Chapter 5

315 7 0
                                    



Hindi naging madali para sa akin ang sandaling naging magkalapit kami.Para akong hihimatayin sa sobrang kaba.

Marahan kong pinunasan ang picture frame niya.Pinalinis niya ulit sa akin ang kanyang kwarto dahil mukhang hindi nakuntento doon sa nagawa ko.

Okay lang naman sa akin kasi kasalanan ko naman.Kung hindi ko lang nasagi iyong vase ay matatapos ko kaagad ang trabaho.

Tinitigan ko ang nakangiti niyang mukha roon.Mas lalo kong inigihan ang pagpunas kahit nakailang ulit na ako.

Dati naman ay ginagawa ko na ito tapos nagkakaroon lang ng ibang tyempo para tuluyang matitigan iyon ng matagal.

"Ang gwapo mo talaga Cedrick.Magawa mo rin kaya akong gustuhin?"mahina kong sabi.

Ang hirap ng nangangarap ng walang kasiguraduhan.Patago kang masasaktan tapos patago ka ring maghahangad ng taong gusto mong mapasayo.

Inilapag ko iyon saka kinuha ang isa pang frame.

"Gusto mo ba si kuya?"nabitawan ko ang hawak nang marinig ang boses sa likod ko.Bigla bigla akong nataranta dahil sa posibilidad na narinig nga iyon.

"F-Freya..."Napalunok ako.

Siya iyong nakababatang kapatid ni Cedrick.Nakasuot ng shorts tapos sleeve less sa pang-ibabaw.Tila naghulog ang langit ng isang anghel ngayon.

Lumapit ito sa naging pwesto ko.Hawak ko pa ang basahan habang nakatingin ang kanyang mga mata doon sa mga picture frames na pinupunasan ko.

"Gusto mo si kuya?"ulit niya pang tanong.

Umiling ako.Ayokong malaman naman ni Cedrick na may gusto ako sa kanya.Mas lalong ayoko ring mapaalis rito ng dahil lang sa ganoong rason.

"Hindi naman,"mahina kong sabi.

Medyo malapit rin ito sa akin tapos mabait,katulad ni Cedrick.Ngunit si Cedrick,kuhang-kuha ang itsura ng kanyang ama habang si Freya naman ay iyong ina niya.

Kaunti lamang ang kanilang pagkakahawig pero malalaman mo rin na magkadugo sila.

"Dinig na dinig kita.Ngayon ka pa talaga magde-deny,ah?"tukso niya sa akin habang may maliit na ngiti sa kanyang labi.

Kahit na magkalapit kaming dalawa,hindi ko naman nagawang umamin sa kanya tungkol sa nararamdaman ko sa kuya niya.

Takot ko lang kasi ayoko rin namang marinig ang katotohanang hindi nga ako gusto ni Cedrick.

"M-mali ka lang ng dinig.Uh..."wala akong maisip na dahilan.

Tuluyang na itong napangisi.

"Don't worry,I won't tell kuya about it.Pumunta ako dito kasi sabi niya,marunong ka raw gumawa ng banana cake.I want some help from you.Kung payag ka."

Tumango ako bilang pagsang-ayon.Saglit kong tinapos ang ginagawa bago tuluyang bumaba na at dumiretso sa kusina.

Kumpleto naman sila sa mga kakailanganin tapos minsan ay biglaang nagpapaluto ng ilang mga putahe kaya si Mama ang napagkakatiwalaan doon.

Sa pamamagitan ng pag-obserba,nagawa kong aralin ang mga nagawa niya.

Umupo ito sa mataas na upuang naroon.Nakahanda na lahat ng ingredients.

"So,what's the first thing we'll do?"binalatan ko ang saging na naroon.Ginaya niya ang naging kilos ko hanggang sa umabot ng ilang piraso.

Pati ang kanyang nagiging galaw ay sobrang pino tapos parang hindi man lang nakaranas ng kaunting kamalian.Ang haba ng daliri at mapuputi ang mga iyon.

The Night When He Changed (Valdemora Series #4)Where stories live. Discover now