Chapter Nineteen : Hurt

13 4 12
                                    


05/03

Di ko alam kung bakit laging umaalis si Shaznei at nagiging malayo ang loob niya saakin kaya gumala muna kami ng boys para matanggal ang pagaalala ko sa pagbabago ng ugali ni Shaznei. Kasama ko sina Joshua ngayon at naglalakad lakad lang sa may tabi ng SM.

"amp-pre tignan mo" sabi ni Ace saka pinakita ang phone niya kay Joshua kaya napatingin ako.

"gago pre" sabi si Joshua at tumingin saakin.

"patingin" sabi ko at umamba ng tingin pero nilayo nila saakin ang phone.

"gara niyo" pagrereklamo ko.

"ano yan? patingin" sabi ni Xander at kaagad nilang ipinakita kay Xander ang nasa phone.

"bakit siya pede?" tanong ko.

"baka magkagulo pre" sabi ni Ace.

"bakit ba? anong meron?" tanong ko.

"pre wag ka munang magalit ha, pero baka hindi to totoo" sabi ni Joshua.

"ano nga?" naiinis na ako.

"si Shaznei pre, nagpost ng picture kasama si Kai" pageexplain ni Ace.

"baka nagkita lang, yun lang pala" sabi ko pero kinakabahan talaga.

"naghahalikan pre" sabi ni Xander kaya napatingin agad ako.

"ulol, di gagawin ni Shaznei yon" paninigurado ko.

Tinipat saakin ni Ace ang phone niya at nakita ko nga. Napatigil ata yung ikot ng mundo ko nung makita ko yon kaya tumakbo ako papunta sa bahay nila Kai para sunduin si Shaznei, baka lasing lang, hindi niya magagawa yon. Tinatawag ako nila Joshua pero hindi ako humarap.

"pre wag ka ng pumunta" pagpigil ni Joshua.

"hindi ako manggugulo, susunduin ko lang si Shaznei" sabi ko.

Tinawagan ko ng tinawagan si Shaznei pero hindi niya sinasagot kaya mas binilisan ko nalang ang takbo ko. Hanggang sa siya naman ang tumawag.

[Nathan, tama na, hindi ko na kayang magpanggap]

"magpanggap na ano? lasing ka ba? papunta na ako hintayin mo lang ako" sabi ko.

Nakarating na ako sa tapat ng bahay ni Kai at saka nagsisigaw ng malakas.

"KAI! KAIRO!" sumigaw ako ng sumigaw hanggang sa may magbukas ng gate.

"sir bilin po ni ma'am Shaznei wag daw po kayong papapasukin" sabi ng kasambahay.

"wala akong pake papasukin niyo ako!" sigaw ko ulit.

Hanggang sa lumabas na ang ibang pang kasambahay para pigilin ako pero nagawa ko paring pumasok.

"PAPASUKIN NIYO AKO!" pagsigaw ko.

Sa wakas ay nakapasok na ako sa loob. Pumasok ako ng front door habang hinahabol parin ng mga kasambahay nila.

"sir bawal p-" sabi ng isa pang kasambahay na nadaanan.

"Shaznei?!" pagtawag ko.

"SHAZNEI NASAAN KA?!" sigaw ko habang binubuksan lahat ng pintuan ng bahay.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto sa dulo at tangina, nadurog yung puso ko sa nakita ko. Shaznei and Kai were half naked laying on the bed. Dali dali nilang tinigil ang ginagawa nila ng buksan ko ang pinto.

A Bad Girl's Weakness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon