Chapter 20

249 10 0
                                    

I was thankful because it didn't spread like a wildfire. Una pa lang ay nagdududa na ako kay Dahna dahil baka masabi niya kung kani-kanino.

Hindi naman sa nagdadamot o itinatago ko ang tungkol sa amin. Masyadong nakakagulat naman kung bigla-biglang malalaman ng lahat na iyon nga.

Lalo na kung nanay niya ang makaalam. She'll faint after knowing that her son has a relationship on their worker. Mababa ang tingin nun sa amin kaya kahina-hinala naman na iyon ang nangyari.

Kung meron man na mas tututol sa amin,siya ang pinakauna sa listahan. Hindi naman sa naiinis ako. Sadyang walang kalayaan lang ang kanyang anak kung pagdating sa pagmamahal.

Imagine,you are being held by your mother just for someone you don't like. Nakakasakal ang ganoon. Mabuti na lang hindi ganoon ang magulang ko.

He became my inspiration while studying. Tunog luma na pero totoo pala na kapag masaya ka,may iisang dahilan talaga para makaramdam ka ng ganoon.

He is always fetching me,making sure that I can go home safely. Pagkatapos noon ay magtitiyagang maghintay sa akin para makapunta sa bahay niya.

Pinagsabihan ko na ngang kahit hindi ay ayos lang naman sa akin. Hindi ko rin naman siya pinipilit na gawin iyon araw-araw.

"Thank you po," inilahad sa akin ang mga modules na ipinag-utos. Tatanggi na sana ako kanina kaso nakakahiya naman dahil guro ko iyong nag-utos sa akin na ihatid sa faculty room.

Limang piraso iyon at nagkakapalan. Ang bigat  lalo pa't malayo naman rito ang faculty.

I breathed heavily. Inayos ko ang pagkakapwesto niyon sa mga kamay ko bago naglakad. Hindi naman ako pwedeng dumaan sa gitnang bahagi ng school kung saan malapit ang daraanan ko dahil masyadong mainit.

Wala akong choice kundi gamitin ang hallway kung saan maraming nagkukumpulang estudyante.

I started walking normally. Pilit kong pinapataas iyong modules dahil bumababa at mas lalong bumibigat.

Wala naman kasi akong mahingan ng tulong dahil may klase pa si Dahna. I can no longer seek for some help with someone.

"Excuse me," sambit ko nang makarating sa mga estudyanteng nagkukumpulan.

Siguro'y magkaklase ang mga iyon dahil malakas ang tawanan at tila hindi naririnig ang sinabi ko.

I bit my lip because of laziness to repeat my word again. Kinalabit ko ang isa sa kanila na malapit sa pwesto ko.

I smiled awkwardly when that student faced me.

"Uh,pwedeng makidaan?" I asked politely. Sa awa ng Diyos ay tumabi naman sila at malaya akong pinadaan.

Ewan kung para saan ba ang mga modules na ito. There is some specific reasons why they are having this thick modules now. Hindi naman sa amin kaya siguro ay ibang year.

Mabagal ang naging lakad ko dahil sa bigat niyon,kinakailangan pang ingatan dahil kapag nahulog at nasira,ako ang mayayari.

Wala akong pambayad.

Sa hinaba-haba ng lakad ko,namalayan ko na lang na umangat ng kaunti iyong mga dala. I gasped when I suddenly knew who it was.

He smiled at me. Parang naging normal na ang lahat kahit na masama ang loob nito sa akin noong huli ko siyang kausap.

"Mathew. Uh,wala kang pasok?" Tanong ko dahil presko ang itsura nito,walang bahid ng kung anong pagod.

"Wala. Nakita kita kaya huwag mong masamaing tinulungan kita."

The Night When He Changed (Valdemora Series #4)Where stories live. Discover now