, wala naman akong klase."

"Sige garud. Tara na."

Sumakay na ako sa motor niya. Samahan ko siyang pumasok sa PE class niya this afternoon. Wala kasi yung prof. namin kaya may chance akong masuportahan siya sa taekwondo match nila.

"Witwiw. Sexy naman."

"Jamaica, ipakilala mo naman oh.", kabababa namin ng motor. Ngumiti lang si Jam. Ako naman medyo nababadtrip. Diko kasi trip mga ganitong klase ng lalake.

"Magkasama na naman kayo.", salubong sa amin ni Ryza.

"Pake mo ba?", Jam.

"Suplada. Tse." Liningon niya ako, "Manonood ka ng practice ni Jam?"

"Practice?", sabay na tanong namin.

"Oo. Next week pa daw match."

Ay sayang naman. Next week pa pala. Baka may prof. na kami nun. "Hi Jam! Hi Ryza!", lapit samin nung Crystal. Oo pala, magkaklase nga pala sila. Ts. "Tara na.", she wrapped her hands to MY Jam's arm?

Umiwas naman si Jam na nahalata naman ni Ryza kaya siya na ang humila kay Cystal papasok ng gym. "Okay ka lang?"

"Oo naman noh. Huh.", nauna na ako maglakad. Honestly, I'm not feeling good about that Crystal.

Crystal Soberano's POV:

Bakit parang iniiwasan ako ni Jamaica? "Hoy Ryza! Sino yung kasama ni Jamaica?", tanong ng mga usyusera naming kaklase. Napatingin ako sa gawi nina Jam. "Girlfriend ba niya yun?"

"Tanong niyo nalang si Jamaica.", umalis na si Ryza at pumunta kina Jamaica.

Girlfriend ni Jamaica yung babaeng yun? "Miss beautiful! Pwedeng makuha number mo?", kulit ng mga kaklase ko. Hm. Hindi naman kagandahan. Saan naman banda ang maganda sa kaniya?

"Ang cute ng mga mata niya noh?"

"Sana all matangos ilong."

Nakakarindi. Makalayas na nga muna. Naiihi na ako sa sobrang inis ko dito.

Jamaica Pat Tolentino's POV:

Nakauwi na kami dito sa boarding. Nagkukuwento sakin si Ashley. Actually, hindi ko na nga naiintindihan mga sinasabi niya e.

"Hoy Jam. Bakit ang tahimik mo?"

"Wala." Napapaisip ako sa mga nangyare kanina. Ang daming umaaligid sa kaniya na mga lalake.

"May problema ba?"

"Nakakatakot nga." Oo, nakakatakot talaga.

"Bakit naman?"

"Natatakot ako, baka mamaya mafall ka sa iba ay?", malungkot na tanong ko.

"Ahahaha.", tawa niya. "Sabi mo hindi mo tinitingnan ang mangyayare sa future? Present muna diba?"

"Kahit na. Pano ay kapag nangyare talaga na nagkagusto ko sa iba?"

Ngumiti lang siya. "Hwag mo na munang isipin yan a? Basta lagi mong tandaan, mahal kita.", saka niya ako hinalikan.

Kinabukasan...

"Hoy Jamaica. Sino yung babae kahapon? Girlfriend mo?", kulit sakin ng mga kaklase ko. Nakisabay sila maglakad sa amin ni Ryza pauwi para lang tanungin ako.

"Mauna na nga kayo. Daldal niyo.", taboy ni Ryza.

"Nagtatanong lang naman e. Sungit naman."

"Ayaw niyo mauna? Sige, kami nalang mauuna.", hinila ako ni Ryza at isinabay sa pagtakbo.

"Akin nalang siya uy. Jamaica..."

"Ts. Hayaan mo sila. Mga uhaw sa girlfriend."

Nalungkot na naman tuloy ako. Pano na kapag isang araw paggising ko hindi na niya ako mahal? "Hoy bhie! Hello Ryza. Wala na akong klase mamaya. Ang saya-saya.", Shai.

"Sana all. Kami marami pa.", sagot ko.

"Ahahaha. Belat. Ay! Asan si bata?"

"Di daw siya uwi."

"Hano?! Bakit?"

"May klase pa daw siya hanggang alauna."

"Lakayo. Edi hindi siya kakain?" Tumango ako. "Halla. Kawawa naman pala si bata. Pagluto ko nalang siya mamayang gabi ng masarap na ulam. Anong ulam natin?"

"Ulam na naman.", sabi ko.

"Nagugutom nga ako bakit ba?"

"Una na ako.", paalam ni Ryza.

To be continued...

UntoldTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang