Epilogue

23.8K 511 38
                                    


" Par ready kana?" Inayos ko ang pagkakaayos ng necktie ko.

" Yeah...nung nakaraang anim na taon pa.." ngisi ko sa kaniya.

" Halata nga...hahaha.." tinawanan niya lang ako.

I've been waiting for this to happen, to be married to the one that I truly love.

Sa babaeng kahit ilang beses na akong binasted ay nakuhang ko pa ring mahalin, kahit na napakasama niya sa akin noon heto ako baliw na baliw pa rin sa kaniya hangang ngayon.

" Hindi ko akalain par na pakakasalan mo na ang pinapangarap mong babae..." Napangiti ako sa sinabing iyon ni Ace.

" Tama nga ang kasabihan...matalino man ang matsing napaglalalangan din..." Abat! Batukan ko nga.

" Aw! Ito naman hindi mabiro.." himas niya sa ulo niya.

" Ginawa mong unggoy ang wifey ko..." Pambihira siya.

" Wifey? Yuck! Ang baduy!" Tingnan mo ito.

Akamang babatukan ko ulit siya ng napaiwas siya.

" Bitter ka lang kasi wala na ang babybooboo mo.." mas baduy nga yung kaniya eh ahaha..

" Huwag mo na ngang ipaalala sa akin ang masalimuot na pangyayaring iyon sa akin! Nagmomove on na ang tao oh!" Napailing na lang ako.

Move on ka dyan.

Dibale na nga.

Inayos ko ang suot kong white na lady suit at tumingin sa tapat ng salami.

" Ang pogi mo par..." Hanga na naman siya hahaha.

" Ganon talaga ang pinagpala ng maykapal.." taas ko pa sa dalawang kamay ko.

" Tama ka...maykapal , makapal ang mukha! Hahaha.." siraulong to.

" Huwag ka namang ganiyan sa akin...araw ko ito oh?!" Napatango tango naman siya.

" Oh siya...ngayong araw ikaw na ang pinaka- pinaka magandang nilalang na nabuhay sa balat ng lupa.." baliw haha.

" Sobra naman sa balat ng lupa..haha." may saltik talaga siya.

" Bakit? Gusto ko eh.." napangiti na Lang ako.

Simula ngayon araw na ito magsisimula na ang panibagong serye ng buhay ko, kasama si Sierra at ang anak namin.

" Masaya ako para sayo par.." seryosong sabi ni Ace.

Napatingin ako sa kaniya at napangiti.

" Salamat Par..." Tapik ko pa sa balikat niya.

" Huwag kang magalala darating din ang para sayo..." Marami pang iba dyan.

" Tama ka....mangchi- chics ako hanggang sa makilala ko ang babaeng para sa akin.." takte iyan.

" Gusto mo nang maging Playgirl?" Napangisi siya.

Lokong ito.

" Para maiba naman Par...nang hindi naman ako ang maiiwan sa bandang huli.." hay nako nagdadrama na naman.

" Tama nga iyan! Halika na dahil baka malate pa tayo..."

Agad na kaming umalis para makarating na kami sa Venue kung saan kami ikakasal ni Sierra, Hindi kami ikakasal sa simbahan pero kahit ganon ay okay lang sa akin dahil ang mahalaga ay ang makasama ko si Sierra hanggang sa pagtanda.

Napagdesisyonan namin ni Sierra na dito na lang sa Pilipinas ikasal dahil dito naman kami ipinanganak kaya marapat lang na dito din kami maikasal na dalawa.

Hindi ko na tinuloy pa ang pagpapakasal at pagtira sa Europe dahil na rin wala nang banta sa buhay ko at sa mag-ina ko, at ayaw din kasi ni Sierra na umalis pa kami ganong nagiisa na lang sa bahay ang mama niya kaya minabuti ko na lang na sundi ang gusto niya.

Okay lang di naman ang papa ko na hindi na kami babalik sa Europe nung una nagtampo siya pero kalaunan ay pumayag din siya, at saka pwedeng pwede naman siyang dumalaw dalaw sa amin at kami sa kaniya.

Kaya settled na ang lahat, ang kulang na lang ay masettled sa akin ang mahal ko at makasama siya habang buhay.

Ngayon nandito ako sa altar kung saan hinintay ko ang pagdating ng babaeng mahal na mahal ko.

" Okay ka lang anak?" Tanong sa akin ng papa ko.

" O-okay lang Po..." Medyo kinakabahan lang ako whoo!

" Natural Lang na kabahan ka anak...pero kailangan mong magrelax ng kaonti.." mahina pang tawa ni papa, napangiwe ako sa kaniya hindi ko talaga mapigilan eh.

Tinapik ako ni papa.

" Magiging maayos ang lahat anak..." Tumango naman ako sa kaniya.

Habang ako pinapakalmo ko ang sarili ko ay nagsimula ng tumugtog ang mga musician hudyat na nariyan na ang bride.

Napatingin ako sa may pinto at nakita ko ang pinaka-magandang babae sa buhay ko... nakangiti siyang naglalakad habang suot ang mahaba niyang puting gown.

Hindi ko mapigilang hindi maluha sa mga oras na ito dahil sa wakas ay makakasal na siya sa akin.

Nakita ko naman si Ace na kinakantyawan ako dahil umyaiyak ako, mamaya ka sa akin!

Pinusasan ko na ang mga luha ko nang makarating si Sierra sa harap ko.

" Your so beautiful..." Usal ko sa kaniya at napangiti siya doon.

" Your gorgeous too.." ngumiti ako.

Humarap kami sa lalaking magkakasal sa amin.

Napalingon ako saglit sa kaniya at ganon din siya sa akin.

"Welcome to the wedding of Clay and Sierra , We're here today to celebrate the enduring love of these two women...." Panimula ng magkakasal sa amin.

"Do you Clay take Sierra to be your lawfully wedded partner, to have and to hold, in sickness and in health, in good times and not-so-good times, for richer or poorer, committing yourself unto them for as long as you both shall live? "

Ngumiti muna ako kay Sierra.

" I do..."

Bumaling naman ito kay Sierra.

"Do you Sierra take Clay to be your lawfully wedded partner, to have and to hold, in sickness and in health, in good times and not-so-good times, for richer or poorer, committing yourself unto them for as long as you both shall live?"

" I do..." Ngiti niya sa akin.

Oras na para sa pagsuot ng singsing.

" Clay place the ring on Sierra's finger and repeat after me:

"I give you this ring as a symbol of my love with the pledge to love you today, tomorrow, always, and forever." Nakangiti Lang akong nakatitig sa kaniya.

Sierra place the ring on Clay's finger and repeat after me:

" I give you this ring as a symbol of my love with the pledge to love you today, tomorrow, always, and forever." Bakas sa mukha niya ang saya.

"Clay and Sierra, before these witnesses you have pledged to be joined in marriage. You have sealed this pledge with your wedding rings.... You may now seal this ceremony with a kiss."

Agad nagsigawan ang mga tao sa paligid.

" Whoo!!!! Best friend ko iyan!!!!" Isa pa itong si Ace.

Itinaas ko na ang belong nakaharang sa maganda niyang mukha.

" I love you..." Buong pagmamahal niyang sambit.

" I love you more.... Sierra.."

Sierra Abigail MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon