Chapter Twenty Four : Reunion|2

11 4 6
                                    



"oo naman, sige soon" sabi ko saka tumawa ng kaunti.

"uy tara doon tayo!" turo niya sa malayo saka hinila ang kamay ko.

"a-ah teka lang naman, maghunos dili ka hija" pagrereklamo ko pero di ata niya narinig.

"woah, ang ganda naman dito, for real" sabi niya habang tumutingin sa paligid. Kinuhanan ko siya ng stolen pictures at kahit stolen yung mga yon, ang ganda parin.

"suot mo parin" sabi siya saka ngumiti. Alam kong tinutukoy niya yung bracelet namin nung kami pa pero umakto akong hindi ko alam.

"alin?" pagsisinungaling ko. Ngumiti lang siya saka umiling iling.

"saan ba kayo nagpupupunta ha, kanina pa namin kayo hinahanap" reklamo ni Raven.

"panget mo" pangaasar ko.

"pakyu, kain na tayo" pagyayaya ni Raven.

"hindi! picture muna!" sabay ni Joshua.

"desisyon ka no?" pangaasar ni Raven.

Inaya nila Venice si Shaznei para magpicture picture kung saan saan. Lumapit si Joshua saakin.

"ay sayang, akala ko comeback na" pangaasar niya.

"not all love stories have continuations, sometimes it end up to learn something with an ending" sagot ko habang nakatingin sa dereksyon nila Shaznei.

"saan mo ba nakukuha yan, paenglish english ka pa" nakunot siyang humarap saakin.

"GMT" sagot ko.

"huh?" tanong niya.

"google mo tanga" sabi ko saka naglakad papalapit kina Shaznei.

"pagnagkajowa ako hindi ako makikipagbreak, baka matulad ako sayo, buang na" sabat niya.

Dumeretso na kami dito sa beach pero hindi para magswimming, manonood lang ng alon, dapat sa YouTube nalang namin to ginawa, nagtravel pa amp. Malapit lang rin kasi dito yung hotel na tinutiluyan namin, konting lakad lang.

"nilalamig na ako, una na ako ha" pagpapaalam ni Olivia.

"sama na kami" sabi ni Raven saka tinuro sina Ace at Xander.

"Shaznei una na kami! hoy Nat, Ven, Josh alis na kami stupids!" sigaw ni Ace.

Nakaupo lang kaming apat sa lamesa at walang ginagawa sina Joshua at Venice nagbubulungan, si Shaznei nakatingin sa dagat, ako nakatingin sakanya, char nakatingin din sa dagat.

"Joshua, samahan mo ako doon" sabi ni Venice saka tumayo.

"tara jingle na din ako" sabi ni Joshua saka tumayo rin.

"jan lang kayo ha, hintayin niyo kami" pagtalikod ni Venice.

Tumunog ang phone ko at nakitang nagchat si Venice.

{kanina pa namin pinaplano ni Joshua yan, sayangin mo ha, ngayon lang wala yung fiancée niyan kaya umiscore ka na go!}

I replied 'bwiset ka, salamat'.

"how are you?" biglang tanong niya kaya binitawan ko ang phone ko.

"okay lang, ikaw?" sagot ko.

"yung totoo?" tanong niya saka tumingin at tumawa ng kaunti.

"yung totoo? gusto kong sabihin na hindi ako okay, gusto kong sabihin na sobrang nasaktan at nasasaktan parin ako dahil sa ginawa mo, gusto kong sabihin na sana hindi mo nalang ako hinyaang iwan ka, gusto kong sabihin na araw araw, gabi gabi akong umiiyak dahil sa ginawa niyo, pero ang nasasabi ko 'okay lang' awit ang hirap kayang magsinungaling" sagot ko.

"yun ang gusto kong marinig" sabi niya saka ngumiti.

"sorry, nabigla lang" sabi ko saka yumuko.

"it's okay, gusto kong magpakatotoo ka, gusto ko maging okay tayo bago ako umalis" sabi niya. Tumango lang ako.

"are you mad at me?" tanong niya.

"nung umalis ka, hindi ako nagalit kasi iniwan mo ako. Nagalit ako kasi umalis ka ng walang paalam, sana man lang nagsabi ka na aalis ka, sana nagsabi ka na hindi na ako, sana nagsabi ka para handa ako...handa ako na palayain ka, kasi ang hirap hirap, para kahit papaano hindi sumakit ng sobra sobra, para kahit papaano alam ko kung ano yung dapat at hindi ko dapat maramdaman"

"ikaw yung rason kung bakit ako ngumiti, ang hindi ko alam, ikaw rin pala yung magiging rason ng pagbasak ng mga luha ko"

"tangina nung nawala ka saakin, nawala narin ang lahat. Kasi ikaw yung lahat ng yun Shaznei, ikaw yun" sunod sunod na sabi ko habang pinipigilan ang pagagos ng luha.

"alam mo yung masakit?" tanong ko.

"ano?" tanong niya.

"yung minahal kita ng sobra pero laruan mo lang pala ako" dagdag ko pa.

"I never treat you like a toy, you're more like my life but I need to break your heart" sagot niya. "sorry akala ko joke" dagdag pa niya.

"bakit kasi kailangan mo pang gawin yon?" tanong ko pero umiwas niya ng tingin.

"kasi kailangan" sagot niya.

"kailangan? ano yon? task ba yon? dare? sana sinabi mo na nung una palang kasi kaya ko namang makipaglaro sayo e, kayang kaya" sagot ko.

"like the moon, we go to different phrases of emptiness before getting full again, you'll find the one for you Nathan" sabi niya saka hinawakan ang kamay ko.

"I chose to do that to keep you safe" sabi niya saka ngumiti.

"mamamatay ba ako kung hindi ka makikipagbreak?" tanong ko.

"life is not just full of black and white, there will be always grey if you cannot choose between the two. Like it's not always yes and no, there is always a maybe, if you cannot choose between yes and no" sagot niya.

"hindi ko sinasadya, nadala lang" sabi ko.

"no, it's fine, hindi ko kasi naisip na ganoon yung naramdaman mo" sabi niya saka ngumiti.

"nararamdaman" I corrected.

"we ignored each other but I know that deep down, it wasn't supposed to be like this" sabi niya saka tumawa ng kaunti.

"it seemed so perfect, but ended so soon" sabi ko.

"true" he said.

"we might not reach the end together, but I hope you learned a lesson. Wag mong masyadong mahalin yung taong nakasanayan mo, hindi ka naman kasi sure kung nagtatagal siya" I said before looking at him.

"masama bang magmahal ng todo kung ikaw naman yung mamahalin?" he asked.

A Bad Girl's Weakness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon