Chapter 17

13.7K 441 8
                                    

Clay




Ngayong araw na ito ang school festival at lahat ay abala sa kaniya kaniyang booth. At kaming dalawa ni Ace ay nasa loob lang ng classroom.

Parang ayaw kong lumabas dahil kami ang nakatoka sa kissing booth na napili ng mga kaklase namin.

" Parang gusto kong magtago na lang sa kanila.." wika ni Ace.

" Dapat dindi na lang tayo pumasok ngayon eh.." dagdag niya.

" Wala tayong magagawa Par.." mahina kong saad sa kaniya.

" Meron!? " Sigaw niya.

" Ano naman? " Napakunot noo naman ako.

" Takas tayo.." bulong niya sa tenga ko.

Binatukan ko siya at napa-aw naman siya sabay hawak sa ulo niya.

" May bantay sa labas..sinigurado talaga ni pres na hindi tayo makakatakas dito. " Pinagkaisahan nila kami! Mga tuso!

" Tsk. Ano ba naman iyan! Sue them! Sue them!?!" Napatawa na lang ako sa pinagsasabi niya hahaha.

" Hayaan mo na ngayon lang naman to..at saka panigurado walang hahalik sayo sa labi noh!? Hahaha.." biro ko sa kaniya, sinamaan lang niya ako ng tingin.

" Anong tingin mo sakin? Walang nagkakagusto!?" Sigaw niya.

" Wala...hahaha.." inasar ko na lang siya.

" Damn you!? " Sabay duro sa akin na lalo kong kinatawa.

" Hahaha... pasensya na Par." Tawa ko parin sa kaniya.

Naiinis ang mukha niya ngayon hahaha. Ilang sandali lang ay may pumasok sa room namin, si pres pala. Napatingin kami sa kaniya.

" Kayong dalawa!? It's showtime!" Crap!

------------------



Nandito na kami ngayon sa tapat ng booth namin, nakatayo lang kami sa tapat nito. Nagkatitigan kami ni Ace, paano ba naman kasi nakita namin sa booth Yung mga mukha namin tapos may karatula pa na nakalagay sa gilid, mga prices yun para saan ang mga customers ikikiss.

Ang mga nakalagay ay 100 sa kamay, 300 sa pisngi, 400 sa noo, at lastly 1000 sa labi.

1000 lang ang halaga ng halik ko!? Hindi makatarungan ito?!

Nang makalapit kami ay nakita namin si pres na ngumiti ng nakakaloko.

" Pres, ito lang ba ang halaga ng mga halik ko? " tinuro ni Ace ang karatula, Umaakting si Ace kay pres.

" How dare you! " Napatawa lang si pres sa sinabi ni Ace.


" Huwag ka ngang maarte! Para rin sa atin ito.." wika ni pres.

" I hate you miss president.." nakangusong Sabi ko.

Tumawa lang siya sa sinabi ko siya na yata ang pinaka sa pinaka.

" Come you two maghanda na kayo mayamaya lang magsisimula na tayo..." Wika pres.

Sumusunod lang kami sa kaniya papasok ng booth.

" Ang sama niya talaga.." Himutok ni Ace.

" Narinig ko iyon!!" Lumingon si pres dahil narinig niya si Ace hahaha.

" So-sorry hehehe.." sabay piece sign ni Ace.

" Ikaw kasi puro ka reklamo.." Sabi ko.

" Oo nga no bakit ba ako puro na lang reklamo samantalang wala naman akong girlfriend oh NILILIGAWAN? Bakit kaya ano Par? " Patay! Crap! nakalimutan ko!

Nakangisi lang si Ace sa akin.

" Patay ka...pag ito nalaman ng babygirl mo chugi ka hahaha.." halakhak niya.

Namutla ako bigla sa sinabi niya at napalunok din.

" Par! Anong gagawin ko!?" Sabay hawak ko sa braso niya.

" Huwag kang magalala...Hindi naman mapapadaan ang babygirl mo, malayo building nila mula dito hehehe.." hinampas ko siya sa braso.

" Kung makita mo sana ang mukha mo hahaha, grabe ang epic hahaha..namutla ka! Haha.." tawa lang siya ng tawa nakahawak pa siya sa tiyan niya.

Naningkit ang mga mata ko sa kaniya dahil pinagtripan niya ako.

" Tapos kana.." mahinahon kong saad sa kaniya.

" Sandali lang...pfffffff, hahaha! " Tawa pa rin siya ng tawa. Kaya binatukan ko na siya ng matahimik na siya.

" Awww! " Hinaing niya.

" Bagay lang sayo iyan! " Siraulong to.

Nandito lang kami sa loob sabi Kasi ni pres tatawagin na lang daw kami kapag kami ang pinili ng customer kaya pala may mga picture kami sa labas, marami naman kaming pagpipilian yung ibang mga kaklase namin na sikat dito sa University namin.

May basketball players din kami na nasali dito at iba pang magaganda at gwapo sa klase namin, kabilang kami ni Ace hehehe.

" Buti wala pang pumipili sa akin.." wika ni Ace.

" Baka walang gusto sayo hahaha..." Binatukan niya ako.

" Aw! Hahaha.." asar talo.

" Ace! Ikaw na! " Sigaw ni pres.

" Good luck Par..hahaha" ngisi ko sa kaniya. Sinamaan niya lang ako ng tingin at lumabas na. Hahaha, nakakatawa talagang asarin siya.

Habang nandito ako sa loob ay naririnig ko sa labas ang mga tilian. Napailing na lang ako saan naman kaya siya humalik hahaha.

Ilang sandali lang ay pumasok na ulit si Ace dito sa loob. Nakita kong nakangiwi siya hahaha ano kayang nangyari?

" Oh anong mukha iyan? Hahaha" asar ko sa kaniya.

Umupo siya sa tabi ko.

" Hoy! " Sigaw ko sa kaniya. Nakatulala siya.

" Nahalikan ako ng mukhang halimaw.." natatakot niyang sabi.

" Hoy! Ang judgemental mo talaga! " Sabay Palo ko sa kaniya.

" Aw! Eh sa mukha naman talaga siyang ganon eh tapos lalaki pa! Ok sana kung babae eh.." ayaw pa naman niya na hinalikan ng lalaki.

" Hahaha..saan kaba hinalikan? " Tanong ko.

" Sa pisnge.." nakasimangot niyang sabi.

" Pisnge lang naman pala...grabe makareact..haha."

" Sa lagay ayaw ko sa lalaki eh.." crossed arm pa niya, napailing na lang ako.




" Clay ikaw na susunod! " Sigaw sa akin ni Pres. Tumayo na ako at akmang aalis na ng magsalita si Ace.

" Good luck Par.." Nakangising sabi niya.

Napailing na lang ako sa sinabi niya at lumabas na.

Paglabas ko bumungad sa akin ang mga istudyanteng nasa harap nitong booth.

" Ahm, pres sino yung nagrequest sa akin? " Tanong ko.

Nakaharap lang ako kay pres ngayon at nasa gilid ko Yung mga istudyanteng nanonood sa amin.

" Ayun oh.." turo niya sa likod ko, kaya napalingon ako at nakita ko kung sino ito walang iba kung hindi si,




































" Lara?"

Sierra Abigail MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon