Chapter 9

258 10 0
                                    



Posible bang normal lang ang lahat para sa akin pagkatapos ng pag-amin kong iyon?Kung hindi nalamang gusto ko siya ay hindi ko rin naman sasabihin sa kanya ang tungkol doon.

Somehow,I felt relieved.Iyong tinatagong nararamdaman sa loob ng ilang taon ay nailabas na.

Hindi rin naman ako magagalit kay Freya nang dahil lang doon.It's not a big thing for me.Kalahati sa akin ay pabor na sa nagawa niya dahil napapalapit sa akin si Cedrick.

Sa totoo lang ay parang ibang-iba siya ngayon.He's more closer to me now than before.Mas lalo akong nagkaroon ng tyansang mapalapit din sa kanya

I have no courage to face him confidently before.Ngayon ay parang siya na ang kusang lumalapit.

Ayoko rin namang paasahin ang sarili na nagugustuhan niya ako.Malabo nang mangyari pa iyon.

"Salamat po,"tinanggap ko iyong nagkakapalang mga bondpaper.Mga reviewer iyon.

Narito ako ngayon sa labas ng school,nagpapa-print.Marami pa naman iyon.

Minsan nga ay nauubos na ang pera ko dahil dito.Naiisip ko na parang hindi na ako nag-aaral.Pumupunta na lang ako ng eskwelahan para may maipasa.

Bukod kasi sa mga reviewers ay may iba pa kaming importanteng ginagawa.Dagdag pagod na rin.

Dumiretso akong campus saka pumunta ng library.

This place is like holy.Ikaw pa ang mahihiya kapag nakagawa ka ng ingay.Dito lang din ako nakakapag-review ng maayos minsan.

Binuklat ko ang reviewers na dala saka kinuha ang highlighter at nilagyan ang mga important terms.I applied the tips I've told Mathew.

Doon ko inubos ang oras sa pagre-review.Bukod sa pagsasagi sa isip tungkol doon kay Cedrick,gusto ko ring maging handa.

Just in case we'll have some important quizzes,then I am prepared.Hindi ko rin naman gustong walang mapuntahan ang mga nagawa ko.

Ilang oras akong namalagi doon hanggang sa natapos na ako.Niligpit ko ang bag ngunit agad na napatigil nang may marinig na ingay.

Mga librong nahulog na para bang may aksidenteng nakasagi niyon.Followed by a noise that I don't know where it came from.

Pinuntahan ko ang ingay na iyon ngunit napatutop sa bibig nang makita kung sino.Hindi nila napansin ang bulto kong gulat na gulat na nakatingin sa kanila ngayon.

It took them some seconds before they stopped what they're doing.Parang biglang namutla iyong pinsan ko dahil nakita akong tulala sa kanila ngayon.

Mabilis niya akong hinigit palabas doon.Hindi ako nakapalag hanggang sa huminto kami,hinarap niya ako at bumalik sa normal ang kanyang ekspresyon.

Hindi na ito tulad kaninang parang tinakasan ng dugo.

"Seryoso ka Dahna?Bakit sa library?"inirapan niya ako,hindi natatanggap ang ganoon kaikling sermon ko sa kanya.

Napapanguso na ito sa harapan ko,nagdidikit ang kilay sa pagkabitin.

"Ito naman.Hindi naman namin alam na doon ka.Sorry na kung naistorbo ko ang ginagawa mo doon."

"Kahit na.Bakit kasi hindi kayo humanap ng lugar niyo?"naiinis kong sabi.Hindi ko naman pagmamay-ari ang library pero hindi naman yata tama na doon sila.

Paano ba naman kasi,nakita ko silang naghahalikan ng kung sinong taong 'yon.Hindi ko alam kung kaklase niya ba o schoolmate.Kung hindi pa ako siguro nakarating doon ay hindi rin sila titigil.

The Night When He Changed (Valdemora Series #4)Where stories live. Discover now