Chapter 29

10.6K 350 23
                                    


Clay



" Par tama na yan, nakakarami kana.." Pigil sa akin ni Ace sa paginom ng alak.


" Hayaan mo na ako par, hayaan mo akong magpakalunod sa alak!" Lagok ko ulit ng alak.


" Par naman eh!? Magagalit si tita niya paguwi mo! " Singhal niya.


Inom lang ako ng inom Hindi ko siya pinapansin, Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay ang uminom.



" Ano ba kasing nangyari ha? Kanina pa ako dito pero hindi mo sinasabi kung anong problema mo? Si Sierra ba? " Napatigil ako sa paginom.



Ang pangalan niya, Ang napakagandang pangalan niya. Nagsimula na naman akong umiyak.


Naramdaman ko naman na hinawakan ako sa likod ni Ace.


" Par ano ba kasing problema mo? "



" Si- si Sierra...hi-hiniwalayan na niya ako.." naluluha kong sabi sa kaniya.


" Ano? Teka? Anong nangyari? Bakit niya ginawa iyon? "


Hindi na lang ako umimik at nagpatuloy na lang sa paginom.



" Ang sakit par, sobrang sakit! " Napahagulgul na ako ng iyak.

Niyakap naman ako ni Ace.




" Bakit ba niya ginagawa sa akin ito?! Minahal ko lang naman siya ah!? Bakit niya ako sinasaktan nag ganito!? " Napihilamos ako sa mukha ko.


" Mahal na mahal ko siya..." Sobra sobra.

-----------

" Arggggghh.." Ang sakit ng ulo ko!


" Anak! Gising na! " Napamulat ako dahil sa boses ni mama.

Napaupo ako sa kama sandali at saka nagpunta sa banyo.

Pagkatapos kong magayos ay matamlay akong bumaba.



" Oh! Bakit ganiyan ang itsura mo? " Tanong ni mama.



" Wala lang ito ma... naparami lang ang inom ko kagabi." Umupo na ako para kumain.


" Bakit ka ba kasi naginom ha? "


" Stress lang sa school ma..." Wala ata akong gana ngayon.


" Hay, nako huwag ka kasing masyadong nagiisip ng kung ano ano anak..huwag mong iestres yung sarili mo.." tinapik ni mama ang braso kaya napatango na lang ako.



Hindi ko masabi sa kaniya na hiniwalayan na ako ni Sierra, ayoko na kasing problemahin pa niya iyon.



---------




" Par okay ka na ba? " Tanong ni Ace, Nakatungo Lang ako sa lamesa ko dito sa classroom.



" Hindi ako okay par.." Hindi talaga.



Parang wala na akong gana sa lahat ng bagay ng nakipaghiwalay siya sa akin.




" Par, Hindi lang siya ang babae sa mundo..marami pa dyan."




Tama ka marami, pero Isa lang talaga ang nilalaman nitong puso ko.


" Nagiisa lang siya para sa akin par..."


Hindi na lang siya umimik dahil sa sinabi ko.



" Gusto mong kumain? " Biglang tanong niya.


Umayos ako ng upo at tumingin sa kaniya.




" Sige na, nagugutom na rin Kasi ako eh.." ayaw ko mang kumain, sasamahan ko na lang siya.



Tumayo na ako at siya naman ay nakangiting nakasunod sa akin.


Pagdating namin sa cafeteria ay agad na siyang bumili ng pagkain niya at ako naman ay umupo na lang at hinihintay siya.



" Oh, par Kain ka... " Abot niya sa akin ng sandwich.


Tinanggap ko na lang ang binigay niyang pagkain.



Ilang sandali lang ay napalingon ako sa bukana nitong cafeteria at nahagip ng tingin ko si Sierra kasama si Claire at napakunot noo naman ako ng makita ko rin na kasama nila ang lalaki na kahalikan noon ni Sierra.




Pinagmamasdan ko silang umupo sa isang table. Napakuyom ako ng kamay ng makita kong inakbayan nung lalaki si Sierra.


" Par, okay ka Lang?" Tanong ni Ace.



Hindi ko pinansin si Ace kaya napansin niya Kung saan ako nakatingin.



" Gusto mo bang umalis na tayo?" Nakakairita sila sa mata!




Patuloy ko pa rin silang tinitigan, nakita Kong hinawakan nung lalaki sa pisnge si Sierra kaya napahampas ako sa lamesa, kaya napatingin yung ibang istudyante sa gawi ko pati na rin sila Sierra.


Tinitigan ko siya.



Ito ba ang paraan mo para layuan Kita?

Tumayo na ako at umalis sa cafeteria.


----------



Nandito lang ako ngayon sa garden, wala na akong ibang gustong puntahan kung hindi dito lang.


" Nandito ka lang pala..." Napalingon ako.



" Lara.." bakit siya nandito?



Umupo siya sa tabi ko, nakangiti lang siyang nakatingin sa akin.


" Bakit ka nandito? " Tanong niya.


" Gusto ko lang makahinga sadali.." sabay tingin ko sa mga bulaklak.


" I see..."



" Eh ikaw bakit ka nandito? " Tingin ko pa sa kaniya.


" Hinahanap kasi Kita.." huh?


" Bakit? May kailangan kaba? " Tanong ko.



" Wala naman...gusto lang kitang kamustahin." Napakunot noo naman ako sa kaniya.



" Okay naman ako, bakit mo naman naitanong iyan? "



" Balibalita Kasi sa buong campus na hiwalay na kayo ni Sierra.." ano?


" Paano mo nalaman? " Nakapagtaka bakit ang bilis namang kumalat.


" Sa ex mo, siya mismo ang nagsabi sa buong campus na hiwalay na kayo.." nanlumo ako.

Napayuko na Lang ako.


Mayamaya lang ay naramdaman kong may humawak sa likod ko.



Tiningnan ko si Lara.




" It's okay to cry, clay..." May namuo na luha sa mga mata ko.




Agad ko siyang niyakap at napahagulgul na ako ng iyak.



" It's okay..." Mahina niyang sabi.

Hinimas himas niya ang likod ko.




Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko, humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kaniya.



" Salamat..." Sabay punas niya sa pisnge ko.



" Mawawala rin ang sakit niyan.." sabay duro niya sa dibdib ko.


" Paano kung hindi? " Para na akong bata sa harap niya.



" Trust me, in time hihilom din iyan. You just need time.." nakangiti niyang sabi.



Sana nga Lara, Sana nga.

Sierra Abigail MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon