Chapter Twenty : Shot

11 4 3
                                    


05/04

Lumabas ako ng bahay nila Kai at nakita sina Joshua sa labas.

"sabi ko naman sayo dapat hindi ka na-" naputol ang sasabihin ni Joshua ng magsalita ako.

"shot tayo" sabi ko saka naglakad papalayo, ramdam kong sinusundan nila ako kaya naglakad ako papunta sa Localle.

"tangina talaga" sabi ko bago tumungga ng rum.

"ayoko siyang sukuan pero alam kong kailangan" sabi ko saka tumingala.

"nyeta, kung gaano katagal nagsimula, ganoon kabilis mawala" sabi ko saka nagbukas ng panibagong rum.

"wag kang magalit sa sarili mo, pre" payo ni Ace.

"hindi ako galit sa sarili ko sa pagbibigay ng pagmamahal sa iba, kasi malay mo mas kailangan nila yon"

"oo nga pre e, kaya nga tama na, nakakarami ka na" pagpigil ni Xander saakin.

"e kayo? bat hindi kayo umiinom" tanong ko.

"kasi nakakatakot ka, di ka naman kasi palainom tas ngayon naubos mo na buong bucket" sabi ni Joshua pero tinagayan ko lang siya.

"shot ka muna, dami mong dada" sabi ko. Tangina lasing na ako.

"salamat ha" sagot niya.

"tangina gusto ko ng mamatay" sabi ko saka sumandal sa upuan at ipinikit ang mga mata.

"wag pre bawal ka doon!" sabi ni Joshua.

"bat naman?" tanong ko habang umiinom.

"baka paltan mo si satanas" tarantadong sabi ni Joshua.

"bakit parang ang tangina mo?" sarkastikong tanong ko saka ulit uminom.

"gusto mo full explanation?" sagot niya.

"shot ka nalang" sabi ko.

"pre, tama na yan! baka masuka ka na" sabi ni Xander.

"tangina susuka pero hindi susuko!" sagot ko.

"hayop ka! sige na malakas ka na, malakas pa sa strong" pangaasar ni Xander.

Yun lang ang mga naaalala ko sa mga nangyari kahapon. Kasi inuwi na daw ako nila Joshua pagkaubos namin nung pangatlong bucket.

"sakit ng ulo ko" sabi ko.

"sample nga nung sakit? char, dito ka muna sa bahay tumira" pagoffer ni Joshua.

"hindi na, babalik nalang ako kela mama" sabi ko at tatayo na sana ng biglang matumba.

"o ayan, sige sana makapunta ka doon" sarkastikong sabi niya.

"ano, kaya?" pangaasar niya bago ako tulungan tumayo.

"tatawagan ko yung mga babae, hindi ko alam kung paano magalaga ng lalaking broken" sabi niya saka kinuha ang cellphone sa bulsa.

"anong nangyari kahapon?" tanong ko.

"hindi mo maalala?" tanong niya pabalik.

"magtatanong ba ako kung alam ko" sabi ko saka inikot ang mata ko.

"nagbreak kayo ni Shaznei" sabi niya.

"tangina, pinaalala mo pa" sabi ko.

"gago ka ba? tinanong mo e" sabi niya.

Nalulungkot ako. Tangina wala na lahat saakin. Akala ko panaginip lang.

"o ano na" pagbungad ni Venice.

"alam na namin ang dahilan" sabi ni Raven.

"wala si Olivia, nasa Catanduanes pero baka sumunod kasi broken kaibigan niya" sabi ni Venice.

"magluluto lang ako" sabi ni Raven.

"tulong ako" sabi ni Joshua.

Umupo sa tabi ko si Venice.

"bat ka naiyak?" tanong niya.

"wala na siya saakin e saka di ako naiyak no" sabi ko.

"sus kungware ka pa, wag ka ng umiyak" sabi ni Venice saka tinapik ang balikat ko.

"paano? e ayaw ngang paawat nitong luha ko, daig pa waterfalls e" sabi ko saka pinunasan yung mga luha sa mata ko.

"sakit amputa, ouch" sabi ko saka tinakpan ang mukha ko.

"sure ako nasaktan din siya nung sinabi niya yon, iba siya sa ibang tao, pero swear, kapag nakilala mo siya ng husto she's the most caring person I knew, Nathan" sabi ni Venice. Humarap ako sakanya at sumagot.

"care? e parang masaya pa nga siya sa mga sinabi niya saakin, parang wala siya pakialam sa mararamdaman ko doon sa mga sinabi niya" sabi ko.

"hindi naman porket walang lumalabas na luha sa mata niya ay hindi na siya nasasaktan, mahal ka rin niya Nat, mahal na mahal" dagdag pa niya.

"manligaw ka ng bago!" sigaw ni Ace saka umupo sa upuang katapat ko.

"ayoko na ulit makita yung sarili ko na nababaliw at naiinlove sa isang tao tapos sa huli madudurog lang naman ako" sabi ko saka umayos ng tayo.

"shot ka muna, tol" alok ni Xander.

"tama na, lasing pa yan, hindi pa iniinda yung sakit ng hiwalayan nila e" sabi ni Raven.

"tama tama" pagsangayon ni Venice.

A Bad Girl's Weakness Where stories live. Discover now