Chapter 10

16.4K 497 28
                                    

Sierra




" So best what are your plans now? Iniiwasan kana talaga niya.." Claire said.

" Nothing..." I said.

" Anong wala? " Tanong niya.

" Alam ko namang hindi niya ako matitiis na hindi makita, any time soon babalik siya sa akin begging.." sabi ko.

" Pero mukhang sa pagkakataon nato hindi na..." Huh?

" What do you mean?"

" Kasi may nakalap akong balita na sila na daw nung Sydney, yung gangster.." wait what?

" That fast? Papalitan kaagad niya ako? That moron!" Akala ko ba ako lang ang gusto niya?!


" Ikaw naman kasi girl kung sinabi mo sa kaniya na gusto mo rin talaga siya eh di sana okay kayo at nanliligaw pa rin siya sayo..." Right.

" So what do you want me to do? I'm new to this kind of you know, what I mean..."

" Go after her? " Patanong niyang sagot.

" Are you serious?" I'm not that kind person.

" What? All this time siya yung nagrireach out para sayo..kaya this time ikaw naman kung gusto mo siyang bumalik sayo.." she's right.

" Can you help me with that?"



" Oh yes girl I can help.." nakangising wika niya.


-----------------------

Clay



*Hatchu!*


Mukha yatang magkakasakit ako ah.

" Okay ka lang nak?" Tanong sa akin ni mama.

" Okay lang po ako.." mahina kong sabi sa kaniya.


" Uminom ka nang gamot pagkatapos mong kumain dyan ha, baka lumalala iyan.." wika niya.


" Sige po..."


Nagpatuloy lang ako sa pagkain at napapansin ko naman na panay tingin sa akin ni mama.

" Bakit Po ma?" Tumigil siya sa pagkain, at tiningnan ako.


" Napapansin ko Kasi sayo anak nung mga nakaraang araw, lagi kang tulala may problema ba?" Tanong ni mama.

" Ahm, Wala Po ma iniisip ko lang po yung nalalapit na taekwondo tournament namin ni Ace kaya po siguro natutulala ako minsa.." sabay yuko sa kaniya para hindi niya makita ang malungkot kong mukha.

" Huwag ka nang magisip ng masyado anak, makakaya mo iyan ikaw pa! Ang galing mo kayang sumipa..haha." supportive talaga tong nanay ko hahaha.

" Salamat po ma.." malambing kong sabi sa kaniya.



---------------------



Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa room ko ay napansin ko na tinitigan ako ng mga istudyante.



Ano namanng problema ng mga ito. May dumi ba ako sa mukha? Hinawakan ko ang mukha ko, Wala naman, napailing na lang ako.





Nandito na ako ngayon sa tapat ng pinto nang room ko, pagpasok ko ay napatingin sa akin ang mga kaklase ko. Para silang nakakita nang multo.

Naglakad na ako papunta sa upuan ko at nakita ko namang nandun na si Ace nakayuko siya sa lamesa.




Tinapik ko ang balikat niya at umaayos naman siya ng upo, at ako naman ay umupo sa tabi niya.


" Par may problema ba sa mukha ko?" Tanong ko kay Ace, nakatingin lang siya sa akin. Napakunot noo ako dahil hindi siya nagsasalita.



" Hoy! Ano tulala lang? May dumi ba talaga ako sa mukha? " Sabay hawak ko sa mukha ko.

Napailing naman siya sa tanong ko.

" Par! Ang pogi mo!?!" Huh?


" Anong pinagsasabi mo dyan?"



" Kasi ang pogi mo, nagpagupit ka? Bagay sayo.." ah? Kaya pala sila nakatingin sa akin dahil sa nagpagupit ako ng buhok. Mahaba kasi ang buhok ko kaya naisipan ko na magpahupit.


Hangang balikat lang naman ako nagpagupit, gusto ko kasing maiba man lang yung buhok ko.


" Hindi halatang broken ka ah?" Nakangising wika niya.


" Siraulo! Gusto ko lang magpagupit yun Lang.."


" Aysus! Deny pa...hahaha, pero seryoso bagay sayo ang gupit mo parang ang angas nga ng dating mo eh, kung straight lang ako masasabi ko sayo na ' Your so hot' hahaha.." loko hahaha.


" Baliw hahaha.."


Nagtatawanan lang kami hanggang dumating na ang prof namin.

----


Dalawang oras na akong nakatingin sa labas ng bintana, dalawang oras na rin akong hindi nakikinig sa klase, kahit pa nagututuro yung prof ko.


" Miss Rodriguez! What are you looking at the window? Hindi ka nakikinig sa lessons ko! " Patay.


" Sorry po sir.." paumanhin ko sa kaniya at umayos ng upo sa nakanig na nang klase niya.




" Okay class that's all for today see next meeting.." Sabi ng prof at saka umalis.

Ilang sandaling katahimikan at biglang,



" Classmates! Wag muna kayong lumabas may paguusapan pa tayo.." sabi nung class president namin.



Napatingin naman kami lahat at nagsiupo ang mga kaklase kong nakatayo.

" About ito sa darating na school festival! Alam naman nating lahat ng course ay naghahanda para sa kaniya kaniyang booth.." malapit na pala iyon.



" Any suggestions kung anong booth ang gagawin natin?" Tanong ni pres.



Nagusap usap sila kung anong gagawing booth at kaming dalawa ni Ace ay nakaupo lang at pinagmamasdan sila.



" Kissing booth kaya?" Rinig kong Sabi ng Isa Kong kaklase.

" Pwede.."


" Ikaw magpapahalik ah! Hahaha"


" Bat ako?! "



" Hahaha.."




Kissing booth na ata napili nila. Napatingin lang ako Kay Ace na busy sa cellphone niya.



" Clay and Ace! " Tawag sa amin ni pres napatingin naman kami sa kaniya. Ano na naman kaya iyon.


" Kasali kayong dalawa sa mga napiling ikikiss ng mga customers..." Teka? Ha?






" Ano?!?!!" Sigaw naming dalawa ni Ace.




" Teka bakit kami nasali dyan?!" Pati rin si Ace parang ayaw.



" Well baka kasi dumami customer natin kapag kasama kayong dalawa..." What? Ni Wala pa nga akong first kiss eh!?




" Ayoko hindi ako kasali dyan!? " Pagtanggi ko.




" Hindi ka pwedeng tumanggi clay, para to sa booth natin.." maotoridad niya wika.




" Psshhh.." napanguso na lang ako.

Napasimangot na lang din si Ace.





" Wag kayong magalala tataasan namin ang presyo kapag sa lips hahalik ang isang customer.." natatawang sambit ni pres, Napatawa na rin yung mga kaklase namin.








Nakakainis naman oh!?.

Sierra Abigail MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon