Chapter 26

242 9 0
                                    

Naging matunog ang kanyang nalalapit na kaarawan. Hindi pa man nangyayari ay iyon na ang pinag-uusapan ng mga taga Galleria. Nasisiguro kong kahit ilang araw man ang lumipas, mananatiling ganoon ang magiging topic nila sa usapan.

I heard a rumor that the party will be grand. Mas enggrande pa raw sa naging party nito last year kaya hindi ko alam kung anong klaseng enggrande ba ang tinutukoy nila.

Syempre, dahil hindi parte ng kahit na anong gawain sa kanyang bahay, wala silang tyansang makapasok sa loob.

Gusto mang imbitahan silang lahat ni Cedrick pero hindi naman pwede. I guess, he will have a separate celebration with them. Katulad dati. Hindi nawawalang hindi siya nakakapag-celebrate ng kaarawan kasama ang mga taga Galleria.

He has that good aura when his birthday comes. Iyon nga lang, imbes na solohin ang perang mayroon siya, nakikisaya siya sa mga taong malayo ang agwat ng pamumuhay sa kanya.

He has a pure heart. Iyon ang ayaw ng kanyang nanay pero buong puso niyang ginagawa. Hindi nagpapapigil at mas lalong ayaw niyang hindi matuloy.

Nang sumunod na araw ay napuno lalo ng mga usap-usapan ang tenga ko. Everyone's happy. Sinong hindi magiging masaya kung ganoon ang mangyayari.

The whole place is celebrating for his day. Hindi nila alam na kung mayroon mang nag-iisang taong mas nasisiyahan, ako iyon.

I am happy not because he will have the grandest celebration, but because I know that he will do anything just to share his blessings again.

Pumayag ako sa kanyang kagustuhan. After his party, I will be with him. Hindi ko pa alam kung ano ang nagiging plano niya. I already made my word for him.

"May ireregalo ka na ba sa boyfriend mo?" Dahna's voice echoed.

Bakante ang kanyang oras sa ngayon at nakakuha na naman ng tyempong makipag-usap sa akin.

She really likes pissing me off. Nasa lahi na niya yata iyon.

"Kailangan niya pa ba ng regalo?"

"Ay tanga. Syempre! Boyfriend mo 'yon tapos hindi mo reregaluhan? Adik ka?"

Thinking that he has everything now. Kakailanganin niya pa kaya ng regalo ko?

Dati naman, hindi ako nakakapagbigay ng regalo sa kanya. Kung gusto ko man, alam kong hindi makarating iyon sa kanya.

Marami ang nagreregalo at sigurado akong hindi niya rin naman mapapansin iyon kaya hindi ko na sinubukan dati.

Now that he is my boyfriend, should I really give him a gift?

"Ano namang ireregalo ko?" as if that's a big problem. Nakukuha kong pag-isipan iyon ng masinsinan.

She placed her arms on the table and faced me. Nakipagsukatan ito ng titig sa akin. I made a hesitant look to question her also.

"Pwede ka namang magregalo ng kahit na ano. For sure, matatanggap naman niya iyon, ikaw pa," pagsasabi nito.

Saglit akong nag-isip. Sabagay, hindi naman maarte sa gamit si Cedrick. He rejected the sports car last year. Hindi ginamit kahit na alam ko kung gaano kamahal iyon.

"Ang problema, wala nga akong maisip. Saka, iyong napag-ipunan ko, sakto lang doon sa librong gusto kong bilhin. Tapos ang sobra, baka hindi pa magkasya sa ipanreregalo ko."

Napairap ito sa tinuran ko. Hindi niya kaagad nagustuhan ang aking nasabi.

Iyon naman talaga ang totoo. Having a passion on writing means everything. Kinakailangan ko rin naming maghanap ng maraming ideya para sa mga gusto kong isulat balang araw.

The Night When He Changed (Valdemora Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon