Chapter 6

14.6K 477 11
                                    

Clay


" Ogag ka talaga! " Sabay batok sa ulo ko. Napahawak naman ako sa ulo ko.

" Sorry na..."

" Dahil sa sinabi mo sira na ang Plano! " Psh. Ayoko naman sa planong iyon eh.

" Eh hinusgahan niya ako eh! Pati yung nararamdaman ko para sa kaniya! Alam mo namang ayoko ng ganon eh.."

" Hay nako! Paano na ngayon ang gagawin mo? Gagawin mo ulit yung dati mo nang ginawa para ligawan siya? Haysh mahihirapan ka na naman" Tanong niya.

" Ano pa nga ba...back to zero ako.." hay magsisimula ulit akong ligawan siya.

" Mauubos pera mo niyan..hahaha." kahit na mubos Basta mahalaga si Sierra baby.

" Wala akong pakialam sa pera, mahalaga sa akin si babygirl Lang.." siya lang talaga.

" Pag ito nalaman ng mama mo lagot ka..Kung ano-ano ang ginagawa mo.." nako lagot talaga ako don kapag nagkataon.

" Hindi mo naman sasabihin hindi ba? " Pagpapacute ko sa kaniya.


" Hindi pa sa ngayon.." Loko to ah.

" Par naman! Partners in crime tayo diba!?" Subukan talaga niyang sabihin kay mama batok to sa akin.

" Tsk. Oo na, pero! Kapag alam kong may mali na sasabihin ko sa mama mo.." tumango tango na lang ako at ngitian siya.

" Thank you par!" Sabay tapik sa kaniya.

------------------

" Oh ano nakita mo na ba? " Tanong ko kay Ace.


" Hindi pa eh.." Sagot niya.


" Nasaan kaya iyon?"


" Baka tinaguan ka par..bumabawi ata sa pangiindyan mo sa kaniya? Hahaha.."

" Loko! Kahit kailan hindi niya ako iniiwasan kahit pa ayaw niya sa akin, matapang iyon eh! Lahat hinaharap.." pagmamalaki ko kay babygirl.


" Aysus...bully naman! Maarte! At masama ang ugali! " Ang laki talaga ng galit nitong si Ace kay Sierra.


" Grabe ka naman manghusga.."

" Sa lagay ayun ang nakikita ko eh.." laitera talaga tong babae nato.

" Hoy don't judge the girl by its cover ha!? Ang sama mo sa babygirl ko ah!" Ang bad niya talaga.


" Hoy Ka rin! Anong don't judge the girl by its cover ka dyan? Book iyon hindi girl!" Iyon gusto ko eh.


" Eh sa babae siya eh hindi naman libro si babygirl ko no?!" Kala nito.

" Siraulo ka rin talaga..hahaha" tawa pa niya.

" Pareho lang tayo ogag! Hahaha...kaya nga tayo magkaibigan eh.." sabay apir naming dalawa.


------------------

Kanina ko pa hinahanap si Sierra pero hindi ko siya mahanap, nasaan na kaya yung babae na iyon?

Naglakad lakad na muna ako dahil wala pa naman akong klase habang naglalakad ako ay nahagip ng mga mata ko ang babae na kanina ko pa hinahanap.

Nakaupo lang siya na mag-isa malapit sa garden. Unti unti akong lumalapit sa kaniya. Nakatalikod siya sa direksyon ko Habang papalapit na ako ay balak ko sana siyang gulatin ng marinig ko siyang umiiyak.

Napatigil ako doon, ngayon ko lang siya narinig umiyak. Dahan dahan akong lumapit sa kaniya. Patuloy pa rin siya sa pagiyak.

Umupo ako sa tabi niya, nagulat naman siya ng makita niya ako.
Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa,


" Ito oh..." Bigay ko nang panyo sa kaniya at diretsyo lang ang tingin ko.

" I don't need that..." Siya na nga binigayan ayaw pa.


" Sige na tumutulo na kasi uhog mo eh.." lagay ko sa kamay niya at tiningnan niya ako ng masama kaya napatawa ako ng mahina.


" Okay lang ang umiyak, nakakatulong yan sa kalusugan natin.." tahimik lang siya.

" Okay lang ba na tanungin ko sayo kung anong problema? I'm a good listener..." Sana lang ay sabihin niya sa akin kung anong nangyayari sa kaniya.

" Hindi ko kailangan ng makikinig sa akin..." kailangan mo iyon Sierra.

Tiningnan ko siya kita ko sa kaniya ang lingkot.

" Kung kailangan mo nang ilabas lahat ng hinanakit dyan sa loob mo nandito lang ako... Okay lang sa akin na ako ang mapagbuntungan mo, willing naman ako.." ngiti kong Sabi sa kaniya.

Napatingin naman siya sa akin.

Sierra Abigail MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon