Kabanata 14

76 14 0
                                    

Kabanata 14

Days, weeks and months went passed.
Ilang linggo na lang ay malapit na kaming grumaduate kaya todo kami sa pagsusunog ng kilay upang makagraduate. Hindi rin biro ang mga pinagdaanan namin dito sa college may mga time na maiiyak ka na lang talaga sa sobrang hirap ng kurso lalo na ang Biology. Pero sa awa ng diyos ay nandito na kami sa huling proseso malapit na ang final exam namin kaya subsob kami sa pag rereview.

"Tubig oh."

Nag angat ako ng tingin kay Vio at kinuha ang tubig na inabot niya at saka muling nagtuloy sa pagbabasa. Nandito kami sa Library ngayon dahil walang klase. Parang dati ay sa Mall ang tambayan namin pero ngayon sa library na.

"Kami wala?" tanong ni Charls.

"Wala, wala na akong pera," pagdadahilan ni Vio, naupo sa tabi ko
at hinawakan ang kamay ko na nasa lamesa na ikinangiti ko.

"Ang yaman mo Sperbund pero madamot ka kaloka!" sabi na lang ni Charls, siniko siya ni Asenna at nginuso ang kamay naming magkahawak ni Vio.

"Ahem," pag-ubo nito.

Nag angat ako ng tingin sa kaniya, saglit na nilingon si Vio at ng makitang nagbabasa 'to ay dinilaan ko lang ang dalawa.

"Nako ang harot-harot may makukurot ako!" nanggigigil nitong sabi na ikinabungisngis ko.

Nalingon naman sa'kin si Vio. "Bakit?" tanong niya at inilingan ko lang.

Simula noong gabi ng birthday niya mas lalo kaming napalapit sa isa't isa. Yung dati na normal lang sa'kin ay ngayon ay nakakakilig na. Oo na inaamin ko na gusto ko siya, pero hindi ko alam kung gusto niya ba ako. Pero hindi naman yon mahalaga hindi ba? Basta ganito kami palaging dalawa. Hindi ko siya tinatanong kung ano ba kaming dalawa, basta kuntento na ako sa kung anong mayroon kami ngayon.

"Hoy gaga ka! Ano kayo na ba?" sabi ni Charls ng tumayo si Vio upang kumuha ng panibagong libro.

"Hindi ah."

"So ano 'yon best? MU lang kayo?" tanong ni Asenna.

"MU?"

"Oo Malanding Ugnayan! naglalandian, tapos walang label!" saad niya na ikanaawang ng bibig ko.

"Gaga! hindi ba obvious? May pa 'mag kaibigan lang kami' tapos ngayon kinikilig na ko ka talaga Aubry landi ha!" sabi ni Charls at pinukpok pa ako ng pamaypay niya.

"Hoy bakla! bakit mo hinahampas yan!"

Gulat akong nalingon kay Vio ng bigla na lang itong sumulpot, nagtinginan tuloy ang mga students na nasa kalapit naming lamesa dahil sa pag sigaw niya. Umupo siya sa tabi ko at tinignan ang ulo ko. Gusto kong matawa sa ka OA-an niya.

"Aray grabe! Makabakla ka paps!" sabi ni Charls at humawak pa sa dibdib niya na parang kakapusin sa pag hinga.

"Tsk wag mo nga siyang hinahampas! Gusto mo hampasin ko din si Rabis ha?" pag babanta nito.

"Ay wag naman ganon paps, ayokong nasasaktan ang baby ko," paawa niyang sabi. "Sorry Bry," sabi niya sa'kin atsaka umirap. Bruha talaga.

"Masakit?" napatingin ako kay Vio ng magtanong siya. Inalis ko ang kamay niya sa ulo ko at saka siya mahinang hinampas.

"Hindi naman, OA mo, ha."

"Tsk, ayokong nasasaktan ka," sambit niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at hinarap sa kaniya.

"H-hindi nga kasi masakit," utal kong sabi.

"Nako, ang landi! Sabi mag-aral, hindi mag landian!" singit ni Charls kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Vio at nagsimula na lang ulit kaming mag review.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Where stories live. Discover now