Chapter 32

11.2K 358 27
                                    

Clay




" Kumusta kayo ni Sierra par? " Tanong ni Ace sa akin.


" Heto patago pa rin kaming nagkikita..." Nakalumbaba akong pinagmamasdan ang mahal ko habang kumakain kasama si Claire buti na lang hindi na niya pinapasama ang mokong na lalaki na iyon.


Saktong nakatingin ako sa kaniya ng mapatingin siya sa akin, automatic akong napangiti at siya rin. Parang nangliligaw tingin ang ginagawa namin sa isa't isa. Nag ' I love you' ako sa kaniya kahit na malayo siya sa akin, napangiti siya doon kaya nag I love you too back siya.


Para akong tangang kinikilig dito hihihi.

" Hoy! " Tinapik ako ni Ace.


" Ano ba!? " Hawak ko pa sa braso ko.



" Baka kasi matunaw na kayo parehas sa tinginan niyo eh.." psh inggit lang kasi.



" Humanap ka kaya ng makakatitigan mo! Nandiyan si Claire oh! Hindi yung pinapakialaman mo ang akin...Ang ganda ganda pa naman ng view dito eh panira ka talaga.." napasimangot lang siya.



" Ayoko nga noh! Mas gugustuhin ko pang tingnan ang libro kaysa sa kaniya eww! " Maka eww! naman ito.



" Bahala ka dyan basta huwag kang epal ha.." tumingin ulit ako sa direksyon ni babygirl ko, hay ang ganda talaga niya para siyang anghel na bumaba sa langit.


" Psshh! " Napatawa naman ako sa kay Ace dahil nakanguso na siya ngayon.


" Huwag kang ngang ngumuso dyan! Mukha kang pato! " Binato ko pa siya ng chips.



" Pakialam mo! Gusto ko eh.." tarantado talaga kahit kailan.


Masaya lang akong nakatanaw sa babygirl ko ng,


" Hi clay..." Napalingon ako.


" Sydney? " Nagulat ako dahil ngayon ko na lang ulit siya nakita.


" Hi Sydney, upo ka.." Aya ni Ace.

Umupo naman ito sa tabi ko.



" Ang tagal nating hindi nagkita ah? Saan kaba naglalalagi?" Matagal na rin nung huli ko siyang nakita, natatandaan ko pa nung nasa bar kami noon pagkatapos non hindi ko na siya nakita.


" Busy lang kaya hindi niyo ako nakikita..." Sabi niya kaya napatango na lang kami ni Ace.


" Kumusta kana clay.." tiningnan niya pa ako.

Ngumiti ako sa kaniya.


" Okay lang naman ako, eh ikaw?"


" Okay lang din.." napatango tango ako sa kaniya.


" Par! " Napatingin ako kay Ace.


" Bakit? " Kibit balikat kong tanong.

" Si Sierra nakatingin dito, Ang sama ng titig patay ka! Haha.."

Ha? Napalingon ako sa direksyon ni Sierra at nakita kong masama ang pinupukol niyang tingin sa akin, lagot!


" Ah-ahm, Sydney gusto pa sana kitang makausap kaso lang malapit na pala ang next class ko kaya mauuna na ako ha? " Tumayo na ako at kinuha ang gamit ko nakita ko namang tumawa si Ace, bwisit nato! Pang-asar talaga.


Naglakad na ako palabas ng cafeteria at napatingin ako kay Sierra, Nako! Hindi pa rin nagbabago ang masamang titig niya sa akin.



Nang malapit na ako sa room ko ay napatigil ako sa paglalakad ng tumunog ang cellphone ko kinuha ko at tiningnan kung sino,


Sierra Abigail MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon