Simula

334 24 1
                                    

Simula

Mula sa bintana ay tumatagos ang sikat ng araw. Ang sobrang liwanag na nang gagaling dito ay nagpapasakit sa aking mga mata. Mula sa bintana, ay inilipat ko na lamang ang tingin sa aming prof na nasa harapan. Hindi ko maintindihan, ang kaniyang mga pinag sasabi dahil sa hina ng kaniyang boses, at saktong nasa dulong bahagi pa ang aking upuan.

"Ohh! shit!"

Kunot noo ako'ng bumaling sa aking katabi ng marinig iyon. Agad kong kinuha ang ballpen na naka ipit sa aking binder at agad iyong ibinato sa kaniya. Sapul! Mabilis pa sa alas kwatro siyang nag angat ng tingin at iniikot ang paningin upang hanapin ang nambato sa kaniya. Nang mapabaling siya sa akin ay agad ko siyang pinanlakihan ng mata na agad niyang sinuklian ng matamis na ngiti at nag peace sign pa ang kumag.

Kahit kailan wala pa ring pinagbago, ganiyan ang gawain niya kapag tinatamad siyang makinig sa aming prof. Ang manuod ng Hentai! at dahil mas madalas siyang tamadin kaysa sipagin ay madalas niya din yang gawin. Madalas ko siyang suwayin sa ganiyang gawain, susunod naman siya sa akin pero maya-maya lamang ay ayan nanaman siya kaya minsan ay hinahayaan ko na lamang siya dahil suko ako sa katigasan ng ulo niya.

Nang magpaalam ang aming prof ay agad kong iniligpit ang aking mga gamit at inilagay sa bag. Dire-diretso akong lumabas dahil kanina pa nag wawala ang mga alaga ko sa tiyan. Mula sa entrance ng cafeteria ay agad akong pumila, mamaya na lang ako hahanap ng table dahil mas madaling gawin yon kaysa pumila.

Napabuntong hininga na lang ako ng makitang pangatlo na ako sa pila. Mabilis ang andar ng pila pero para sa akin ay lubhang napaka tagal niyon dahil sa sobrang gutom, hindi na kasi ako nakapag breakfast kanina sa pagmamadali dahil late na ako.

Dumagdag pa sa aking inis ang ingay ng mga estudyante ng sabay-sabay silang tumili na akala mo ay mayroong sunog sa kung saan. Agad kong tinignan ang kanilang pinagkakaguluhan, wala namang espesyal sa taong yon. Sinundan ko lang ito ng tingin ng mula sa entrance ay dire-diretso siyang lumakad patungo sa pila at agad nag init ang ulo ko ng sumingit pa sa pila ang kumag at nagpunta sa harapan ko.

"Fuck! Aray! Masakit yon ah!" singhal niya sa akin habang hawak ang kaniyang ulo kung saan ko siya hinampas.

"Kung hindi ka ba naman kasi abnormal kita mo'ng may pila sisingit ka diyan?!" inis kong sabi sa kaniya at hinala ang likod ng kaniyang polo paalis sa pila.

"Pumila ka! doon sa dulo!" itinuro ko pa ang dulong ng pila.

"Marga naman!" Kamot ulo itong tumingin sa akin at inismidan ko lamang siya. Naka ngusong bumaling siya sa aking likuran. Kahit hindi nakatingin ay kitang-kita ko sa gilid ng aking mga mata ang paglalandi niya sa babaeng nasa likod ko. Pansin ko ang pamumula ng babae at ang pag urong nito upang mabigyan ng pwesto ang kumag. Hindi talaga marunong pumila ang lalaking to at laging ginagamit ang landi.

Nang maka order ay agad akong naghanap ng table, pinili ko ang table sa gilid sa may malapit sa bintana. Kakaunti lamang ang mga students sa banda roon at mas gusto ko ang tahimik habang kumakain. Hindi na ko nagtaka ng sumunod sa akin si Vio dala ang kaniyang pagkain at mabilis na inalis ang bag ko sa katabing upuan at doon siya naupo.

"Ayan lang ang kakainin mo?" tanong ko sa kaniya matapos makita ang inorder niya.

"Busog pa ko eh," aniya at inilabas ang cellphone mula sa bulsa.

"Kung ganoon bakit bumaba ka pa?" naniningkit ang mata kong tumingin sa kaniya.

"Syempre para bantayan ka at saka para makasilay din yung mga fans ko sa'kin," mayabang niyang sagot sabay mabilis na kumindat sa'kin at agad ibinalik ang tingin sa kaniyang cellphone.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Where stories live. Discover now