Chapter 5

14.8K 515 73
                                    

Clay

" Par puntahan ko kaya siya sa room niya?" Tanong ko kay Ace.

" Wag! Kailangan mong magpamiss sa kaniya, diba nga umubra yung plano natin kaya chilax ka lang dyan.." relax ka dyan.

" Eeehhh..gusto ko siyang puntahan! " Parang batang himutok ko sa kaniya.

Hindi ko kaya na hindi siya makita ng ganito katagal. Gusto ko na siyang makita!

" Magtigil ka nga! " Eeehhhh!?

" Pwedeng silip lang?"

" Hindi.."

" Kahit saglit Lang.."

" Hindi.."

" Eeeehhhh!" Padyak ko na parang bata.

" Basta hindi mo muna siya pwedeng makita okay?" Bilin niya napasimangot na lang ako.

" Sige na nga, kahit labag sa loob ko..." Tinawanan na lang niya ako.

--------------

It's been three days na iniiwasan ko si babagirl, para naman akong lantang gulay ng tatlong araw na iyon.

" Par.." tawag pansin sa akin ni Ace at napalingon naman ako sa kaniya.

" Ano?" Wala ako sa mood ngayon.

" May sasabihin sana ako sayo.." wika niya.

" Ano.."

" Wag kang magagalit ah?"

" Ano nga?"

" Basta ipangako mo na kapag sinabi ko na sayo wag kang magagalit sa akin ha?.."

Sinamaan ko lang siya nang tingin, Hindi pa kasi sabihin eh!

" Ano nga!?"

" Ipanagkalat ko sa buong University na may Girlfriend kana..." Huh? What? Teka?



" Ano!?!?!" Hinayupak nato!

" Bakit mo ginawa iyon!?! Tarantado ka talaga!!" Hinabol habol ko siya dito sa loob ng classroom.

" Pakinggan mo muna ako..." Habol ko pa rin sa kaniya.

Napatigil ako dahil napagod ako sa paghabol sa kaniya at naupo. Napabuntong hininga ako.

" Bakit mo ginawa iyon?" Mahinahon kong sabi.

" Para sayo..." Huh?

" Anong ibig mong sabihin? Galingan mo ha? Kung hindi? Patay ka sakin!"

" Kasi diba Sabi ko wag mong lapitan si Sierra? Ginawa ko iyon para mapansin kana niya.." hayag niya.

" Mapapansin talaga ako non! Nanliligaw ako sa kaniya tapos malalaman niya na may Girlfriend na pala ako! Hay nako! Gusto kitang tirisin ngayon.."

" Papasalamatan mo rin ako sa ginagawa ko par...tiwala lang.." nakangising sabi niya. Psh.

" Pambihira ka talaga...kapag ako napasama dyan sa ginagawa mo umbag kasa akin makita mo..." Lokong to.

" Hindi yan hahaha.." nakuha pang tumawa.

------------------

Nandito kami ngayon sa cafeteria palinga linga ako napapansin ko kasing halos lahat ng istudyante dito ay nakatingin sa akin pagpasok ko pa lang.

Siniko ko naman sa tagiliran si Ace.

" Kasalanan mo ito.." madiing bulong ko sa kaniya na ikinatawa lang niya.

Nakainis talaga ang babaeng ito kahit kailan! Bakit ko ba siya naging kaibigan?

Pagkatapos naming imorder ng kakainin namin ay naghanap kami ng mauupuan, nahagip ko naman ang matalas na tingin na ipinupukaw sa akin ni Sierra napaiwas ako dahil parang papatayin na niya ako sa tingin palang niya.

" Par okay ka lang? " Psh

" Sa tingin mo? " Tsk.

" Sorry na..." Nakanguso pa siya. Ang panget niya.

" Wag ka ngang ganiyan hindi bagay sayo..." Tumawa Lang ang gago.

" Par nakatingin dito si babygirl mo.." sabay nguso niya sa direksyon ni Sierra. Titingnan ko na sana ng pigilan ako ni Ace.

" Wag kang tumingin sa kaniya.." ano nanaman kaya.

" Bakit?"

" Basta wag mo siyang titingnan para kapani-paniwala ang plano natin sa ganon para akalain niyang hindi mo na siya gusto..."

Hay..Ang hirap naman ng plano na ito, Hindi ko siya malapitan, Hindi ko siya pwedeng tingnan. Napabuntong hininga na lang ako.

" Par papalapit dito si Sierra.." Hala! Hindi ako ready.

" Stay put ka lang dyan...." Umayos naman ako ng upo.

" Oh miss Sierra the bully? Napadaan ka?" Asar na bungad ni Ace.

" Bitch..." Sabi naman ni Claire.

" Bakit nandito ang kampon ni satanas? May maipaglilingkod ba kaming mga angel sa inyo?.." nakangising saad ni Ace.

Akmang susugurin ni Claire si Ace nang pigilan ni Sierra si Claire.

" Is it true? " Ang ganda talaga ng boses niya.

Tiningnan ko siya at nakikita ko sa kaniya ang seryosong mukha.

" Ano iyon miss bully?" Tanong ni Ace.

" Shut up I'm not talking to you.." bara niya kay Ace. At itong Loko naman nato panay ngisi.

" Ang alin?" Clay play cool, Sabi ni Ace kalma lang.

" Tsk. Playing dumb? Oh please.." saad niya.

" Par siguro yung kumakalat dito sa University na may girlfriend kana.." ngising Saad ni Ace.

" So it's true? " Tiningnan ko siya sa mata parang nakikita ko sa kaniya ang selos, hindi, impossible yon.

" Baka totoo nga girl.." wika ni Claire.

" So kagaya ka rin pala ng iba na kapag nahihirapan kana ay basta kana lang aayaw? I knew it..hahaha " husga niya sa akin

Hindi totoo iyan!

" Oh well in favor naman sakin Kung magkakagusto ka sa iba, I don't like you anyway, kaya that's good for me..." Wika niya.

Akmang aalis na siya nang tumayo ako, napatigil naman siya doon.

" Hindi totoo iyan! Hindi ako yung tipo ng tao na kapag nahirapan na ay susuko na agad, alam mong Mahal Kita! At kahit kailan hindi ko gugustuhin ang iba! Ikaw Lang ang gusto ko!? " Pagamin ko.

Nakita ko naman sa kaniya ang gulat, pati na rin ang buong cafeteria ay natahimik sa pagsigaw ko.



Crap! Nakalimutan ko yung sinabi sa akin ni Ace!

Sierra Abigail MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon