Chapter 34

367 12 0
                                    

The day before the wedding, I already made my stay at the hotel. Buti na lang dahil nagawan ng paraan ni Dahna kaagad.

Of course, I didn't shared the room with some other family members, lalo na kina Mama. Hiwalay ang room na kinuha ni Dahna para sa akin. Hindi masyadong kalakihan katulad nung kanila.

Maayos naman na iyon sa akin dahil mag-isa lang naman ako. It's not a problem at all.

Hapon na kami nakarating ni Mama. She stayed at their designated rooms. Hindi ko nakita doon si Papa. Siguro ay mas piniling hindi na makapunta dahil alam na nandito ako.

Hindi na muna ako masyadong nakipaghalubilo sa mga bisita. It's not that I don't want to entertain them. Pagod kasi ako dahil galing pa sa coffee shop tapos dumiretso na kaagad sa venue.

I used my remaining time to get my sleep. Nagising lang dahil sa pang-iistorbo sa akin ni Dahna sa kwarto. I can already see some lights from outside. Pahiwatig iyon na gabi na nga.

"Aba'y bakit hindi ka lumalabas? Balak mo bang magkulong dito?" she asked me. Binuksan ko ang kurtina upang mas lalong kita mula rito ang dagat.

She's holding a paper bag with the name of expensive brand on it. Naupo ako sa kama at hinayaan siyang nakapameywang na nakatayo doon.

"Why don't you just enjoy the night? Maraming bars dito o di kaya ay mag-night swimming ka! Jusko naman. Ang yama-yaman tapos hindi man lang nakakalabas ng hotel room?" she scolded me.

Napairap ako ng palihim saka uminom ng tubig. She finally sat on the bed and showed me what's inside of the paper bag. Nang dumako ang tingin ko doon, hindi na ako nagulat pa.

She's holding a black two piece with white sarong. Inihagis niya iyon sa akin bigla-bigla kaya pinandilatan ko siya ng mata.

"At bakit sa akin? Anong gagawin ko rito?" I asked with my forehead creased.

"You know, you can have a night swimming at the pool area. Pinalagpas ko na ang hindi mo pagsama sa dinner kanina kaya kahit ganoon man lang ay magawa mo."

Hindi nga ako nakasama sa dinner nila dahil nakatulog ako rito. I let my mother be my representative for the night. Nga lang, hindi pa ito nakuntento at ginigiba ang tahimik kong pamamalagi rito.

"Tsk. Makakapunta naman ako doon. Hindi mo naman kailangang puntahan pa ako rito," saad ko saka inilagay sa bed side table iyong two piece.

Hindi na bago pa sa akin iyon dahil minsan na rin akong nakasuot ng two piece. Habang patagal ng patagal ang panahon, hindi naman na ako nagiging ignorante sa mga bagay-bagay.

I got a chance to try new things.

"Well, I came here just to give you that. Bukas, huwag kang ma-late," she warned me. Tumango ako saka na tumayo. "Nga pala, si Tito, bukas pupunta. He called me earlier because he got some sort of emergency kaya hindi na ngayon nakapunta."

I sighed and then tied my hair. That explains now why he's not here.

Alam kong nag-aalala rin sa akin ang pinsan ko. She wants to secure if I am okay with that idea.

Alam naman kasi niyang malayo ang loob ko ngayon kay Papa. And maybe my father did asked her if I am here, making sure that everything will flow in a good way.

"Okay lang naman sa akin kung pupunta siya. Hindi ko naman kasal ito para pigilan siya," I said with a matter of fact tone.

As what I've said, may karapatan naman siyang bumisita rito. I won't be mad about that idea. Isa pa, kumpleto silang lahat dito ngayon. Nakakahiya naman kung may kulang na isa.

The Night When He Changed (Valdemora Series #4)Where stories live. Discover now