Chapter Thirty : Farewell

15 4 3
                                    



"tapos na ang lahat...mahal kita tandaan mo yan lagi" he suddenly said.

"ano?" I asked. He hugged me and I higged him back.

"sorry" he whispered.

"Shaznei tara na sa ospital!" Kai grabbed Nathan from me.

Doon ko lang narealize na may tama si Nathan.

"no, h-hindi pede" I said then helped them.

Dumating ang mga ambulansya saka kinuha ang mga nasaktan. Kinuha nila si Nathan kay Kai at hindi nila pinayagang sumama kami kaya ako nalang ang nagdrive papuntang ospital. Kasama ko si Kai, Venice at Raven sa kotse.

"Kai bilisan mo magpatakbo" I said.

Nakarating na kami sa ospital at hindi na nagatubiling magpark pa. Nakita kong nakahiga sa stretcher si Nathan at nilipat sa hospital bed saka sinugod sa ER kaya tumakbo ako papunta at sinabayan ang mga nurse papuntang ER.

"Nathan, nandito lang ako ha, wag kang susuko okay? wag mo akong iiwan ha, w-wag please, naririnig mo ba ako? wag ha, ayokong mawala ka saakin" I said. Pinigil ako nina Kai bago pa makapasok sa loob.

"Shaznei, he'll be okay" sabi ni Kai.

Nakaupo lang sina Venice at Raven pero tumayo sila saka ako niyakap.

"nasaan sina Olivia at Ace saka si Xander?" I asked them.

"n-nasa ambulansya kasama si Joshua" sagot ni Raven.

"bakit wala siyang pandipensa sa sarili?" I asked.

"he refused to bring a gun, sabi niya nakakabastos daw kasi nasa simbahan" Kai said. Mamamatay na siya pero mabait parin, damn Nathan, bakit sobrang bait mo?


Sinandal ko ang ulo ko sa pader saka nagdasal na sana maging okay lang ang lahat. Ilang minuto pa ang lumipas at lumabas ang isa sa mga doktor.

*Nat, wag kang susuko*

*kailangan pa kita please*

*I still need to prove my love for you*

Lumabas na ang mga doktor at sumunod ako.

"D-Doc kamusta na po siya?" I asked.

"sorry to say, pero hindi niya kinaya" the Doctor said. My tears just went down like waterfalls. I suddenly felt their hugs.

"malalagpasan mo rin to, I love you" Venice said. Tear just flow nonstop.

Wala akong ibang magawa kungdi tanggapin na lahat ng bagay na pinakaiingatan mo, yon pa ang mawawala.

1/24

At tulad nga ng pinangako ko sakanya, magpupunta parin ako dito kahit wala na siya. Umupo ako sa blanket na nilatag ko. Napatingin ako sa may langit. Ang ganda naman ng langit.

*kamusta na kaya si Nathan?*

~~~~~FLASHBACK~~~~~

"babe, bakit malungkot ka?" he asked.

"wala lang to" I answered.

"alam mo, kilala na kita...kung may problema ka, nandito lang ako" he said with a smile.

"pinsan ko kasi e, ikakasal na siya, sabi niya saakin, sabay kami. Mawawalan na ng priority saakin yung ate ko" I said.

"masanay ka na dapat! hayaan mo babe, andito ako, boyfriend mo na pogi slash bestfriend mong cute din!" he said.

"thank you" I said.

"tignan mo yung langit, ang ganda no?dapat ganoon din kaganda ang mood natin! eto tatandaan mo to Shaznei ha" he said then held my hands.

"ano yun?" I asked.

"kapag maganda ang langit, ibigsabihin noon okay na okay lang ako, masaya ako kung nasaan man ako, kaya dapat ganoon ka rin ha?" he stated.

"oo naman!" I said before laughing.


~~~~~END OF FLASHBACK~~~~~

Napaluha tuloy ako sa naalala ko, maganda ang langit ngayon, maganda ang panahon, kaya siguradong masaya si Nathan.

*sana nga*

Bumaba ako at biglang nakita yung paborito naming nagbebenta ng mga lollipop at candies kaya bumili ako pero iba yung nagtitinda. Nakita ko rin yung dating nagbebenta ng ice cream dito, yung palaging pinagbibilhan namin ni Nathan kaya kaagad ko siyang pinuntahan.

"manong babili po" sabi ko pagkalapit.

"isang cookies and cream at isang rocky road? uh, hija matanong ko lang ha, bakit di mo kasama si pogi?" he asked.

"uh, ano po kasi e..." I sadly answered.

"nalate ba? haha sige, eto na o!" he said then gave me two cones.

"salamat po" I said. Bumalik ako sa itaas.

"natupad ko na, Nat!" kinausap ko ang sarili ko.

"eto na yung mga favorite mo, nabili ko na lahat. Nandito na din ako sa gilid ng city...diba dito kita sinagot?" I added.

"hay Nathan, kung nandito ka lang sana" napayuko ako at nakitang nalulusaw na an mga ice cream.

"kakainin ko na nga-" I got cut off.

"oops oops! akin yan hoy! natraffic lang ako e! edi kung hindi ako dumating, kinain mo na ice cream ko" Nathan said.

I stood up and hugged him.

"aray! yung likod ko masaet!" he said.

"I missed you!" I said.

"hays syempre nagpromise ako sayo diba? hindi hindi kita iiwan" he said.

"ano? doon parin tayo sa bahay mo-este natin?" he asked.

"of course" I said with a sweet smile.

"namiss kaya kita, tagal kong nagpagaling amp" he said then frowned.

"I miss you too...sobra, salamat bumalik ka" I said then hugged him tightly, he didn't hesitated to hug me back but he seemed shocked.

"alam mo naman na kahit saan ako magpunta at kahit gaano mo ako saktan sayo parin ako babalik kasi nasayo yung puso ko, paano ako mabubuhay kung wala ka?" he said. I teared up.

"cheesy mo naman" I said after breaking the hug.

"hala! bakit ka naiyak, sorry na e totoo naman yung sinabi ko" he said then hugged me again.

"I love you, thank you for making me feel like I'm not alone" I said.

"palagi kong gagawin yon" he said with the most calming voice.

A Bad Girl's Weakness Where stories live. Discover now