Kabanata 32

87 11 0
                                    

Kabanata 32

R18+

"Ready ka na ba?"

Tumango siya at ngumiti, huminga ako ng malalim at nag-iwas ng tingin sa kaniya.

"Bakit doctora? May problema ba?" tanong niya.

Tumingin ako sa kaniya, tipid na ngumiti at saka umiling.

Natahimik kami at walang nagsasalita, bumigat ang pakiramdam ko. Hindi eto ang unang beses na mag o-opera ako, pero hindi ko maiwasang kabahan lalo na't kaibigan ko si Aileen. Paano kung magkamali ako?
Paano kung sa gitna ng surgery ay mag ka problema?

Napatingin ako sa kaniya ng hawakan niya ang kamay ko at pisilin. "Kinakabahan ka ba doc?" nakangiting sabi niya.

Huminga ako ng malalim at seryoso siyang tinignan. "Hindi ko alam, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Kakayanin mo naman hindi ba? Tutulungan mo ako,"

Tumango siya. "Oo naman, pero kung may mangyayari mang masama—"

"Walang mangyayari," putol ko.

Natawa siya. "Kung sakaling mayroon lang doc. Katawan ko 'to kahit gaano ka kagaling kung katawan ko ang sumuko, talo tayo."

Mahigpit ko siyang niyakap na ikinatawa niya. Para ko na siyang kapatid na ituring kaya naman ganito ang kabang nararamdaman ko na alam kong hindi tama. Maaaring maka apekto 'yon sa gagawin ko.

Tinapik-tapik niya ang likod ko. "Basta kahit anong mangyari, ikaw ang the best na doctor ko," natawa kaming dalawa dahil sa sinabi niya.


"Aileen Valdez. Time of death, 10:28 AM."

Nanghina ako ng marinig ang anunsyo ng doctor na kasama. Tinapik ako ni Doc Vince sa likod bago lumabas. Sinulyapan ko si Aileen na ngayon ay tinatakpan na ng puting kumot ng mga nurse.

Mabigat ang loob na lumabas ako ng operating room, napasandal ako sa pinto at tumingala. Mariin akong pumikit at sinapo ang noo ko.

I'm sorry, I'm sorry Aileen.

"Wala kang kuwenta!"

Napaayos ako ng tayo ng makarinig ng sigaw, doon ay nakita ko si Aira na nakaupo. Umiiyak siya habang masamang nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin at kumurap-kurap, nang makuntento ay naglakad ako papalapit sa kaniya. Hindi pa ako nakakalapit ng salubungin niya ako ng malakas na sampal.

Napatagilid ang mukha ko at rinig ko ang takbuhan ng mga nurse na papalapit sa akin. "Doc!"

Lumapit sa akin si Nurse Lea. "Miss kumalma po kayo."

"Kumalma?! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Namatay ang kapatid ko! Namatayan ako... tapos.. tapos kumalma?" nabasag ang boses niya.

Sumenyas ako kay Nurse Lea na kaya ko. Nilapitan ko si Aira pero tinulak niya lang ako. "Aira, please...."

Umiling siya. "Sabi mo, sabi mo pagagalingin mo ang kapatid ko," umiiyak niyang sabi.

Lumapit ako at pilit siyang niyakap. "I'm sorry, sorry."

Muli niya akong tinulak na ikinatumba ko. Naglapitan ang mga nurse na kasama ko. "Kaya ko, iwan niyo muna kami," saad ko. Tumango ako kay Nurse Lea at saka niya inaya ang mga nurse na kasama.

Nang maiwan kami ni Aira ay tumayo ako at muling lumapit sa kaniya. "Ginawa ko ang lahat—"

Tinignan niya ako at saka siya mahinang natawa. "Ginawa mo ang lahat? Kung ginawa mo edi sana buhay pa ang kapatid ko!" sigaw niya.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Where stories live. Discover now