Chapter Eighteen : Fishy

11 4 8
                                    


04/28

Nagpaalam saakin si Shaznei na aalis siya kasama ang mga kaibigan sa school at pinayagan ko naman, actually hindi naman niya kailangan magpaalam. Pero to be honest, nagbabago siya, nagiging distant siya saakin at parating umaalis pero naiintindihan ko naman, baka kailangan niya lang ng oras para sa sarili.

"pre paano kung-" hindi ko natapos ang sinasabi ko.

"wag mong isipin yan tol, gala lang talaga yong si Shaznei" sabi ni Xander.

"pero bakit hindi sina Venice yung yayain niyang lumabas" pagdududa ko.

"alam mo may post sa IG yung kaklase niya dati sa elementary, malay mo reunion lang" sabi ni Joshua.

"punta nalang tayo sa Biñan, may bagong lugar doon" sabi ni Ace.

"dadayo pa nga" sabi ni Joshua.

"maganda kasi doon, tara na" pagaaya ni Ace.

Nagtext ako kay Shaznei para magpaalam bago umalis pero mukhang busy kaya hindi pa nasiseen. Sumakay kami sa kotse ni Ace at nakarating naman ng mabilis sa Biñan. Bumaba kami at may nakita agad silang kainan.

"tara doon tayo"

"mahal jan!"

"libre ko na, masarap jan e"

Naupo kami sa gilid ng transparent na salamin na see through yung labas at loob ng biglang may namukhaan ako kaya lumabas agad ako.

Lumabas ako ng restaurant at hinanap ang namukhaan ko pero hindi ko na siya makita kaya bumalik nalang ako sa lamesa namin.

"saan ka ba galing, bilis mong tumakbo ha" sabi ni Xander.

"parang nakita ko si Shaznei" sabi ko at umupo sa upuan ko kanina.

"si Shaznei mapupunta dito? baliw ka ba?" pangaasar ni Ace.

"wag mo kasing isipin, ayan nakikita mo tuloy kung saan saan" dagdag pa ni Ace.

"maraming magkakamukha sa mundo tol" sabi ni Joshua.

Nakauwi na kami at sakto namang nasa bahay narin si Shaznei na nakaupo sa sofa.

"saan ka galing kanina?" tanong ko habang pinapatong ang relo sa table.

"u-uh sa Ayala lang" sagot niya.

"may nakita kasi ako na sobrang kamukha mo sa Biñan e" sabi ko.

"marami naman kasi talagang magkakamukha" sabi niya at tumawa ng kaunti.

Nandito kaming dalawa ni Shaznei sa kwarto, kanina pa siya cellphone ng cellphone, parang may kausap nga e, sa sobrang busy hindi na ako pinapansin. Mga ilang minuto pang lumipas ay tumayo siya.

"saan ka pupunta?" tanong ko.

"papahangin lang" sabi niya ng hindi tumitingin saakin.

"gabi na ah" sabi ko sakanya at sinilip ang orasan. "11 na".

"wag kang mangialam, matulog ka na lang, goodnight, love you" sabi niya at saka palang tumingin at naglakad papunta sa labas.

Ilang oras pa ang lumipas at hindi parin siya bumabalik, hinihintay ko kasi siyang makabalik. Tinignan ko ang oras at mag aalauna na ng madaling araw. Biglang bumukas ang pinto kaya nagpanggap akong tulog.

"I'm sorry" sabi niya at hinalikan ang ulo ko.

*ano daw?*

Gusto kong tanungin sakanya kung ano ba yung pinagsasasabi niya pero naisipan kong maghintay pa ng mga sasabihin siya hanggang sa nakatulog na ako.

A Bad Girl's Weakness Where stories live. Discover now