Chapter 37

20K 1.1K 317
                                    

Louella

"Crap!" I cursed under my breath when I reached the exact floor I've run from just four hours ago.

Siguro naman tapos na sila mag-usap ng boy toy nya di ba?

Ipinilig ko yung ulo ko nang makaramdam na naman ng pagkairita nang maalala ko na naman yung itsura ni Alliston habang yakap sya ng lalaking iyon.

Sinaktan na nga sya at lahat tapos nagawa nya pang magpahawak doon? Can't she have atleast the decency man lang na magkunwaring galit doon habang nakikita ko sila?

Pero hindi e. Yung gagang Alliston na yun talaga, pinaglihi yata sa katangahan. She personified it. Nuknukan ng katangahan pagdating sa lalaking iyon. I wonder what makes her so stupid. Maganda naman ito, matalino, mayaman, kilalang tao. There's nothing else that she could have asked for. Pero sa lalaking iyon, talagang nagpapakatanga ito.

Buti sana kung yummy at worth it yung lalaki nya. Kaso hindi e. Mas mukha pa itong patapong basura na nirerecycle na lang ni Alli para magkaroon ng halaga. Sigurado akong gagamitin lang nito si Alli. Lalo pa at pabagsak na lahat ng mga negosyo nito at wala nang mukha ihaharap sa publiko matapos naming sirain ni Grant yung pangalan ng buong pamilya nila. Jail is just waiting for him and his father.

Alli, You should choose me.

Naiiling na tinungo ko yung pinto. Hindi ko na pinagkaabalahan na magdoorbell para istorbohin pa kung sinuman yung nasa loob ng unit. Papasok na lang ako nang diretso sa kabilang kwarto habang tulog na ito at aalis na lang din ako agad ng maaga bago pa ito magising.

And No, I am not a coward for avoiding her this time. I just don't want her to feel pressured. I know how responsible Alliston is. Siguradong iisipin pa nito yung sitwasyon ko ngayon kesa sa sarili nito. If she will be truly happy marrying that guy, I won't stop her.

But I really hope she'll not. She better choose me. Kasi kahit ako, di ko alam kung anong pwede kong gawin pag pinili nya yung lalaking iyon.

Our timing might not be perfect. Sa sitwasyon namin ngayon, para kaming nagkakapitan na lang para huwag lumubog. Though a little bit confused about my feelings towards her, I'm pretty sure of one thing.

I just want Alliston to be truly happy.

Even if it wasn't with me, as long as she'll be happy, I am willing to go an extra mile for her. I don't want her to rush something that's worth keeping. I don't want her to rush us because I want to win her over when things are right. Not in this kind of situation we're into. Lalo pa at di pa ako sigurado kung totoo nga na wala na itong feelings kay Kyeroh.

It makes me wonder, do right people with wrong timing ever get a second chance?

Patay na lahat ng ilaw ng makapasok ako ng unit. Hindi na din ako nagbukas ng ilaw dahil kabisado ko naman kung saan yung isa pang kwarto kung saan ako pwede matulog.

Baka nandito pa yung kumag na iyon. I hate seeing his face as he mocks me that he owns Alliston. Baka di ako makapagpigil at mawalan ito ng mukha.

"What took you so long?"

Bago pa ako makapasok ng kwarto ay bumaha na ng liwanag sa sala. Nakatayo malapit doon si Alli na halatang antok na antok na. Nakapajama na nga din ito.

Nagkibit balikat lang ako at nag-iwas ng tingin. "Just got myself busy elsewhere. Bakit di ka pa natutulog?"

Kaswal na pinasadahan ako nito ng tingin. Pagkatapos ay naglakad palapit sakin.

"Kumain ka na?"

I nod my head to lie. I won't tell her na wala akong ganang kumain. Mas gusto kong matulog at magpanggap na okay lang lahat. Saka ayoko pa syang kausapin sa ngayon. Baka magtalo lang kami. O baka naman ay palayasin nya na lang ako dahil dito na nya muna patitirahin yung gagong ex nya. Asa sya.

Taming AllistonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon