Chapter 27

13.2K 386 14
                                    

Clay




Weekend ngayon kaya niyaya ko si babygirl na mamasyal, I mean date hehehe. Gusto ko siyang makasamang magsaya buong araw, lagi kasi kaming busy sa school kaya hindi na kami madalas na lumabas.

Kaya ngayon time naming dalawa.


" Ready ka na babygirl? " Masiglang tanong ko kay Sierra.


" Yes love..." Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.



Napagpasyahan namin na pumunta sa mall at manood ng sine, nakakatawa nga siya nang nasa loob kami ng sinehan siya ang pumili ng panoorin namin at napili niya ay horror, hahaha ayun nagsisisigaw sa loob ngayon ko lang siya nakitang ganon katakot, puro tawa lang ang ginawa ko sa loob at siya naman ay pinapalo ako hahaha.



" Nakakainis ka! " Singhal niya sa akin ng makalabas kami ng sinehan.



" Hahaha... sorry na babygirl, Hindi ko lang mapigilan eh.." epic talaga ang mukha niya kanina.


" Tsk! Bahala ka dyan.." sabay alis niya sa harap ko.



" Hoy! Teka lang! Nagbibiro lang ako eh.." nakangiti kong sigaw sa kaniya.


Hindi siya tumigil sa paglakad kaya sinundan ko na lang siya. Hindi niya ako pinapansin, nagalit talaga siya.


" Babygirl sorry na.." pagpapacute ko sa kaniya.


Nakaupo kami sa isang food stall dito sa mall.


" Tsk! " Nakatalikod siyang nakaupo sa akin.


Kinalabit ko siya at humarap naman siya sa akin, bigla ko siya kiniss ng mabilis. Napangiti ako ng malaki dahil nagulat siya sa ginawa ko.

" How dare you to kiss me!? " Lalo pa kong tumawa.


Niyakap ko na siya nang mahigpit para naman hindi na siya magalit sa akin. Tiningnan ko siya gumaan na ang mukha niya, Hindi na siya galit.


" Psshh.." Ang cute niya talaga kapag nakanguso siya.


Pagkatapos naming kumain ay hindi pa kami umuwi dahil gusto daw niya maglaro sa arcade, masaya kaming naglaro sa arcade. Sobrang saya niya tingnan habang naglalaro kami, para siyang isang maliit na bata na pinayagang maglaro ng mga magulang niya sa sobrang saya niya.


Masaya akong makita na masaya siya kasama ako.


Nang matapos kaming maglaro sa arcade ay umalis sa kami sa mall at nagpunta naman sa park. Gusto daw niyang maglakad-lakad.




Habang nakaupo kami sa bench ay pinagmamasdan lang namin ang mga batang naglalaro, mga pamilyang nagpipicnic at mga magkasintahang tulad namin na namamasyal lang din dito sa park.

Biglang isinandal ni Sierra ang ulo niya sa balikat ko.


" Love may tanong ako sayo.." tanong niya.


" Ano iyon? " Mahina Kong tanong.


" Ilan ang gusto mong maging anak in the future.." nakatingin ako ngayon sa mga batang naglalaro, napangiti ako.


" Okay na sa akin ang dalawa.."


Tumingala naman siya sa akin.


" Bakit dalawa lang?" Parang may iritang sabi niya.


" Eh gusto ko dalawa lang eh hahaha..." Mahina kong tawa.


" Pshhh.."

" Eh ikaw ba babygirl ilan ang gusto mo? " Tanong ko naman.


" Gusto ko mga....Lima." napalingon ako Bigla sa kaniya.


" Ang dami naman? " Bakit naman Lima?

" You know that I'm only child diba? Wala akong naging siblings kaya if magiging mommy ako gusto kong Lima yung anak ko.." masaya niyang kwento.


" Hmmm.."


" Can you give me that? Five children? " Nakatingin lang ako sa kaniya, nailang tuloy ako sa tanong niya.


" Hindi ako sure babygirl..." Wika ko.


" Why is that? " Parang naiinis na siya.

" Kasi dapat kasal muna bago anak.." nakangiti akong tumingin sa kaniya.


Nakita ko naman na namula siya sa sinabi ko, kinikilig siya hahaha.

" Kinilig ka noh?" Biro ko sa kaniya.

Pinalo niya ako sa braso, napatawa naman ako don.

" Ang galing mo talagang mambola.." rinig kong bulong niya.


" Hoy, Hindi bola yun ah? Totoo iyon..balak talaga kitang pakasalan balang araw.." nakangiti kong sabi sa kaniya lalo tuloy siyang namula.


Sumandal na lang siya ulit sa balikat ko at pagmasdan na lang ulit namin ang mga tao sa paligid.




Ilang sandaling katahimikan.



" May gusto kapa bang puntahan babygirl? " Papauwi na rin kasi kami kaya sinisigurado ko lang kung meron pa siyang gustong puntahan.



Napahawak siya sa kaniyang ulo at nagiisip kung meron pa siyang gustong puntahan.


" I want to go to the amusement park..." Nakangiti niyang sabi.



" Okay..." Nginitian ko siya.


----



Ilang oras na byahe lang ay nakarating na kami ng amusement park.

Nang makarating kami ay agad siyang pumili ng sasakyan namin.

Pagod akong naupo sa isang waiting shed, Marami kaming nasakyang mga rides kaya sobrang pagod ko pero itong kasama ko parang hindi nauubusan ng energy.


" Sakay pa tayo..." Maktol niya na parang bata.


" Wait lang napapagod ako..." Huminga ako ng malalim.



" Just one ride at uuwi na tayo.." lumiwanag ang mukha ko doon. Hay sa wakas!


Ang huling pinili niyang sakyan namin ay ferris wheel pagkatapos nito ay uuwi na kami, sobrang nakakapagod ang araw nato pero sobrang saya din dahil kasama ko siya.


" Love..." Nakatingin lang ako sa labas.

" Can I kiss you? " Napalingon ako sa kaniya.


Hindi na ako nakasagot dahil hinalikan na niya ako bigla, sa una ay dahan dahan niya lang akong hinalikan hanggang sa naging mapusok.

Nagtagal ang halikan namin ng ilang minuto bago kami humiwalay sa isa't isa, hingal kaming nakatingin sa Isa't isa.

-----

Umuwi na kami pagkatapos nung pagsakay namin sa ferris wheel, Sabi niya sa akin na sa condo na lang niya ako matulog ngayon dahil na rin late na.

Nang malapit na kami papunta sa pinto nang condo niya ay may biglang,

" Abigail! " Sigaw ng isang lalaki mula sa likuran namin, may kasama pa itong babae.

Napalingon si Sierra at nakita kong parang nagulat siya ng makita niya yung lalaki at yung babae.



" Dad..." Huh?

Sierra Abigail MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon