Chapter 11

17K 948 230
                                    

Alliston

I need to get married soon. I need Hariette. That's the only way I can go home at tanggapin ako ulit ng parents ko. I need to prove them that I can settle down.

Louella had brainwashed them that Kyeroh will never be a good fit to me.

Even my parents are now doubting me kung totoo ba yung relasyon namin ni Hariette or just another perfect cover up to keep my relationship with Kyeroh well-hidden. Buti na lang at nagkausap ang mga ito at mga magulang ni Hariette. Hariette's parents confirmed that Rie and I are actually living in together.

Akala ko it will be a good thing. Kaso ngayon naman ang iniisip nila ako yung cheater samin ni Rie where in fact, Rie is the one who is having an affair with Grant's sister.

That's so unfair! Sa paningin ng lahat ako yung masama. Even my friends thought na ginagamit ko lang si Hariette. Samantalang ako nga itong nakikipagnegosasyon ngayon sa kapatid ni Aria para lang hindi ito mapahamak.

Ang masaklap pa, Hariette is so mad at me right now because I lied to her kung ano yung ginawa ko sa Australia noon. Ang sinabi ko kasi dito ay may kukuhain lang akong dokumento so I could buy properties here. But the truth is, sinira ko yung diskarte ni Louella doon. I need to make a commotion habang ginagawan ko pa ng paraan na matali sakin si Rie.

I am trying to trick her to sign a marriage contract to redeem myself to my parents and our friends. I just didn't know kung bakit nalaman iyon ni Hariette kaya galit na galit sya sakin ngayon. Ang ending? Nilayasan nya na ako. She will moved out of our unit at uuwi na daw sa kanila. Pero naiisip ko na ginawa nya lang iyon para tuluyang makaalis sakin.

Is it possible that she made a deal with Louella? Binenta na din ba nya ako dito gaya ng ginawa ni Grant? It's not impossible lalo pa at gusto na talaga nitong ayusin yung sa kanila ni Candice. Or maybe Louella is trying to win Hariette's loyalty. Kunwari ginagawan nito ng pabor para mabaon ng utang na loob sa kanya.

Isa pang ikinaiirita ko ay yung movement ni Louella ngayon. She made me famous! Literally famous that I became the instant talk of the town after asking me out in socmed. Trending, if I may add. Dinaig pa yata ng kasikatan ko ngayon yung pagkapanalo ko noon ng Golden Slam.

Why not? Louella hadn't been romantically involved into anyone. If she had a relationship before, she got to be so good in hiding it. Puro rumor lang kasi ang kumakalat sa mga lalaking nalink dito. Walang mahanap na proof that can support those rumors.

Surprised, Alli? No, you shouldn't. That's Louella Calvry. She's one of the most sought-after and hottest personality in the business industry right now. Pinakamailap at pinakatuso pa. Malamang lahat ng intriga na maibabato dito, bibilihin ng madla.

Hah! Pagkatapos gagawin nya pang public ang pag-aaya sakin magdinner? For what reason? She's famous herself. Alangan naman maki-ride sya sa kasikatan ng pangalan ko di ba?

Napatingin ako sa article na nasa newspaper na dala kanina ni Jen. There were pictures of Louella and I pa. Hindi ko na nga matandaan kung kelan iyon. Pero hindi naman nakakapagtaka na may mga photos kami na magkasama. Our families are friends. Magkapit bahay lang kami dati. Pagkatapos ay bestfriend ko pa si Aria at close din ito sa pinsan kong si Jen.

Napailing na lang ako na pati nga ang pagiging present nito kasama si Aria sa lahat ng Tennis game ko ay nakadagdag pa sa issue. Isa lang ang pinatutunguhan niyon, na baka noon pa daw may kami. Maybe the reason why I hadn't been involved to anyone the way she kept her personal affairs lowkey too.

Goodness! Kung alam lang nila!

"Alliston!" Hinarap ako agad ni Aria na halatang tense na tense na din ngayon. "Sasamahan kita. Magsorry na lang tayo kay Ate Louella para hindi sya tuluyang mainis sayo. Mabait naman iyon sayo di ba?"

Taming AllistonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon