Chapter 30

17.2K 1K 317
                                    

Alliston

Lahat kami na nasa table ay awtomatikong napatayo nang marinig yung pagtaas ng boses ni Tito Max. Kasunod niyon ay ang malakas na sampal na dumapo sa pisngi ni Louella.

Kitang kita ko pa kung paano pilit na hinarang ni Aria yung sarili nito para lang maipagtanggol yung ate nito. But Tito Max is still stronger than her. Para nga lang syang papel na naitaboy nito pagilid at bumagsak pa sa damuhan. Buti at agad na nakalapit si Grant dito at naalalayan ito.

But Louella is still standing. Proud and mighty na para bang hindi man lang ito nasaktan sa sampal na iyon kahit pa nga dinig na dinig namin iyon kahit pa halos ilang metro din yung layo namin sa kanila.

Fudge! What the heck are you doing, Pooper?

Plano ko na sana itong lapitan ng pasimpleng tumingin sakin si Grant at umiling. A silent message to let Louella handle her own shits. Whatever it may be. Grant doesn't want me to meddle.

Pero hindi ko na yata kailangan pa magtanong kung anong ikinagagalit dito ng Daddy nito. Kasunod kasi ng malakas na pagmumura nito kay Louella ay ang mga salitang sigurado akong naging dahilan kung bakit ito galit na galit kay Pooper.

Yes, Alliston. It's all your fault. You're nothing but a liability now. To your friends and to everyone. Without Lou, siguradong para ka na lang basahan na biglang malalaos. Someone who won't even be in the spotlight again.

"Tigilan mo yang katangahan mong yan, Louella! Otherwise, sinisiguro ko sayong wala ka ng pamilyang pupuntahan!"

Para akong ipinako sa kinatatayuan ko ng marinig ko iyon. Tito Max is already treatening Louella that he will disown her.

Tiningnan ko si Pooper. Parang balewala lang dito kahit pa halos maglabasan na yung litid sa leeg ng Daddy nito sa sobrang galit.

Why Pooper? He is still your father.

"You'll disown me?" Tumawa lang ito.

"I own you, Louella! Kung hindi dahil sakin, wala ka ngayon sa posisyon mo! Do you really think your stubbornness will take you far? Without my name, you're nothing!"

Napapikit na lang ako. Ang totoo, inaasahan ko na din na mangyayari ito. I know how Calvry's deal with things. Sigurado ako na sa kasalukuyan kong sitwasyon ngayon, talagang aayawan ako ni Tito Max para kay Louella.

C'mon! Who would even want a second-grade class if you can get the best grade? Tito Max is right. Kagaya ng sinasabi ni Daddy, I'm nothing now but a pretty face. No one will settle with me now. It's either that person will just be after my money or just after my body. Nothing else.

Apparently, hindi nga din sila naniniwala na papatulan ako ng gaya ni Louella. They were just thinking that Lou is just after my connection o kung anuman ang binargain ko dito kapalit ng pagpapagamit nito ng pangalan nito sakin.

Napayuko na lang ako nang tingnan pa ako ng masama ng Daddy nito. Sa sobrang talim ng titig nito, napapaisip nga ako kung paimbabaw lang ba lahat ng kabaitan na pinapakita sakin nito noon dahil sikat at malinis pa yung reputasyon ko. Pero ngayon na kung ano-anong binabato na sakin ay halos isumpa na nila ako.

Everyone is like that, Alli. Wake up! Face the consequences of your actions. Don't let other people to take the blame that you should be taking.

Muli lang umangat yung paningin ko nang marinig ko sina Van na mahinang napamura. My eyes landed back to Louella. She's removing her clothes. Parang walang anuman na itinapon lang nito iyon sa damuhan. At dahil wala na itong damit pang-itaas, everyone can clearly see her scar on her back. Maybe that's the reason why Van cussed.

Taming AllistonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon