Chapter 2

16K 477 64
                                    

Clay

" Ano itong pakulo mo nato ngayong araw ha?" Tanong sa akin ni Ace.

" Harana..." Sagot ko.

" Par...seryoso ka? " Susubukan ko talaga lahat ng way para Kay Sierra.

" Oo haharanahin ko siya..." Ngiti ko sa kaniya.

" Hay..." Buntong hininga niya.

" Haharanahin ko siya mamaya sa cafeteria..."

" Pustahan Tayo? Mapapahiya ka? Kahapon nga lang eh yung binilli mong bulaklak tinapon lang sa basurahan, baka mamaya niyan ikaw na ang itapon sa basurahan...hahaha." Loko to ah.

" Wala akong pakialam par...Basta gagawin ko pa rin, konting tiis pa makikita din niya lahat ng effort ko tiwala lang.." sana.

Papunta na kami ngayon sa cafeteria, balak ko siyang haranahin sa harap ng maraming tao. Hindi ko pa kasi ito nagagawa sa kaniya kaya I will try malay natin umubra hahaha.

Nandito na kami ngayon sa loob ng cafeteria lingon ako ng lingon para hanapin kung nasaan siya.

" Ayun par oh..." Turo ni Ace sa direksyon ni Sierra.

" Okay...naayos mo ba lahat ng mga kakailanganin ko?" Tanong ko.

" Oo par..." Sagot niya.

" Ayos.."

Nagpunta ako sa gitna para kitang Kita ng lahat. Ibinigay naman sa akin ni Ace ang mic at siya naman ay magigitara.

Tiningnan ko muna ang direksyon ni Sierra at nagkasalubong kami ng tingin, ngumit ako sa kaniya ng pagkalakilaki at siya naman ay inirapan lang ako. Ang cute niya pag ginagawa niya iyon hahaha.

Nagsimula ng tumugtog si Ace, at kakantahin ko para sa kaniya ay ' Be my lady'.

Be my lady come to me
And take my hand
Oh be my lady

Nagsimula na akong kumanta halos lahat naman ng istudyante ay nakatingin na sa akin.

Be my lady just forget the past and mend your broken heart

Palapit ako ng palapit sa kinalalagyan niya habang kumakanta nakita ko naman ang nakalukot niyang mukha.

Nasa mismong harap na niya ako at putuloy lang sa pagkanta.

Be my lady....

Natapos ko na ang kanta at nakatingin sa kaniya at binigyan siya ng matamis na ngiti ko.

" Nagustohan mo ba babygirl?" Tanong ko sa kaniya.

" Honestly...."

" No!?" Galit agad siya.

" Hindi ba maganda ang pagkakanta ko babygirl? Gusto mo ibang kanta na lang?"

" Can you please leave me alone! Ayoko sayo at mas lalong ayoko sa boses mo!" Ang harsh naman niya.

" Ayoko nga..." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

" Arggggghh!!!" Sabay tayo niya at akmang aalis na ng bigla siyang tumigil at humarap ulit sa akin.

" May nakalimutan ka babygirl?" Tanong ko.

" Oo...ito oh." Sabay buhos sa akin ng juice.

Napapikit na lang ako sa ginawa niya, lahat naman ng tao sa cafeteria ay nagsitawanan. Napangiti muna ako kay Sierra.

" Ayos hindi pa ako naliligo.." pagbibiro ko sa kaniya.

" Hindi ka talaga titigil ano?!" Sigaw niya.

" Ah, Hindi.." nakangiti kong sabi sa.

Padabog siyang umalis sa harap ko kasama yung mga kaibigan niya.

" Pfffffffffhhhh..."

" Sige na tumawa kana nahiya kapa.."

" Hahahahahaha...." Lokong ito.

Patuloy lang sa pagtawa itong si Ace.

" Anong sinabi ko sayo? Pffff..napahiya kana naman hahaha.." tsk.

" Tapos kana?"

" Pfffffffff...hahahaha" sinamaan ko siya ng tingin at napatigil siya sa pagtawa.

" Sorry pff.. titigil na ako.." halatang nagpipigil pa rin siya ng tawa.

" Tsk..."

--------------------

" Ano par may naiisip kana naman ba na ikakahiya mo ngayong araw?" Kahit kailan talaga itong babaeng ito.

" Wala pa eh..."

" May suggestion kaba?" Tanong ko.

" Meron..." Wika niya.

" Ano?" Excited kong tanong.

" Tigilan mo na siya...hahaha." tarando talaga to.

" Alam mong hindi ko magagawa iyan no! Kaya sige na magisip ka rin para naman marami tayong option na pwedeng gawin.."

Dapat lahat ng paraan ay gawin ko para makuha ko ang puso ni Sierra.

" Hmmmm..." Pagiisip niya.

Ilang sandali pa siyang nagisip.

" Alam ko na!" Sigaw niya.

" Ano!"

" Wait lang nawala ulit sa isip ko.." pang-asar talaga to kahit kailan.

" Sabihin mo na kasi! "

" Hahaha..atat? Okay ito ang gagawin mo..."

Sierra Abigail MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon