Chapter 6

250 7 0
                                    



Ang akala kong importanteng dahilan ng kanyang pagpunta doon para sunduin ako ay malayo sa inaasahan ko.

Madilim na nang makarating kami sa kanyang bahay kung kaya't naabutan pa namin doon si Freya na kinakain iyong ginawang banana bread kanina.

"Ano nga pala ang ipapatulong mo?"tanong ko sa kanya.Mula kanina doon sa pagmamaneho niya ay tahimik lang ito tapos hindi rin naman ako naglakas loob na magtanong sa kanya ng kung ano.

Humarap ito sa akin habang nakapamulsa.Naroon na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Gusto ko sanang magpaturo kung paano gumawa ng banana bread."

Natigil ako ng marinig iyon.

Nagawa niya akong pabalikin rito para doon sa banana bread,pinabalik niya ako dahil magpapaturo siya.

Grabe.Kahit yata walang kwenta ang kanyang naging rason ay mas papayag akong makasama sa kanya.Sadyang hindi ko lang inasahan na ganoon ang kanyang sasabihin.

"S-sigurado po kayo?"hindi ko makapaniwalang sabi sa kanya.

"Sigurado naman ako sa'yo.Bakit yata hindi ka makapaniwala?"sinamahan niya iyon ng kaunting tawa.

Mabilisan akong umiling saka ito na ang nauna sa akin papuntang kusina.Si Freya naman ay naroon sa labas,sa kanilang pool habang nakahiga sa sun lounger.

Kahit na alam ko naman kung paano gawin iyon ay bigla yata akong hindi nakaalala.Naupo ito sa may kataasang upuan habang ako ay naiilang sa kanyang presensya na nasa harapan ko.

Tanging ang munting pagyuko habang iniisa-isang haluin ang mga ingredients ang nagawa ko.Pinanood niya ang bawat naging galaw ko.Tahimik kong ginagawa iyon at hindi man lang nakuhang sabihin sa kanya ang procedure.

He's watching me intently so there's no need for him to explain the details.Galing ako sa isang birthday tapos ito ang inatupag ko kaagad.

"How did you know doing that?"

"Ano po...kay Mama lang."

"Really?Yor mom's a good cook so I am expecting the best from you.Can you do that?"mahina akong tumango saka hindi na nagsalita ulit.

Iniwasan kong manginig ang kamay kahit na naaalarma ako sa kanyang presensya.Buti na lang dahil napigilan ko iyon at hindi nagpa-apekto sa kanya.

Tanging ginawa niya lang ay ang maupo at panoorin ang bawat naging galaw.He asked me to teach him but I ended up doing it on my own.

"Maghintay lang po ng mahabang minuto para tuluyang maluto,"sabi ko habang inilalagay na iyon sa oven pagkatapos ay nilinisan ang naging kalat.

Doon niya lang ako tinulungan.Bukod sa kaming dalawa lang ang narito sa loob ng kanyang bahay ay naroon naman si Freya sa labas.Mukhang ini-enjoy ang pagiging narito.

"Pwede kitang matanong?"

"P-po?S-sige po."

Inilagay niya ang basahan sa pwesto nito bago naupo ulit sa kanyang upuan.Ganon rin ang ginawa ko ngunit may tindi ng kaba sa loob ko.

"Bakit hindi ko naririnig mula sa'yo na binanggit ang pangalan ko?Kung hindi sir,po naman ang ginagamit mo."

"Ano lang kasi,napapaisip ako na wala naman yatang paggalang kung tatawagin kita sa pangalan mo."

"What?Are you really serious?"natatawa na ito ngayon.Ang sarap lang ng tunog niyon sa tenga ko. "You can call me using my name.Magkasing edad lang tayo,Zai."

The Night When He Changed (Valdemora Series #4)Место, где живут истории. Откройте их для себя