Chapter Seven : Comeback?

18 5 13
                                    


09/14

Saturday ngayon at naisipan naming magala gala sa kung saan saan. Nagalarm ako pero hindi tumunog kaya medyo late nanaman ako sa lakad namin.

Pumasok na ako sa banyo at naligo ng matiwasay. I was wearing a red fitted cropped top at denim high waist pants saka pinarisan ng white nike sneakers, naglagay ng light makeup at ang buhok ay nakabun. Nagdala rin ako ng shoulder bag na red at isinuot ang relo.

Nakita ko sa labas si Venice kaya sabay na kaming umalis. Nakarating na kami sa pagkikitaan namin at nakita kong hindi pa sila kumpleto. Sina Raven, Ace at Joshua palang ang naroon. Maya maya ay dumating na sina Olivia at Xander pero wala pa si Nathan.

"nasaan na ba si Nathan?" Joshua asked.

"o, ayan na pala e" turo ni Ace sa entrance.

Tumingin ako sa kung saan itinuro ni Ace at si Nathan nga iyon. He was wearing a red opened shirt na may white tshirt sa loob at black na denim shorts saka white sneakers din, nakacap pa siya na white.

"planado ba outfit niyong dalawa?" Venice asked.

"no! bakit naman?" I said then rolled my eyes.

"hindi daw" pangaasar ni Joshua.

"o tara na, kumpleto na" Raven suggested.

Tumayo na kaming lahat at sumakay ng jeep papuntang Robinsons Galleria. Katabi ko si Nathan at si Venice at nahihilo ako sa pabango ni Nathan, familiar kasi char, matapang kasi. Nakarating na kami at nagsimula ng maglibot libot. Napagisipan naming kumain muna sa shabu shabu kaya papunta kami ngayon doon ng biglang-

"Shaznei!" someone called me.

*familiar*

Lumingon ako para kumpirmahin ang hinala ko at tama nga. Nakita ko na nakatayo si Grey sa hindi kalayuan. I stepped back at kinabahan ng bigla siyang maglakad papalapit saakin pero bago pa siya makalapit ay hinarangan na siya nila Joshua.

"ang kapal ng mukha mong magpakita no?" sabi ni Joshua at inambahan siya ng suntok pero pinigil siya ni Nathan.

"woah, bro chill" sabi ni Grey at itinaas ang pareho niyang kamay.

"tinawag ko siya para magkaayos kami" sabi niya saka tumingin saakin.

"aba tarantado ka pala e! kapal mo hoy! anong ayos ayos?" sabi ni Xander saka siya tinuro.

"Shaznei, magusap tayo please, I just want to say sorry, nothing else" sabi niya at tumango ako ng isahan.

Naglakad ako papalapit sakanya at saka nagsalita.

"mauna na kayo, susunod ako" sabi ko sakanila.

"kapag may nangyari tumawag ka" Venice said.

"tara na baka mabasag ko pa mukha niyan" pagaaya ni Ace umalis.

"bro, wala akong gagawing masama" Grey said.

"wala akong pake! akala mo ba nakalimutan ko yung nangyari dati? tangina ka! ulol!" Ace said.

"tara na, nangangati mata ko pagnakakakita ng cheater" sabi ni Ace saka umakbay kay Olivia. Naglakad na sila kaya humarap na ako kay Grey.

"hoy! pareho tayong may jowa! bitaw!"

"shh, kungwari nga cool ako e!"

Naring ko ang pangaasaran nila kaya napatingin nanaman ako sakanila. Nakita kong nakatayo pa rin si Nathan doon at nakatingin lang saamin kaya nilapitan ko siya.

"sumama ka na sakanila, susunod ako" bulong ko.

"dito lang ako, di mo alam kung anong pedeng gawin niyan" bulong niya pabalik at tinignan ng masama si Grey.

"kaya ko" sabi ko at kumunot ang noo niya pero umalis narin. Bumalik na ako kay Grey, I can clearly smell his scent.

"ano bang problema mo ha?" malamig na tanong ko.

"like what I said earlier, I'm here to apologize" he said and smiled.

"yun lang pala e, sana hindi ka na nangistorbo" sabi ko at tinalikuran siya pero hinawakan niya ang pulsuhan ko kaya napaharap nanaman ako sakanya.

"look, alam ko mali yung nagawa ko pero humihingi na ako ng tawad" he said and loosen his grip.

"wala naman akong magagawa" sabi ko.

"pede ba kitang balikan?" sabi niya at natulala ako saglit.

"tama ba yung narinig ko? teka lang ha, ikaw? gusto akong balikan? ikaw na nangiwan saakin? ikaw na humanap ng iba? ikaw na sinabi na kahit kailan hindi ako magiging sapat kahit kanino? ULOL!" sabi ko at dinuro duro siya.

"it's okay if you don't want to, sinubukan ko lang naman" sabi niya at yumuko.

"kahit kailan hindi ako papayag makipagbalikan sayo, wag mo ng ipapakita yang mukha mo saakin ha, dahil hindi ko hahayaang si Ace ang bumasag jan, ako na mismo ang gagawa" sabi ko saka tuluyang naglakad papuntang shabu shabu.

Pumasok ako sa loob at hinanap sila, agad ko naman silang nakita dahil marami sila. Naglakad ako palapit at umupo, sakto namang kakarating lang ng pagkain.

"o, kamusta?" Venice asked.

"okay lang" sagot ko.

"okay ka lang?" Nathan asked.

"oo naman" sagot ko.

"nakakahilo" I said.

"tang-buntis ka ba?!" Xander asked.

*sht*

A Bad Girl's Weakness Where stories live. Discover now