Chapter 4

333 8 0
                                    



Pansamantalang hindi muna nagtrabaho si Mama habang si Papa naman ay naging pansamantalang driver ng ina ni Cedrick.

Dagdag kikitain rin iyon lalo pa't maraming proyekto sa school na kinakailangan ng pera.

Sa totoo lang ay scholar ako sa school kaya mayroong allowance minsan na nakukuha sa isang taon.Dalawang beses ako kung makakuha niyon kaya ang ibang natitira ay nilalagay ko sa alkansya.

Pinunasan ko ang unipormeng nadikitan ng alikabok.Kasama ko si Dahna habang namimili ng mga damit na pwedeng bilhin.Aniya'y may extra raw siyang pera kaya ibibili niya iyon ng damit.

Nakasunod lamang ako sa kanya habang namimili ito.Patingin-tingin lang ako dahil hindi ko naman kayang gastusin ang napag-ipunan para sa isang damit lang.

"Maganda ba 'to?"sinuri ko ang damit na kanyang napili.

Sleeveless iyon tapos kulay itim na crop top.

"Isusuot mo 'yan?Saan?Saka kita na ang pusod mo niyan!"kontra ko saka kinuha at ibinalik iyon.

Napasimangot siya sa ginawa ko.Ni minsan ay hindi ako nakasuot ng mga ganoong klase ng damit.Hindi naman ako manang sa pagpili,sadyang hindi ko lang type iyong mga ganoong style.

"Bakit nga ba ikaw ang dinala ko dito 'no?Uso 'to ngayon!"

"Kahit na.Hindi ka nahihiya magsuot niyan?"

"Duh?It is called fashion.Try mo minsan,hindi iyong nags-stick ka sa style mo,"kinuha niya iyon ulit.

Sabagay,pinsan niya lang naman ako tapos kung makaasta ako ay parang ako iyong nanay.

Sandali kaming naglibot doon sa store.Nakailang pares yata siya ng damit bago tuluyang binayaran iyon.

Habang ako ay naghintay lang sa kanya.Bakante ang oras namin tapos mahaba-haba kaya dito niya naisipang pumunta.

Pagkatapos niyon ay hinatak niya ako papunta sa plaza.Maraming estudyante,mga highschool tapos iyong iba ay talagang gumala lang rito.

"Teka lang naman.Baka pwedeng makauwi na ako?May trabaho pa,sayang kikitain."

"Ito naman.Baka si Cedrick lang kamo ang gusto mong makita."

Nasabi ko sa kanya ang trabaho doon.Napag-usapan naming pagkatapos ng magiging klase ko ay doon lang ako makakapunta sa bahay niya para maglinis.

Pabor na ako doon dahil hindi mahirap sa akin tapos walang liban sa klase.Tanging sa weekend lang ako buong araw sa kanila.

"Hindi,ah.Nasasayangan lang talaga ako sa pera."

"Asus.Sandali lang naman 'to.Uwi din tayo agad.Libre ko."

Hindi na ako nakapaghanap pa ng irarason sa kanya kaya napapayag ako.Tanging binili niya lang sa akin ay iyong bibingka tapos isang palamig.

Kung hindi ako nagmamadali ay mas masasarapan pa ako doon pero iyong utak ko ay naroon,iniisip ang magiging trabaho.

Maaliwalas ang panahon saka hindi masyadong matindi ang sikat ng araw.Naupo kami sa bakanteng upuan na naroon saka siya na-umpisa itong magkwento.

Umakto akong nakikinig ngunit iyong isip ko ay lumilipad na.Ni hindi ko na namalayang niyuyugyog niya iyong balikat ko.

"Nakikinig ka ba?"napakurap ako ng ilang beses saka napaharap sa kanya.

"H-ha?Oo naman,"napairap ito sa akin,alam na hindi iyon nangyari.

Paano ba naman ako makakaintindi sa pinagsasabi niya kung wala sa kanya ang atensyon ko?

The Night When He Changed (Valdemora Series #4)Where stories live. Discover now