Chapter 32

350 11 0
                                    

Hindi naman nagtagal ang kanyang pagbisita sa akin doon. Tanging nag-imbita ito sa aking samahan siya kinabukasan para daw sa pag-welcome sa akin. I can't go for tonight since naroon sa bahay muna mananatili ang pinsan ko pati ang kanyang boyfriend.

I need to at least welcome them too. Ayoko namang si Mama na naman ang mag-asikaso ng lahat doon kasi nandito ako.

Isa pa, hindi rin naman ako magtatagal dito sa coffee shop dahil kailangan ko pang mamili ng groceries sa bahay. Then, I can call my mother for that since siya naman ang expert sa pamimili.

Naging mas abala lang ako sa coffee shop. I did all my works before I finally decided to go to the supermarket.

Sa mga staffs lang na nandoon ko inihabilin ang lahat. It is already lunch time when I went out. Kaya naman ay madalian kong sinundo si Mama sa bahay upang isama siya.

Sa ilang taong pagsusumikap, nakabili naman ako kahit papaano ng sasakyan. It is not really the expensive one. Maayos na sa akin ang may magamit kahit saan kami magpunta.

Besides, ako lang naman ang nagmamaneho tapos nagagamit lang namin kapag nakakauwi ako. Tapos tambay lang sa garahe kapag wala ako.

Nang makarating na ng bahay ay agad akong nagbihis. Si Mama ay nakabihis na rin kaya hindi naging problema sa akin. Aside from buying groceries, I also need to buy a dress for the wedding.

The motif of their wedding is white so we are all required to wear something white on that. Sinabihan ko na nga si Dahna na sana naman ay ginawa na lang floral dahil nasa beach naman ang kanyang kasal.

But that cousin of mine didn't agreed with me. Mas gustong puti para raw masyadong totohanang kasal ang nagaganap at hindi kung ano.

I drove to the mall. Sa loob ng sasakyan ay hindi maiwasang pag-usapan namin ni Mama ang tungkol kay Papa. My father's not with us. Hindi ko aakalaing aabot kami sa ganitong punto kung saan naabot ko na ang pangarap tapos hindi kami kumpleto.

"Nagkausap pala kami ng Papa mo. Sabi niya sa akin kung pwede mo raw bang bisitahin siya?" I breathed hard. Pagkatapos malaman namin ang mga nagawa niya, nagdesisyon akong hindi na muna makikipagkita sa kanya.

Of all the pain that I've felt, being fooled by your father is the worst one. Nasa iisang bahay kami, laging magkasama pero hindi ko man lang nakitaan ng kahit na anong pagkukulang na kanyang hinahanap. He is the ideal father, not until that happened.

Siguro, sa ilang taon nang nangyari, hindi pa rin naaalis sa utak ko ang lahat. Except for the Valdemoras who made my stay at Galleria a memorable one. Malaki ang naidulot niyon sa akin dahil naging dahilan din ng pagkabagsak ko.

After that incident, I failed the exams. Hindi ako nakakuha at buo ang mga naging desisyon ng guro ko na hindi ako papasahin.

I experienced the terrible pain that time. Para akong pinagkaisahan ng mundo, ng taong mahal ko. Everyone's playing at me. At parang mas pinapadama sa akin na hindi pa tapos ang lahat hangga't hindi ako nakikitang bumagsak.

Hindi ako umimik. Ewan ko ba kung ngayon ang dapat na oras na magkausap kaming dalawa. We had a good relationship before but he ruined it. Pagkatapos ng mga nangyari, nag-iba ang tingin ko sa kanya.

I became distant. Hindi na ako nakipag-usap dahil masyadong hindi kapani-paniwala ang kanyang ginawa.

He is staying now somewhere far from us. Nagkakausap naman sila ni Mama pero hindi naman nagkikita. That's okay for me. Hindi ko naman ipinagkakait kay Mama na makausap siya kasi mukhang napatawad naman niya.

I can forgive but once I get full, I don't know if that will happen. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang magpatawad sa isang tao.

I parked my car without answering my mother. Sabay kaming pumasok ng mall saka dumiretso sa supermarket. I only talked to her with different topic. Hindi na rin ito nagkwento sa akin tungkol kay Papa.

The Night When He Changed (Valdemora Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon