Chapter 14

17.2K 1K 257
                                    

Louella

Hindi ko alam kung gaano katagal ako nakatulog. Nagising na lang ako sa mahihinang tapik sa pisngi ko.

I opened my eyes and saw that face I really want the last to wake up with.

Alliston Parker..

"Antok na antok ka. Di ka nakatulog, girl?" Nang-iinis na sabi nito na inilapit yung upper body sakin.

Kelan pa gumanda si Alliston? She's no one but a spoiled brat in my eyes. Yung batang iyakin noon dahil hindi nabilhan ng laruan na gusto nito. Yung batang laging pinapagalitan ng Daddy nito for slacking off. The barbie doll na gustong gustong bihisan ng mommy nito at irampa sa mga kaibigan ng pamilya nila.

Yet, she's still the girl with a kind-heart. She stays with Grant because she sees through other's pain.

Grant is right. Alliston is the kind of person who always takes her time to understand the people around her. She's always taking note one's strengths and weaknesses to make an equilibrium. She knows one's secret and tries to keep it. She just simply want everyone she loves to be happy. Kahit sya mismo hindi na masaya.

I was just stuck staring at her. Ito naman ay napakunot din ang noo nang titigan ako.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Mataray na tanong pa nito. She leaned a little forward para tanggalin yung seatbelt ko.

"I just woke up, Alli bear. Malamang, I am still grasping what's going on in my surroundings." Palusot ko. Napahikab pa ako para itago yung pagkapahiya na naramdaman ko bigla.

Wag mo kasi titigan. Assumera pa naman yan.

"You're weird. Bakit ka ba kasi puyat na puyat? Kahit gabi nagme-meeting ka?"

In-open ko yung pinto ng sasakyan at bumaba. Ito man ay ganun din ang ginawa.

"I am working with my legal team. Nagsampa ako ng cases against the publications who made a drastic statement against you." Kaswal na sagot ko dito.

Napalingon ito sa loob ng garahe at inisa isang pinasadahan ng tingin yung mga sasakyan ko na nandoon.

No, I am not a car collector. Mostly I have cars which suits my comfort and taste. Not totally a fan of sports car.

Truth be told, I want an armored car better.

"Girlfriend na girlfriend aa. Getting too caught up now, Pooper bear? Playing my superhero?"

Napailing na lang ako dito. Ang lakas talaga ng hangin nito.

"Just thank me, Alli bear. That will be enough for now. At ikaw?" Hinarap ko sya at tiningnan mula ulo hanggang paa. Bakit ba lagi syang nakadress?

"What?"

"Stay close to me. Mamaya kung ano pang gawin sayo ng gagong ex mo. Work for me as my assistant. I need you that close."

Umismid naman ito. Ako naman ay dumiretso lang ng pasok sa bahay namin. It's the same house owned by my parents. Kung saan kami lumaki ni Aria. Tapos yung katabing bahay, kina Alliston at Jen. Kaya lang nabenta na yata yung kina Alli. Yung kina Jen naman ay abandonado na din dahil nagmigrate sa ibang bansa na din yung parents nito because of Grant's isssue with them before.

So technically, wala kaming kapitbahay. Weird na ang lalaki ng bahay dito pero halos wala namang katao-tao. I told Aria na dumito na lang sila ni Corinne para may kasama ako pero she insists that she wants them to have their own house lalo pa at magkakaroon na sila ng sarili nilang pamilya pag nanganak na si Corinne.

"Why assistant?" Kulit nito na humawak sa braso ko. "Why not play as your girlfriend na lang?"

Tingnan mo itong babaeng ito. Masyadong feel na feel yung drama na yan. Sinabi ko bang kami? Mutual relationship lang naman ang meron kami. We can do it naman na hindi namin kailangan iconfirm na kaming dalawa talaga.

Taming AllistonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon