Chapter 23

13K 431 17
                                    

Clay


" May problema ka ba Par?" Tanong ni Ace sa akin.


" Hindi ko pa nasasabi sa kaniya yung kondisyon ko.." mahina kong saad sa kaniya.

" Mahirap nga iyan.." wika ni Ace, alam niya kung anong kalagayan ko.

" Natatakot ako Par baka kapag nalaman niya layuan niya ako..." Malungkot kong wika sa kaniya.

" Par kung mahal ka talaga niya tatanggapin ka niya.." Sana nga.

Sa oras na sabihin ko sa kaniya sana walang magbago.

" Maiba tayo? Kamusta na kayo ni Claire? " Tanong ko.

" Ba-bakit mo naman natanong iyan par?" Bakit siya nauutal? May something talaga eh.

" Napapansin ko Kasi na Hindi mo na muna siya pinapatulan kapag inaasar kaniya, may nagbago sayo.."

Nag-iba kasi siya ng trato kay Claire hindi na yung dati.

" A-ano kaba...wala lang ako sa mood non kaya siguro hindi ko na siya pinapatulan hehe.." nagiwas siya ng tingin.

" Sabihin mo nga sakin par may gusto kana ba kay Claire? "

" Ano!? A-ako! Magkakagusto dun!? Tsk! Hindi no! "

" Defensive ka par, napaghahalata.." ngisi ko sa kaniya.

" Hindi kaya! Nasabi ko na sayo dati hindi ko siya gusto okay.."

" Okay..." Sabay taas ko ng kamay ko pagsuko ko sa kaniya.

" Basta sabihin mo lang sa akin kung gusto mo na siya tutulungan kita.." ngisi ko pa sa kaniya.

" Hindi ko siya gusto!" Sabay hampas sa braso ko.

" Aray! Hahaha.." Ang brutal talaga

---------------

Nandito na ako ngayon labas ng gate ng school sabi kasi ni babygirl na dito ko na lang siya hintayin.

" Par sige na mauna ka nang umuwi.. hihintayin ko pa kasi si Sierra eh.." Sabi ko kay Ace.

" Sigurado ka par?" Tumango ako.

" Sige una na ako Kita na lang sa lunes.." kaway niya sa akin.

" Sige! " Kaway ko pabalik sa kaniya.

Ilang minuto pa akong naghihintay kay babygirl. Nakatayo lang ako malapit sa gate at tinitingnan Kung palabas na siya.

Tumingin ako sa relo ko, Parang ang tagal naman niya.

Ilang sandali lang ay nakikita ko na siya kasama niya si Claire na naglalakad. Bigla siyang napatingin sa gawi ko kaya automatic akong napangiti.

Kumaway ako sa kaniya at nakita ko naman siyang ngumiti, Ang ganda talaga ng babygirl ko!

" Kanina kapa? " Tanong ni Sierra nang makalapit siya sa akin.

" Hindi naman masyado babygirl.." ngiti ko pa sa kaniya.

" Sige girl mauuna na ako..clay.." paalam ni Claire kay Sierra at sa akin.

" Bye Claire! " Paalam ko kay Claire.

Ngumiti lang si Claire sa akin.

" Let's go.." wika ni Sierra.

" Saan? Oo nga pala wala pa yung driver mo.." wika ko.

" Pinag-day off ko.." sabi niya.

" Eh nasaan kotse mo? " Tanong ko.

" Nasa parking lot.." tumango na lang ako at sumunod sa kaniya.





Sierra Abigail MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon