Chapter 39

10.1K 316 9
                                    


Third person


Mayroong isang bata babae na masayang naglalakad sa dalampasigan, nakangiti itong nagiikot ikot habang naglalakad. Mayamaya pa ay ginawa na ng batang babae na manguha ng mga kabibe, lagi niya itong ginagawa kapag nagpupunta siya malapit sa dagat.


Abala lang ito sa pangongolekta ng mga kabibe pero habang papalayo siya ng papalayo ay may napansin ito sa di kalayuan, nagtaka ang batang babae kung ano ito kaya dali niya itong pinuntahan. Habang papalapit na ang bata ay nakikita na niya kung ano ito....isang tao na nakahandusay sa buhanginan.


Lumapit pa siya para pagmasdang mabuti ito, dahan dahan siyang lumalapit dito nang makalapit siya ay naupo siya at hahawakan na niya sa balikat ito, pero nang mahawakan na niya ito ay hindi ito nagising. Kaya ang ginawa ng batang babae ay tinusok tusok niya ito ng kaniyang daliri sa pisnge.

" Patay kana ba?" Takang usal nito, Parang inusente nitong pagkakasabi.


Tumayo na ang batang babae at agad na tumakbo papunta sa bahay niya, ilang minuto lang ay nakarating din ito sa kaniyang tinitirahan.


" Nay!" Sigaw ng batang babae ng makauwi siya.

" Ano iyon Angela?" Abala ang ina ng bata sa paghahanda ng kanilang tanghalian.


" May patay po doon malapit sa dagat!" Nagulat naman ang kaniyang ina sa sinabi nito.

" Ano kamo?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

" May patay po.." may bahid ng pagtataka ang ginang kung totoo nga na may patay na sinasabi itong kaniyang anak.

" Samahan mo ako kung nasaan iyong patay na sinasabi mo.." agad nitong iniwan ang ginagawa at daling lumabas ng bahay.


Na curious ito sa sinabi ng kaniyang anak, hindi naman ito marunong magsinungaling kaya minabuti nitong makita kung totoo nga ang sinasabi ng kaniyang anak.


Hawak kamay silang naglalakad papunta sa dalampasigan, nang malapit na sila ay nakikita na ng ginang sa dikalayuan na may nakahandusay nga na tao kaya nagmadali itong maglakad.

" Ito nay oh.." turo ng batang babae sa nakahandusay na tao.

Pinagmasdan ng ginang ito at nakita niyang may sugat ito sa ulo, agad niyang inilagay ang daliri niya sa ilong nito tinitingnan niya kung buhay pa ito.

' humihinga pa siya...' usal ng ginang sa kaniyang isipan.

" Buhay pa siya anak.." nagtataka lang na tiningnan ng batang babae ang ina niya.

" Kailangan natin siyang dalhin sa bahay..." Usal ng ginang.


Tiningnan niya ulit ito makikita mo sa anyo nito na isa itong babae.

" Tawagin mo ang tatay mo.." utos ng ginang sa anak nito.

Agad namang sinunod ito ng anak niya at daling umalis, naiwan ang ginang para bantayan ang babaeng nakita nila.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay agad ng dumating ang batang babae kasama ng isang lalaki.

" Ramon.." usal ng ginang sa lalaki.

Nagkatitigan silang dalawa.


" Buhay pa ba iyan?" Tanong ng lalaki, Tumango lang ang ginang bilang sagot.

" Dalhin natin siya sa bahay.." wika ng ginang.


Agad nilang dinala ito sa kanilang tirahan at ginamot ang mga sugat nito sa katawan at ulo nito.

Sierra Abigail MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon