Chapter Twenty Three : Reunion

11 4 5
                                    


07/23

At eto na nga ang kinatatakutan kong araw sa lahat ng araw. Reunion na namin, o diba mas nakakatakot pa sa scary. Nakasuot ako ng beach polo shirt na green at white ang pattern saka pinarisan ng black na denim shorts at white Balenciaga shoes, may shades pa nga, tas may nakasabit na hoodie sa braso para cool tignan. Sa Italy kasi ang punta namin, o diba yayamanin, kaya mo yon?

Nasa kwarto ako at nagbibihis ng mapayapa ng biglang-

"handa ka na bang makita ang iyong nakaraan?" nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Joshua galing sa sala kaya dali dali akong lumabas ng kwarto.

"tangina! paano ka ba nakakapasok dito?" tanong ko.

"nasaakin duplicate card ng condo mo" sabi niya saka ngumisi.

"ang pogi natin boss Nathan, balita ko sa Mega Mall lang ang lakad" sabi niya saka tumayo at naglakad papuntang kusina.

"baka hindi ka lang invited, sa Italy kasi ang punta namin" sabi ko saka humarap sa salamin para ayusin ang buhok. Naglakad papalapit saakin si Joshua na parang nahihirapan pa.

"paebs pre" biglaang sabi niya at hinawakan ang braso ko ng mahigpit.

"utang na loob, tumae ka nalang kung tatae ka" sabi ko at saka tinanggal ng marahas ang kamay niya sa braso ko.

"salamat, salamat" sabi niya saka tumakbo sa banyo.

Sabay kaming umalis ni Joshua galing unit at malamang, sabay rin kaming dumating. Nandito na kami sa restaurant na ito sa airport, ano bang tawag dito kasi? Nakita ko sila kaya tinuro ko sila kay Joshua saka kami naglakad palapit. Libot ng libot ang mga mata ko, takot na takot makita si Shaznei.

"nervous ka beh?" pangaasar ni Venice kaya nabaling ang tingin ko sakanya.

"pepektusan ko eyeball mo" sabi ko sa umupo sa tabi niya.

"wala pa talaga? baka prank lang to ha" paghihinala ko.

"o ayan na pala e" turo ni Olivia sa entrance.

Nakita ko ulit siya, tagal kong hinintay to pero nanghihinayang dahil may fiancée na siya. Pinagbuksan siya ng pinto ng guard at sa pagbukas noon ay tumama sakanya ang hangin ng aircon sa tapat kaya hinahangin ang nakaipit niyang buhok. Nakasuot siya ng black jumpsuit at black heels saka may white na purse at naka shades pa may kasunod siyang lalaki na nagtutulak ng maleta niya.

Naglakad siya papalapit saamin at tumigil sa mismong harap namin. Tinangal niya ang shades niya at natahimik kaming lahat. Ganoon parin siya, likas na maganda talaga.

"hey?" sabi niya saka kumaway kaway. Tumayo sila para yakapin at iwelcome si Shaznei habang nakaupo parin ako. Bumalik na sila sa upuan nila at kinukulit ako na yakapin si Shaznei.

"Nathan, long time no see" sabi ni Shaznei kaya napatingin ako sakanya. Nakangiti siya at nagyaya para sa yakap. Ngumiti ako at tumayo rin para yakapin siya.

"l-long time no see" sabi ko saka bumitaw, mahirap na baka maattach ako.

"uy kabado" pangaasar ni Xander.

"ganda mo talaga, master" sabi ni Joshua.

"namiss ka namin" sabi ni Venice at pinunasan ang kungwari niyang luha.

"grabe master, nagbago ka na" sabi ni Ace saka umiling iling.

"ako parin to, yung dating Shaznei" sabi niya saka ngumiti ng matamis. Ako ito nakaiwas ng tingin pero pinakikinggan sila.

A Bad Girl's Weakness Where stories live. Discover now