Chapter 23

209 8 0
                                    

From the color of sofas,bed,anything that you can see inside his house is all in gray color. Tingin ko nga ay bahay ko na ito dahil halos lahat ng nakikita ay paborito kong kulay.

Mula sa unang palapag hanggang sa pinakahuli ay iyon ang mga kulay na nakikita ko. He's not obsessed with gray,anyway.

Sa huling palapag kami tumungo at mula roon ay kitang-kita ang ganda ng view na nakikita. Halos buong village ay napapansin ko mula roon.

Katulad ng nasa loob ng kanyang bahay,malawak rin dito. The new wooden glossy furnitures are scattered. Chairs,long table and some plants can be seen. Siguro nga'y pinsan niya rin ang bumili ng mga ganito.

The oak wooden floor also gave justice. Malinis na para bang handang-handa nang tirahan. Kulang na lang ang pamilya niya rito ang pumunta.

"I hired some cleaners to clean the house as well. Gusto kong kapag nanatili na rito ay malinis na lahat."

"Pwede naman akong maglinis dito,ah? Bakit nagtawag ka pa ng iba?"

The glass here that served as the railings is quite new to me. Hindi ganitovang disenyo ng kanyang bahay sa Galleria kaya parang sinadya ito sa mayayaman.

Aabutin siguro ako ng ilang taon nito bago makabili ng bahay na ganito. I liked the style.

"Sa tingin mo papayag ako? I can't let you clean the whole house. Mahihirapan ka lang."

I groaned. Hindi ako nasasanay na marinig sa kanya ang ganoong salita. Ano bang tingin niya sa akin? Hindi kakayaning linisin ang buong tatlong palapag?

Does he think that I can only clean a single wide swimming pool just like what I'm doing at his house? Minamaliit niya ba ang kakayahan ko?

"Tsk. Kaya ko naman magpagod. I can have loads of work in a day if you will let me."

Tumabi ito sa akin at hinapit ako sa baywang. The heat of his hands transferred to mine. Nag-init na rin iyong baywang ko sa nagawa niya.

"Hahayaan naman kitang magpagod pero sa ibang paraan lang."

"Sa ano naman?"

He smirked. Napabusangot akong tumingin sa naging reaksyon niya.

"You won't like the idea. I should keep it for now," he then applied a quick kiss to my cheek. Saglit naming tinanaw ang mga kabahayan roon sa itaas.

We can see different styles and designs of the houses from here. Nagtataasan ang mga iyon kaya kitang-kita namin mula rito.

We are savoring the moment. Hindi nito naiaalis sa akin ang nakapulupot na kamay sa baywang ko. It's as if it is his haven,a place where can have his safety. Nararamdaman ko ang marahan nitong paghaplos roon.

"Bakit ba nahihilig kang manghalik sa akin ngayon?" tanong ko. Nabibigla na lang ako minsan sa kanya , hindi alam ang dahilan sa ikinikilos.

His smell traveled. Nanuot sa ilong ko. He really made a way so that we can have the same smell. Ewan ko ba sa trip nito sa buhay.

"The first time I tasted your lips,I got addicted. Ayoko namang araw-arawin ang paghalik sa'yo sa labi kaya sa pisngi na lang muna."

Palihim akong umirap sa kanya. The honesty of him reminded me of how he is really good at kissing. His lips moved fastly while me,still letting it sink on my mind.

"Are you that insane? Dahil lang doon,naadik ka na?"

"Of course. Mahirap pigilan ang kagustuhan kong paghalik sa'yo,alam mo? Nga lang,nag-iingat lang ako kasi baka kapag hindi ko napigilan ang sarili,mamula ng todo 'yang labi mo," his chuckles appeared after saying that.

The Night When He Changed (Valdemora Series #4)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang