Chapter 3

17.6K 1K 403
                                    

Alliston

"What the hell is going on!? Bakit ang kalat ng kwarto na ginagamit ni Louella? Hindi nyo man lang nilinis!?"

Kunwari ay paakyat pa lang ako habang nagkakagulo sa second floor ng bahay.

Nakatayo si Daddy at Mommy sa tapat ng kwarto ni Louella. Si Daddy yung galit na galit na nagtataas ng boses habang pinapagalitan yung mga kasambahay namin. Si Mommy naman ay nakaawang lang yung labi. While that woman is just standing on the door frame, halatang kagagaling lang sa labas base sa suot pa nitong damit.

Chill, Dad. Hindi naman ganoon kakalat yan. Nilagyan ko lang ng pig blood yung bedsheet para magmukhang balahura yung babaeng iyan. Think of it na tinagusan sya sa mismong bed nya. So kadiri di ba?

Saka ginulo gulo ko lang naman yung mga papel nya sa mesa at nagkalat ng mga hair strands sa sahig. Plus her sanitary kit na kinalat ko sa bathroom.

She can't be perfect!

Hmp! Ang neat kasi masyado sa gamit. Lahat naka-arrange pa accordingly. Even her clothes sa luggages nya, neatly folded yung mga damit at mga nakacover pa. Ikalat ko nga.

"So, saan ngayon matutulog si Louella!?" Iritableng sigaw pa ni Daddy nang malaman na dumikit na din sa mismong bed mattress yung blood.

Masuka-suka naman ako nang masulyapan yung bedsheet na inilabas ng kasambahay.

Calm down, Alliston. That's just blood. Just blood. Nagawa mo ngang ikalat sa kama kanina di ba?

"I am okay to sleep in a couch naman, Tito Tony. It's okay. There's no need to fuss." Kalmanteng sabi lang nung babaeng impakta na iyon. Her face is passive na para bang hindi naman ito apektado sa kung anumang iisipin ng mga kasambahay namin at mga magulang ko.

Duh! Hadn't she thought of her image?

"No. You won't!" Matigas na umiling si Daddy bagamat ay halatang namromroblema na din ito. "I'll order a new mattress para may mahigaan ka."

"It's really okay, Tito. Masyadong late na. I don't think there's still a place where we can buy that at this hour. A couch isn't that bad though. I can make myself at ease with it."

I rolled my eyes. Masyadong pa-santita talaga nitong babaeng ito. But on a second thought, Okay din na humiga ito sa couch. Siguradong sasakit yung katawan at likod nito dahil masyado din itong matangkad para pagkasyahin yung sarili sa sofa.

"No, Of course not. Alliston will lend you her room kung hindi makakabili yung tauhan ko."

Mula sa mabagal na paglalakad papasok ng kwarto ko ay napasigaw na lang ako nung marinig ko iyon.

"What!?"

"Look, Alli. Louella is our guest here. Ano na lang ang sasabihin satin nila Max if malaman nila na sa sofa lang natin pinatulog yung panganay nya? So No, give her your room for tonight." Pinal na utos nito.

I caught Louella's amused eyes na mukhang nang-aasar pa. Alam nya ba na ako yung nagkalat sa kwarto nya?

Of course, Alliston. Who else pa sa tingin mo? For sure kahit hindi ikaw ang gumawa, ikaw pa din ang pagbibintangan niya.

"Now, that is your problem Dad. Ikaw ang may gusto na gawin nating intimate ang bahay natin dito unlike ng bahay natin sa Pilipinas. We clearly told you ni Mommy before that we should have lot of rooms for guests but you insisted to just have one room and make the other rooms for the maids." Inis na sagot ko sa kanya. Lalo pa at nanggigigil talaga ako sa pasimpleng pagngiti ni Louella na akala mo nahihiya talagang makiabala.

Taming AllistonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon