Chapter 1

23.4K 611 72
                                    


Clay

" Par pwede ba na wag na lang tayo pumunta?" Pagmamakaawa ng best friend kong si Ace.

" Hindi pwede par..."

Pupunta kami ngayon sa classroom ng babaeng nagugustuhan ko. Araw araw ko itong pinupuntahan dahil na rin sa nanliligaw ako sa kaniya at kahit na ayaw pa niya.

" Bubulyawan ka lang naman ng babae na iyon eh! Tapos kasama pa niya ang anak ni Lucifer baka hindi ako makapagpigil mapatulan ko na iyon." Ayaw na ayaw talaga niyang nakikita ang kaibigan ng babaeng gusto ko.

" Ano kaba naman, best friend Kita kaya dapat suportahan mo ako.." sabi ko sa kaniya.

" Para sabihin ko sayo par sinusuportahan kita kahit na ayaw kong makita ang pagmumukha ng babaeng iyon! Araw araw, pati dyan sa kahibangan mo sa dakilang bully ng University nato.." himutok niya.

" Sige na hayaan mo na ako par..." Pagpapacute ko sa kaniya.

" Hayshh...bakit ka pa kasi nagkagusto sa babae na iyon eh! Nakakainis!" Reklamo niya.

" Alam kong hindi mo ako matitiis par! Hahaha.."

" Tara na nga nang matapos na itong araw na ito na pupuntahan mo siya!" Natawa na lang ako sa sinabi niya.

-------------------

Nandito na kami sa tapat ng classroom niya. Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako sa tuwing pinupuntahan ko siya dito.

" Tingnan mo nga kung nandiyan yung prof nila? " Utos ko kay Ace.
Sumilip siya  

" Wala na silang prof." Sabi niya.

Pumasok na kami sa loob, kaunti na lang ang natirang istudyante sa loob at kasama na doon ang babaeng nililigawan ko.

Tiningnan ko siya nakaupo siya sa madalas niyang upuan at kausap ang kaibigan niya. Napansin naman nilang dalawa na nandito kami sa harapan.

Ngumiti ako sa kaniya ng malaki at unti unting lumakad papunta sa direksyon niya. Hindi ko iniiwas ang tingin ko sa kaniya at ganun din siya.

" Nandito ka nanaman.." Iritang sabi niya at ngitian ko lang siya.

" Hi babygirl... Flowers nga pala for you.." tiningnan naman niya yung dala kong bulaklak.

" Claire..." Tawag niya sa kaibigan niya.

Tumingin naman ako kay Claire na papunta na sa harap ko, hinablot niya ang dala kong bulaklak at itinapon ito sa basurahan.

Napabuntong hininga naman ako lagi lang ganiyan ang niya sa tuwing nagbibigay ako sa kaniya ng bulaklak. Pero kahit ganon binibigyan ko pa rin siya.

" Pwede ba tigilan mo na ako!" Iritang sabi niya sa akin.

Napayuko ako at ngumiti sa kaniya.

" Hindi pa rin ako titigil hanggang sa magustuhan mo rin ako.." malambing na wika ko.

" As if namang magugustuhan Kita! Hello!? You are a girl for Pete's sake! " Bulyaw niya sa akin.

" Ano namang problema don?"

" Arggggghh...I told you already that I don't like you okay!? Just go away!" Ang sakit naman non.

" Ayoko nga..." Wika ko sa kaniya.

" Are you crazy!? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi kita gusto! " Sige lang ipaglagdakan mo sa akin iyan.

Hindi pa rin ako titigil may kasabihan nga 'kung may tiyaga, may nilaga' hehehe.

" Bakit alam mong baliw ako?" Tanong ko.

" What!?" Sigaw niya.

" Baliw na baliw sayo..." Sabay kindat ko sa kaniya at ngumiti ng nakakaloko.

" Oh come on!? Kailan mo ba ako titigilan?! Ha!?" Hindi babygirl.

" Hanggang sa maging akin ka.." ngiti ko sa kaniya.

" Pwede ba Clay tigilan mo na ang kaibigan ko! Ayaw niya sayo! Hindi mo ba nakikita iyon?!" Sabat ni Claire.

" Pwede rin ba anak ni Lucifer, hayaan mo sila...nangingialam ka nanaman.." sabat din ni Ace.

" You bitch.." bulas ni Claire.

" You bitch..." Panggagaya ni Ace kay Claire.

" Arrrggghhh.." naiinis na si Claire at ito namang mokong kong kaibigan ngiting tagumapay hahaha.

" Kahit ipagtabuyan mo ako hindi pa rin kita lulubayan, kahit pa ipahiya mo ako at baliwalain hindi pa rin kita lulubayan..." Nakangiti kong sabi kay.






























Sierra Abigail Mondragon

Sierra Abigail MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon