Chapter 2

566 16 1
                                    


Naging maaga ako sa pagpasok kinabukasan.Sa totoo lang ay lagi namang ganito ang nagiging kilos ko dahil ayokong mawalan ng masakyan lalo na't marami ang mga estudyanteng nagmumula sa lugar namin.

Naging kasabayan ko si Dahna,iyong pinsan ko na minsan ay nakakausap ko rin sa school.Habang sakay ng tricycle ay napakwento siya sa akin.

"Alam mo ba,nakita ko si Cedrick kanina.Grabe!Nginitian ako tapos syempre,nginitian ko rin pabalik.Ang gwapo niyang bungad sa umaga!"masaya niyang tugon habang ako ay nakikinig,hindi pinapalampas ang kahit na isang kwento tungkol sa kanya.

Iyong bahay nina Dahna ay may kalapitan kina sir Cedrick kaya minsan ay nakakakuha siya ng tyempong makasulyap sa kanya.Baliktad dahil imbes na ako ang may kagustuhan,siya iyong napagbibigyan.

Gusto ko rin naman sanang bago man lang pumasok sa school ay makita ko siya kaso hindi ko naman nadadaanan ang bahay nila.

"Talaga?"napapamangha kong tanong na may halong inggit sa kanya.Tumango ito.

"Tapos nasa labas siya ng kanyang bahay na parang binabantayan ang bawat taong dumaraan.Ay iba!"

"Alam mo,buti ka pa kasi nakikita mo siya sa umaga.Paano kaya kung...dumaan ako doon bago makapasok?"

"Sira.Minsan lang naman iyon doon sa labas ng kanyang bahay.Usually kasi nasa loob saka maraming inaasikaso.Nagkataon lang na nandoon siya kanina."

Mahabang hininga ang pinakawalan ko na para bang nanghihinayang sa ganoon kasimpleng bagay.

"Kahit na.Alam mo namang pangarap ko rin namang mabungaran siya sa umaga."

"Tss.Alam mo,hindi mo lang siya gusto.In love ka na!Aba'y ilang taon na ang pagkakagusto mo kay Cedrick,ah?"tama siya.Simula nang makatapak ako sa kanyang bahay ay doon rin nagsimula ang pagkagusto ko sa kanya.

Sabi nila,kapag lumagpas sa apat na buwan ang pagkakagusto mo sa isang tao,in love ka na raw.Ako?Ilang taon ko na ba siyang gusto?

Siguro ay sapat na rin iyon para masabing in love ako sa kanya kahit na ni minsan ay parang isang hangin lang ako sa kanya.Nasa harap na nga niya ako pero hindi niya naman ako napapansin.

Bukod kasi sa tubuhan na mayroon siya,naroon din ang pagiging busy niya sa ibang gawain.Siya iyong lalaking kilala ko na mahilig magpalinis ng bahay.Halos araw-araw ay mayroon siyang pinapalinisan kay Mama at hindi kinakaligtaan talaga iyon.

Isa sa rason dati kung bakit napasama ako kay Mama sa pagpunta sa bahay nila.Iyong tanging dahilan ko lang noon ay ang tumulong sa kanya pero nauwi sa pagkakagusto kay Cedrick.

Pagkatapos nun ay parang wala na akong liban kapag pupunta ng kanilang bahay.Hindi ko na napasok sa isipan na kailangan ko ring hindi samahan si Mama paminsan-minsan.

Nagkibit balikat ako,hindi alam kung ganoon nga ba talaga ang nararamdaman.

Marami namang mga taong pwedeng magustuhan rito pero sa kanya ako nagkaroon ng nararamdaman.Dati rati ay wala naman akong pakialam kung pagdating sa agwat ng katayuan namin.Ngayon ay nababahala na ako.

"Siya pa rin ba talaga?"usisa nito.

"Siya naman palagi,"walang pag-aalinlangan kong sagot.Iyon naman talaga ang totoo dahil magmula noon ay siya lang talaga.

"Hala siya.Iba kung magkagusto,uy!Akala ko ba dati,crush mo lang?"

"Bakit?Bawal bang gustuhin siya ng pangmatagalan?"mahina kong tanong.

The Night When He Changed (Valdemora Series #4)Where stories live. Discover now