Chapter 13

15.1K 483 16
                                    


Clay


" Saan tayo pupunta? Hindi rito ang daan pauwi samin.." mahina kong sabi kay Sierra habang nakasandal ang ulo ko sa upuan ng front seat nitong kotse niya.

" In my condo.." huh?

" Bakit doon? Iuwi mo na ako.." nahihilo na ako, parang masusuka ako.

" No.." madiin niyang sabi.

" Pwede bang ibaba mo muna saglit.." sabay hawak ko sa bibig ko.

" Shit! Not in my car! Wait! " Agad naman siya tumigil sa tabi.

Mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse diretso sa kalsada sabay suka.

* Blukk!*


Naramdaman ko namang may humihimas ng likod ko kaya kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.

" Inom pa.." wika ni Sierra.

Napayuko ako at napasabunot ako sa ulo ko dahil nahihilo pa rin ako.

" Let's go.." sabay hawak ni Sierra sa balikat ko, at pinasok na ako sa kotse.

--------------

Nagising ako dahil may tumatapik ng mukha ko.

" Hey.. wake up.." Teka sino iyon?ah, si Sierra pala.

" We're here.." mahina niyang sabi.

Napaayos naman ako ng upo, pero nakapikit pa rin ako. Naramdaman ko namang binuksan ni Sierra ang pinto ng kotse at lumabas at binuksan din niya ang pinto dito sa pwesto ko.

" Halika na.." sabay hawak niya sa kamay ko at hinila palabas.

Nakaakbay lang ako sa kaniya, at naglalakad kami papunta sa Kung saan.


Huminto kami sa isang pinto at bumitaw si Sierra dahil may kinukuha siya sa bulsa niya, Susi pala.

Nakapasok na kami at pinaupo niya ako sa sofa.

" Titimplahan kita ng kape para mahimas masan ka.." sabi niya at umalis na sa harap ko.

Nakaupo lang ako at naghihintay sa kaniya, inaantok na talaga ako. Sumandal muna ako at pumikit.

" Here.." napamulat ako at tumingin sa kaniya, ang bilis naman niya.

Kinuha ko yung kape at ininom.

Nagtataka ako bakit niya ako dinala sa condo niya?

Ilang higop pa nang kape ay unti unti na akong nagigising.

" Bakit dito mo ako dinala?" Tanong ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot, napabuntong hininga na lang ako.

" Pagkaubos ko nitong kape uuwi na ako..." Sabi ko sa kaniya, nakatingin lang siya sa akin.

Ilang sandaling katahimikan.


" Bakit mo ba ito ginagawa? " Basag ko sa katahimikan.

Hindi pa rin siya sumasagot.


" Alam mo! Ako na nga itong lumayo sayo pero heto ka, nasa harap ko! Hindi ako makakapag-move on sa ginagawa mo!? Nahihirapan na ako!? Masakit sa dibdib! Alam mo ba iyon ha!? Hindi!? " Napaiyak na lang ako sa puntong to mas lalo akong nahihirapan kapag nakikita ko siya.

Patuloy lang ako sa pagiyak samantalang siya tinititigan lang ako. Napatayo ako at humarap sa kaniya, nilapag ko sa lamesa yung cup.


" Aalis na ako..." Sabay talikod ko, maglalakad na sana ako ng yumakap siya mula sa likod ko.



" Stay..." Mahina niyang sambit.


Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil nakayakap siya sa akin. Nagtagal pa kami sa ganung pwesto.


" I'm sorry..." Nabigla ako sa sinabi niya.

" Bakit ka nagsosorry?" Mahinahon Kong tanong sa kaniya.

" For everything.." nasa likod ko pa rin siya.


" Hindi mo na kailangang magsorry, tanggap ko naman na hindi magiging tayo..." Naluluha kong sabi sa kaniya.

Humigpit lalo ang yakap niya.

" Aalis na ako.." sabay tanggal ko sa mga kamay niyang nakapulupot sa bewang ko.

Maglalakad na ulit ako ng hilahin niya ako pabalik at bigla niya akong hinalikan sa labi ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya, para akong tuod ngayon dahil don.

Unti unting gumagalaw ang labi niya, hindi ko naman alam kung anong gagawin ko kaya naitulak ko siya nang bahagya.

" Sandali..." Sabi ko.

Tiningnan ko siya namumula siya ngayon.

" Bakit mo ako hinalikan? " Tanong ko sa kaniya, pero hindi niya ako sinagot sa halip ay hinalikan ulit niya ako.

Nang maglapat ulit ang mga labi namin ay parang nakuryente ako at bigla niya akong niyakap sa batok. Sa una marahan niya akong hinahalikan, unti unti naman akong sumasabay sa kaniya hanggang sa lumalim ang halikan naming dalawa.

Pinulupot ko naman ang dalawa kong kamay sa bewang niya para mas dumikit siya sa akin.

Ilang minutong tumagal ang halik na iyon, ngayon ay pareho kaming hingal na hingal.

Pagkatapos nang ilang saglit na paghinga ay tinulak niya ako paupo sa sofa at bigla din siyang umupo sa kandungan ko. Sabay siniil niya ako nang halik, para siyang gutom na gutom sa paghalik sa akin. Ang ginawa ko lang ay tumugon sa lahat ng halik niya.



Huhubaran na sana niya ako ng biglang may nagring nagbalik ako sa katinuan dahil dun , napatigil din kami sa paghahalikan, nanggagaling kasi sa bulsa ko yung tunog.


Tumatawag si mama tinanggal ko si Sierra sa pagka-kakandong niya sa akin at tumayo saka sinagot ko ang tawag.

" Hello ma.."

" Nasan kana? Hindi kapa ba uuwi?"

" Pauwi na Po"

" Sige ingat ka.."

Sabay baba ko sa tawag at humarap kay Sierra na nakaupo lang sa sofa.

" Aalis na ako.." sabay karipas akong papalabas ng condo niya narinig ko pang sinigawan niya ako pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakad.






















Nako naman clay! Ano na naman ba itong nagawa mo!?

Sierra Abigail MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon