Epilogue

31.2K 1.4K 1.1K
                                    

Alliston

"Mom! Si Elle at Rainey!"

Mula sa pag-aayos ng mga dadalahin namin ay napatigil ako. Basta ko na lang din itinapon sa ibabaw ng kama yung mga damit na inaayos ko sa dadalahin naming mga luggages sana.

Sa lakas ba naman ng tili ni Cray ay talagang halos magkandadapa na ako marating lang agad yung direksyon kung saan ko ito narinig na sumigaw.

Nawala lang ng tuluyan yung pag-aalala ko ng maabutan ito na tawang tawa habang pinapanood yung kapatid nitong si Elle at yung anak nila Alice at Railey na si Rainey na parehong masama ang tingin sa isa't isa habang nag-aagawan sa isang pack ng malaking Doritos.

Pareho pang nakakuyom yung mga kamao na akala mo handa ng magpatayan para sa isang piraso ng snack na iyon.

"This is mine!" Sigaw pa ni Rainey na mukhang gusto ng sikuhin si Elle.

Aba! Aba! Nasa loob sya ng pamamahay ko. Subukan nya saktan ang anak ko. Ihahagis ko sya pabalik ng bahay nila.

"This is inside our house, so it's mine!" Tili din ni Elle na halatang pikon na pikon na din kay Rainey.

"Syempre baon ko 'to pag punta dito. Paano naging iyo?" Takang tanong pa nung anak ni Railey at Alice.

Gusto kong matawa ng magpapadyak pa ng paa si Elle. Naaliw na pinagmasdan ko na lang ito. Masyado kasi itong in-spoil ni Louella. Kaya yan yung mga anak nya, nagmana dito na puro mga bratinella. Sarap itali sa puno at hayaang papakin ng mga naglalakihang langgam.

Pero syempre, joke lang.

"Nasa loob na ng bahay namin kaya akin na' to. Bahay namin 'to di ba?"

"Hala. Kapal mo! Isusumbong kita sa Mommy ko!" Tili ulit ni Rainey. Mas matanda ito ng tatlong taon kesa kay Elle. Pero kung umasta akala mo hindi bata yung inaaway.

C'mon, Alli. Be fair! Rainey has a point. Kapal din talaga ng mukha ni Elle mang agaw. Pag pinabayaan mo yan, makakasanayan nya yan. Lagot ka na naman kay Louella.

"Edi isumbong mo! Akin na' to. Pag inilabas mo 'to ng bahay namin, susumbong din kita sa Mama ko na nagnakaw ka dito." banta pa nung bubwit na bata na hindi ko malaman kung saan nagmana ng ugali nito.

Tumingin sakin si Rainey na parang naiiyak na. Mukhang anytime ay papalahaw na nga ito ng iyak.

Damn it! Think Alli. What to do?

Parang gusto kong pag-untugin tong dalawang 'to. Parehong madamot kasi. Pwede naman share na lang.

"Elle, that's not yours. Give it back to Rainey. Masama nangunguha ng hindi iyo. Bad yon." Utos ko dito. Siniko ko pa si Cray para pagsabihan din nito yung kapatid nito na masama yung ginagawa nitong nang-aagaw ng pagkain.

Pero imbes na tulungan ako ay nag-iwas lang ng tingin si Cray. "Mama says I should always protect Elle. Sorry Mom, my vote is in Elle. Sampid naman yan si Rainey." Rason pa nito.

Nagulat naman ako ng marinig ko iyon. Saan ba ito natututo ng ganyan?

"Anong sampid!" Tinaasan ko ito ng kilay. "Our house is open to Rainey. Never tell na sampid si Rainey ha! Marinig ka ni Tita Rail at Tita Alice mo. Magtatampo yon."

Ngumuso lang si Cray. "But I heard Rainey telling her classmates that I am just a sampid in this house."

"Yeah. I heard it too. They're bad right?" Ngumuso din si Elle na ginaya din yung ate nito sabay yakap sa malaking pack ng doritos.

At ang mga bwisit na bubwit ay binelatan pa si Rainey. Ikulong ko kaya silang dalawa pareho sa aparador? Napakabully. Tingnan ko lang kung di pa sila sumunod sakin.

Taming AllistonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon