Chapter 36

391 13 0
                                    

Gusto kong manumbat, itanong sa kanya kung bakit narito na siya sa tabi ko at nakasuot na rin ng puting shirt. He looks like prepared though I know for a fact that my cousin didn't invited him.

Anong nakain nito at bakit nakikipag-celebrate kahit hindi naman siya imbitado?

"What are you doing here? You are not invited," mariing pagkakasabi ko. I chose to give a distance between us. Gusto kong umalis pero nagmumukha namang hindi ako bisita.

Isa ako sa pamilya ng ikinakasal tapos aalis lang ako nang dahil sa isang tao?

"Who says? Nasa public place kayo. Kitang-kita kanina kung saan ako nagkakape kaya nilapitan ko at nang malaman na pinsan mo ang ikinakasal, minabuti ko nang dumalo," how dare him say that with full of confidence? Na parang normal lang sa kanya na nakapunta rito?

I gave him a glare. Naging ganoon ang uri ng tingin ko sa kanya upang maparating na hindi ko nagugustuhan ang kanyang presensya.

"Is that part of your plan to follow me? Dahil alam mong kasal ni Dahna, naging advantage sa'yo ito para sundan ako, ganoon ba?" I remained my serious expression. Hindi ko nakikitaan ng kahit anong pagkainis ang kanyang mukha ngayon.

He stared at me with admiration. Hindi naaalis ang kanyang mga mata sa mukha ko simula pa kanina. I don't have any make-up so I guess, there's nothing to stare at me.

Sigurado naman akong walang dumi sa mukha kaya bakit ganito kung makatingin?

"I was not contented with our small talk last night. Hindi mo pa nga ako nahahayaang makapagsabi ng side ko tapos umalis ka na kaagad."

"Of course. Because I don't want to be with you for long. Sinong tao ang gugustuhing makalapit pa sa'yo kung naging dahilan ka ng paghihirap ko?" tugon ko pa bago itinuon ang atensyon sa harapan.

Halos pabulong lang ang sumbatan na aming ginagawa. Dahil nasa likuran banda kami nakaupo, halos hindi nakatuon ang atensyon ng iba sa banda namin. We can argue for so long here. At tingin ko'y hindi ako makakatakas dahil ayoko namang basta basta na lang makaalis dito.

"As what I've said, you can blame me for anything. Hindi ako magrereklamo dahil alam kong nararapat din naman iyon sa akin."

I raised my brow and smirked a bit.

Buti alam mo. Now that we have a chance to finally reminisce from the past, then I will allow myself this time. Kung hindi siya nakukuntento sa naging maikling usapan namin kagabi, edi pagbibigyan ko siya ulit.

"And I just want to know that how's your life? I mean, your life without me?" nanatiling hindi nagbabago ang eskpresyon ko.

Mukhang sa lahat ng naging tanong sa akin, ito ang mahirap sagutin. I can answer right away, of how I felt for those years without having him.

Iyong nasanay kang lagi mo siyang nakikita sa bawat araw mo, naging parte ng araw mo, naging mabuting tao kahit na ang layo ng agwat ng katayuan niyo. He was the perfect man. I honestly can't wish for anything before.

I breathed hard and tried finding for some words. Nanatiling nasa unahan ang atensyon ko pero iyong tenga ko ay hindi nakikinig sa kung anong sinasabi ng pari. I act like I'm listening but the truth is, I am not.

"You want some honest answer?"

"Yes... even if it will hurt me."

Kung nagagawa ko lang na ibalik sa kanya lahat ng naranasan ko sa pamamagitan ng mga salita, noon ko pa sana ginawa. Pero hindi, eh. Masyadong imposibleng mangyari.

The Night When He Changed (Valdemora Series #4)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें