Chapter 19: Confession

11 1 0
                                    

Danica Jade Dea Cruz's POV:

*phonerings* Inaantok parin akong inabot yung phone ko. "Hello?"

[Danica! Bakit hindi ka umuwi? *blahblahblah*]

"Hello ate.", biglang nagising na bati ko. Pangalawa kong ate.

Pinapauwi na nila ako pero bakit kaya ako kinakabahan? Ayokong umuwi pero kailangan dahil paniguradong galit na galit na sila. Minsan na kasi akong hindi umuwi nung nakibirthday kami sa mama ni Jam e. Winarningan na nila ako before.

Bumaba na ako ng bed. "Ash?" Laking gulat ko na magktabi sila at nakaunan pa siya sa braso ni Jam! Anong meron sa dalawang toh?

"A-ate?", Ash.

Nagtataka parin ako. Gusto ko silang tanungin pero hindi ko magawa dahil nagulat talaga ako. Ang lapit kasi nila, as in magkayakap na. Tipong ginagawa lang kapag magkarelsyon... Wait?

"Ate?", Jam.

Isa pa palang rason kung bakit diko magawang tanungin ang dalawang toh, nasasaktan ako. Hahaha. Opo, may gusto ako kay Jam. Matagal na. Pero kung totoo ngang may relasyon sila ni Ash, I'm happy for you Jam. Diko naman siya masisisi, ako ang nagtutulak sa kaniya kay Ash.

"Ah, gagayak na ako a? Mauuna na ako sa inyo umuwi."

Umuwi ako ng hindi sila nagawang tanungin. Okay lang naman ako. Hahaha. Sa dinami-dami na ng sakit na naranasan ko? Kayang-kaya ko toh.

Alyssa Ashley Cardona's POV:

Wala kaming balak umuwi ni Jam ngayon. Stay lang din kami this Sunday pero biglang tumawag yung mama ni ate. May pa-party daw sila sa bahay nila at invited kami.

"Okay ka lang?" Hinawakan ni Jam yung kamay ko. Nandito kami sa bus ngayon habang magkatabi. Nginitian ko naman siya. "Hwag kang mag-alala. Maiintindihan naman ni ate e. Hwag mo ng isipin yung kanina."

Fast forward...

"Hello Ash! Hi Jam! Pasok kayo, nasa taas si Danica. Teka lang, kuhanan ko kayo ng makakain.", salubong sa amin ni tita. As usual nagmano kami bago kami nagpunta sa taas.

"Oh! Buti nakarating kayo. Akala ko umuwi na kayo e. Hehe." Normal naman si ate. Salamat naman. Gumaan ang pakiramdam ko.

"Wait lang, kuha ako ng drinks."

Nagpunta muna kami sa terrace at naupo sa floor. Ang ganda dito, madaming ilaw na makikita. "Ang ganda noh?" Tiningna ko siya. Sa akin pala siya nakatingin. "Ang ganda mo talaga."

"Heh. Pati pala babae, bolera din.", tawa ko.

"Seryoso nga.", hinawakan niya kamay ko. "Salamat."

"Eto na." Napabitaw agad si Jam.

"Oh ate, ang dami naman.", Jam.

"Oo yan! Tara shot!", sabi ni ate.

Mukang hindi okay si ate. Alam ko kasi lagi siyang ganyan everytime na nagsasabi siya sa akin ng problema niya. Alam na alam ko. Hindi na kami tumanggi ni Jam, pati siya uminom narin.

Nakailang shot na kami ni ate at nahihilo na pero si Jam wala paring tama. "Hoy! Bakit hindi ka pa nahihilo ha? Dinadaya mo kami noh?"

Danica Jade Dela Cruz's POV:

Dinuro-duro ni Ash si Jam. Hahaha. Nako lasing na yung baby ko. "Hm! Ayoko na!", tumayo siya. Malapit na siyang matumba pero buti inalalayan siya ni Jam. Sana ako rin Jam. Sinundan ko sila, pinahiga ni Jam si Ash sa bed ko. "Ahhhh! Ayoko pa higa!!!", sigaw ni Ash.

"Hahahaha. Ang ingay mo naman uy!", tawa ko. Ang cute niya. Kaya siguro nafall si Jam. Sana all cute. Hahahah. Puro lang ako tawa sa lahat kahit na alam kong ang flirty na nila tingnan.

Nahiga kami sa bed, nasa gitna si Jam. Nakaunan di Ash sa braso ni Jam. Sana all talaga. Nakaharap pa siya kay Ash, nakatalikod siya sa akin. Sana all ulit. Hindi ko na kaya toh! Hinawakan ko yung braso niya kaya napatingin siya sakin.

"Bakit ate?"

"May gusto ako sa boarding."

"Ha? Sino ate?"

Jamaica Pat Tolentino's POV:

"Hwag kang magagalit a?" Kinabahan ako bigla sa sinasabi ni ate. "Matagal ko na siyang gusto e." Sino ate? Si Ash ba? Hwag naman. "Bulong ko? Hahahah. Nahihiya ako e." Umoo nalang ako. "I like you."

Nagulat ako sa sinabi niya. Ang akala ko si Ash yung gusto niya. Anong naramdaman ko? Natuwa ako kasi hindi si Ash yung gusto niya. Buti nalang. "Oy! Oy! Ako din ako din, di mo ako papansin e.", kulit sakin ni Ash.

"Sorry ate.", sabi ko kay ate.

"Hahaha. Ano ka ba! Sinabi ko lang e!", sabi niya sabay talikod. "Goodnight na a? Patulugin mo na yan. "

"Gusto ko water. I want tubig. Uhaw me.", bangon ni Ash saka naghanap ng tubig kung saan-saan. Wala akong ibang magawa kundi panoorin siya at ngumiti lang. "Water ko sabi e. Huhuhu." Naghanap naman si ate ng tubig, bilis din pala mausawan ni ate e.

"Matulog na kayo a? Dun na ako sa baba matutulog.", bumaba naman na siya.

"Yehey!", higa ni Ash. Humiga ako sa tabi niya pero bigla ulit siyang bumangon. "Ihi ako! Where is the bathroom?", tanong niya sa akin. Ang lapit ng mukha niya sa akin. Namumula na siya sa kalasingan. "Ahahaha! No to kiss! I want to urinate muna." Muna?

To be continued...

UntoldDonde viven las historias. Descúbrelo ahora