Chapter 2: Just One Roof

27 2 0
                                    

Jamaica Pat Tolentino's POV:

"Bhie, dito ako sa baba ha? Pakisabi nalang sa dalawa.", sabi ni Shai na kanina pa busy mag-ayos ng gamit niya. Ako? Eto chill-chill lang, tapos na ako mag-ayos e. Ako naunang dumating.

"Hello guys!", biglang bukas ng pinto. Akala ko si Ashley, si ate Danica lang pala. "Hello Jam. Hello Shai. Halaaa. Magboboarding na talaga tayoooo.", tuwang-tuwa na sabi ni ate. Ngumiti lang ako. Parang wala ako sa sarili, iniisip ko kasi kung magboboarding ba talaga si Ashley o hindi. Pano nalang pala kung hindi siya pinayagan diba- "Pupunta yun...", bulong sakin ni ate. Di ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya.

"Hahahaha. Haynaku bhie, halatado ka diyan.", tawa ni Shai.

"Halatado saan?"

"Painosente. Kunyare di alam. Hahaha. Alam namin ni ate! Heh. Hwag ka nga diyan.", Shai.

*beep*beep*

"Ang ingay naman nun. Ts.", rinig naming bulong sa kabilang kwarto. May bumusina kasi bigla sa labas ng boarding house e.

*beep*

May nagtext kay ate. Si Ash- "Si Ashley! Nasa labas na daw siyaaaa!", agad kaming lumabas. Saktong pababa siya ng van. Ang ganda niya talaga.

"Yang mata mo bhie, naghaheart na naman a.", siko sakin ni Shai bago niya sinalubong sina Ashley. Kasama niya ang mga kapatid, pinsan at mama niya. Kahit pala Lola at Tito niya meron.

Allysa Ashley Cardona's POV:

Finally! Nakarating na kami. Ang totoo niyan kanina pa ako kinakabahan sa loob ng van. Alam niyo na, first time mahiwalay at malayo sa mga mahal ko sa buhay.

"Hello po tita. Magandang hapon po, Buti po pinayagan niyo si Ashley. Hehe.", salubong ni ate kay tita.

Okay fast forward...

"Oh my God! Diko inakalang matutuloy tayong apat!", sigaw ni Shai. Natawa naman kami.

"Kaya nga e. Sige na, mag-ayos na tayo at magluluto na ako mamaya. Nga pala- ako nalang tagaluto ha? Mas prefer ko yun e kesa mag-urong.", biro ni ate. Hahaha.

Nag-ayos na muna kami. Feeling ko nga nakatingin si Jam sakin e. Hahaha. O baka feeling ko lang talaga? Hm. Di kaya may gusto parin siya sakin?

"Huweyt lang guys ha? Magshashower lang ako.", paalam ni Shai.

"Di mo kailangan ipaalam Shai. Haynaku ka! Hahaha.", tawa ni Jam at ate. Teka- tumatawa rin pala 'tong si Jam?

"Guys anong gusto niyong ulam? Magluluto na ako.", sabi ni ate sabay baba sa bed niya. Pareho po kaming nasa itaas. Nagready si ate ng maluluto habang kami naman ni Jam ay busy sa pag aayos ng mga gamit para bukas. "Maiiwan ko muna kayo ha? Magluluto lang ako.", paalam ni ate. Bago siya umalis, may ibinulong muna siya kay Jam. Ano kaya yun?

Jamaica Pat Tolentino's POV:

Hala si ate talaga. Aysus. Ayoko nga, nahihiya ako e. Ilang minuto na ang nakalipas, hindi ko parin magawang kausapin si Ash. Hm. Ano namang sasabihin ko diba? Baka mamaya mautal pa'ko-

"Jam.", kinakabahan akong nilingon siya. "Pwedeng pahingi ako ng scratch paper mo? Kung meron.", ilang segundo ang nakalipas... "Wala ba? Sige, salamat nalang."

What just happened? Hindi ko siya nagawang sagutin. Oh no! Nakakahiya ka Jam.

Antagal naman ni Shai magshower. Antagal din ni ate magluto. Nahihiya na ako sa sobrang katahimikan. Gusto ko siyang asarin pero hindi ko naman magawa. Gusto ko siyang kausapin kahit sa simpleng mga topic lang pero wala e duwag ako. Napakaduwag ko.

"Hello world! I'm back!!!", sigaw ni Shai habang nakabalot ng tuwalya. "Hoy Jam! Yang mata mo ha?! Tusukin ko yan. Gusto mo?", nahiya naman ako bigla. Nahiya ako hindi dahil sa natukso ako kundi dahil sa narinig ni Ash yun sinabi ni Shai. Narinig ng crush ko yun. Huhuhu. Sobrang nakakahiya.

"Hoy. Kagrabe mo naman Shai. Yaks toh.", biglang sabi ko. Talagang ganun si Shai. Medyo close kami, sinasabi ko sa kaniya lahat ang tungkol sa pagkagusto ko kay Ashley. Kahit nga kay ate e, bale silang dalawa kasi ang friends ko mula grade 11 at 12. Magkakaklase kami nuon na apat pero ewan ko ba, hindi kami naging close sa dalawang school year na yun.

"Yaks yaks ka diyan! Bakit, lalake na ba gusto mo ha?" La siya. Alam kaya ni Ashley na lesbian ako? "Arooo may boyfriend ka na ano?" Kakulit netong Shai na toh. Napapahiya ako kay Ashley e.

"May boyfriend ka Jam?", tanong bigla ni Ashley.

"Wa-wala-"

"Sinong may boyfriend? Sino? At isasabit ko sa ding ding! Mag-aral muna! Boyfriend-boyfriend.", singit ni ate habang buhat ang niluto niya.

Naku naman.

To be continued...

UntoldOnde histórias criam vida. Descubra agora