Chapter 45

13.7K 368 25
                                    


Sierra

" So now, explain to me what happened to you six years ago.." Tanong ko kay clay na prenteng nakaupo ngayon sa harap ko.


Nang sinabi niyang sasabihin na niya ang dahilan kung bakit siya nawala at hindi nagpakita sa akin sa loob ng anim na tao ay hindi ako nakatulog pagkahatid niya sa amin sa bahay iniisip ko kung anong nangyari noon sa kaniya, gusto kong malaman lahat at kung bakit ngayon lang siya nagpakita sa amin ng anak niya. Kaya nandito kami ngayon sa isang hotel room na kung saan niya ako dinala para makapagusap kami ng masinsinan.

Huminga muna siya ng malalim.

" Sinundan kita nung kinuha ka ng papa mo sa probinsya noon..."

Pinuntahan niya ako?

" Hindi lang Kita naabutan sa airport nung araw ng alis mo sa bansa...."

Tumigil siya sa diko malamang dahilan parang may iba sa pagkakasabi niya ng hindi niya ako naabutan sa airport.

Ilang segundo lang ay nagsalita na siya ulit.

" Pero nung umalis ka meron namang dumating sa buhay ko na akala ko ay patay na..." Napakunot noo ako.

" Ang papa ko..." Her dad is alive?

" Matagal na pala niya kaming hinahanap ni mama...sinabi sa akin ng papa ko na kukunin na niya daw kami ni mama papuntang ibang bansa kung saan siya naninirahan para magkasama sama na kaming pamilya..."

Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya.

" Bakit hindi ka gumawa ng paraan para mahanap ako?" Tiningnan niya ako sa mata.

" Gumawa ako ng paraan Sierra..."

" Kung gumawa ka ng paraan bakit inabot ka na ng anim na taon aber?"

" Pinahanap Kita sa isang private investigator ni papa noon, nung nasa Europe pa ako...hindi kita pinuntahan agad kasi mayroon pa akong gustong marating sa buhay ko para maging karapat dapat ako sayo... Tinapos ko ang pagaaral ko sa Europe, tapos tinutulungan ko si papa sa pagpapatakbo ng kompanya niya..."

So that's why isa na siyang CEO ng isang kompanya.

" I work hard para pagharap ko sayo may ipagmamalaki na ako...lalo na sa tatay mo...na kaya na kitang buhayin, bigyan ng marangyang buhay na nakasanayan mo...ginawa ko lahat ng iyon para sayo at para sa anak natin.." she cupped my face.

" I'm sorry kung natagalan ako...you don't know how I miss you...and our daughter." May luha ng pumatak sa mata ko.

" I love you.... Sierra..so damn much." Walang ano ano'y hinalikan niya ako sa labi.

God I miss her lips.

Hinahalikan niya ako habang nakaupo ako sa kama at siya at nakatayo. Tumagal lang ng ilang minuto iyong halikan na iyon at hingal kaming naghiwalay at naupo siya sa tabi ko.

" Kahit kailan hindi ko kayo nakalimutan...kahit malayo ako sayo ay may mata ako sa paligid.." hinawakan niya ang kamay ko.

" Remember ng naglunch ka sa isang restaurant tapos may nagbigay sayo ng desert? Sa akin galing iyon..."

" It was you?" Tumango siya.

" Kaya pala that day may napansin akong nagmamasid sa akin..." Siya pala iyon.

" And the unknown caller? That's also me.."

" Kaya pala walang nagsasalita Kasi ikaw pala ang tumawag...eh bakit ka hindi nagsalita ng sagutin ko ang tawag?" Napakamot siya sa ulo niya.

Sierra Abigail MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon