Kabanata 36

95 10 1
                                    

Kabanata 36

Naupo ako sa bench sa unang beses ngayong araw, tinanggal ko ang mask na suot. Suot ko pa rin ang green scrub suit ko. Sinandal ko ang ulo ko sa pader at napabuntong hininga, iginala ko ang tingin sa kabuuan ng hallway bago mariin na pumikit.

I just witnessed another death. Hindi katulad noong unang beses ko na namatayan ng pasyente ang pakiramdam ko, pero hindi ko pa rin maiwasan na malungkot. Pero walang dahilan para hindi magpatuloy. Sa uri ng trabaho ko natural na lang ang mga ganitong bagay kaya kailangan kong masanay, kailangan.

Tumayo ako at nagsimula ng maglakad. Sa kalagitnaan ng hallway ay binati ako ng mga doctor at nurse na nakasalubong, tango at tipid na ngiti lang ang ginanti ko.

Nang matapat sa office ko ay pipihitin ko na sana ang sedura ng bigla akong makaramdam ng hilo. Napapikit ako at isinandal ang noo sa pinto at saka yon marahang hinilot.

"Doc! Are you alright?"

Saglit kong pinakiramdaman ang sarili bago umayos ng tayo at lingunin ang nag salita.

"I'm good, nahilo lang."

"Are you sure?" paninigurado niya.

Ngumiti ako at marahang tumango. "Oo ayos lang, salamat."

"Hmmm, kung ganoon mauuna na 'ko."

"Ingat doc!" paalam ko at saka siya sinundan ng tingin, bigla akong natigilan nang maalala ang nangyari.

Muli kong hinawakan ang sentido at pinakiramdaman ang sarili, nang walang mapansin na kakaiba, bukod sa pagkahilo kanina ay nagpasya na akong pumasok sa loob ng office ko.

Nagpalit lang ako ng damit na suot at saka nagpatong ng coat bago lumabas to get some coffee. Huminto ako sa labas ng office ni Vio ng madaanan 'yon, sumilip ako at nadismaya ng hindi siya makita doon. Nakakatawa na nasa iisang ospital lang kami pero ang dalang naming magkita.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at saka sumakay sa elevator, pinindot ko 'yon upang magsara ngunit hindi 'yon nangyari ng may pumigil doon at saka pumasok at tumabi sa akin.

"Hindi ka mukhang doctor, mukha kang pasyente."

Napairap ako sa hangin bago siya balingan. "Nakakatawa 'yon?"

Mahina siyang natawa at saka ako hinarap sa kaniya. "Totoo bruha! naka white coat ka pa. White lady ka girl?"

"Charls naman e!" padabog kong angil.

Lumabi ako ng hawakan niya ang magkabila kong pisngi. "Maputla ka, may sakit ka ba?"

Umiling ako. "Papasok ba ako kung mayroon?"

Nanliit ang mga mata niya at saka pinaling-paling ang mukha ko, na para ba'ng sa ginagawa niya na 'yon ay masasagot ang kaniyang tanong.

"Ano sa tingin mo, ang ginagawa mo?" inis kong tanong at saka humiwalay sa kaniya.

Seryoso pa rin ang itsura niya. "Nag pacheck-up ka na ba?"

Umiling ako. "Wala 'to, sa pagod lang siguro."

Pabiro niya akong tinulak sa may balikat "Gaga, iba 'yang pagka putla mo!"

"Hindi nga kasi, 'wag kang magulo."

Isang linggo na rin ang nakalilipas ng lumipat siya dito, hindi ko pa malalaman kung hindi pa siya bumisita sa office ko. Nakakatawa naman dahil kahit papaano ay kahit sa trabaho ay magkasama pa din kaming dalawa, parang dati lang.

"One order of Latte and Lemon Poppy Seed Muffins."

Mabilis na isinulat ng waiter ang order ko at saka umalis. Ibinaba ko ang Menu na hawak at saka pinaghawak ang mga kamay. Habang naghihintay ay kumuha ako ng mga libro at magazine na puwedeng basahin, napa-awang ang bibig ko ng makita ang cover non.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon